👑 Nakikihugot Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7:
"Meet my Lola"
______________________________________
So umuwi na ngayon kami syempre dahil ininvite ng magaling kong kapatid yung dalawa sumama sila sa amin.

"Wow, ang ganda pala ng bahay nyo Adeline" sabi ni Dr. Huang ay Tristan pala hehe. Sowwy di ako sanay tawagin sila sa first name nila.
"Mas maganda sana kung yung sala is iba yung pwesto" sabi naman ng epal na si Louise. Hayst kahit kelan talaga.
"Arte mo naman" sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo na yang si Louise, palibhasa engineer ang daddy at interior designer ang mommy nya kaya ganyan yan" paliwanag naman ni Tristan.
"Ah kaya pala perfectionist" sabi ko.
"Hoy ate! Ano ganyan na lang di ka kililos para mag ayos? Darating na kaya sila maya maya lang" sabi naman ng kapatid ko. Nga pala sa isa pa naming bahay kami pumunta in which is maraming mga katulong at dun nakatira si Lola.
"Oh mga apo" speaking of Lola eto na sya.
"Lola pls. don't pinch my face like that baka matanggal na gwapong mukha ko nyan" sabi ni Florentino habang kinukurot ni Lola Eline.
Agad naman akong nagmano Kay Lola.
"Ouch Lola" sabi ko ng biglang binatukan ako ni Lola.
"Ikaw ha ang tagal mong hindi dumalaw" sabi nito.
"Sorry po La, busy lang po kasi sa work" paliwanag ko. Nakita ni Lola yung dalawang kasama namin.
"Sa pagkakaalala ko, dalawa lang ang apo ko?" Sabi ni Lola.
"HAHAHA" tawa ng may sapak sa ulo kong kapatid. What's funny? Tawa ka jan?
"Hindi nyo po sila apo, mga kasamahan ko po sila sa trabaho" sabi ko.
Nakita ko namang nagmano ang dalawa. Actually si Tristan lang yung inasahan kong magmamano. Pero pati pala yung epal may manners din at respect. Edi wow, Edi shing, edi washing.
"Hello po ako po si Tristan" pagpapakilala ni Dr. Huang kay Lola.
"Louise po Lola" sabi naman ni Dr. Lopez. Nakikilola ang walang hiya .
"Ngayon darating ang mommy at daddy nyo" sabi ni Lola.
"Alam po namin La" sabi ni Florentine na nilalantakan na yung ubas sa pinamili namin. Abay di nakapaghintay?
"Nakavideo call ko kasi sila nung isang araw" sabi ni Lola. Diba techi si Lola, nag eeML pa nga si Lola ih.
"La rank oyat, g?" Tanong ng kapatid ko.
Napansin ko naman ang gulat sa dalawang kasama namin.
"G" sabi ni Lola.
"Sali ko La" agad namang sabi ni Louise. Abat kahit kelan napaka feeling close nitong epal na to.
"Sali rin po ako" sabi naman ni Tristan.
"Sige na La laro na muna kayo, ako na po maghahanda ng mga kailangan sa party" sabi ko naman.
"Ge ate go na, dali marami ka pa gagawin" abat kung makautos, señorito ka? the heck? Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko.
"Patulong ka na lang kina Yaya Elsa at Yaya Anna sa paghahanda" sabi ni Lola. Oh diba lupet ng names ng mga kasambahay. No to? Frozen? Let it go?

Princesses in Profession  Vol.1 "Nakikihugot"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon