👑 Nakikihugot Chapter 3

3 1 1
                                    

Chapter 3:
"First day in the hospital"
______________________________________
Pagkapasok ko ng ospital nakabangga ako ang nurse.
Nope isa palang doctor... wait... sya yung... yung...
"Hey, ayos ka lang?", tanong sakin ng lalaking kasama nung lalaking tumulong sakin nung araw na nadapa ako o sya nga ba? sya lang kasi yung pinakanatitigan ko nung araw na yun nahihiya kasi ako dun sa gumamot sakin.
"Uhm Yah, I'm fine", sabi ko.
"Wait ikaw ba yung bagong doktor na sinasabi nila na darating ngayon?", tanong nya.
"Ako nga, I guess", sagot ko naman.
"Well, I'm Dr. Tristan Huang, It's nice meeting you doctor?", pagpapakilala nya.
"Dr. Adeline San Jose", pagpapakilala ko.
"Okay Dr. San Jose", sabi nya.
"So punta na tayo sa loob?", sabi ni Dr. Huang
Wow too many doctors and nurses and they all look young.
"So ikaw pala yung bagong surgeon namin", sabi ng isang doktor.
"Yes po", pagsang ayon ko.
Naku nako kinakabahan ako at nahihiya as well. Ikaw ba namang pagtinginan ng mga kasama mo, it just feels weird. Wala pa yung epal kong kapatid to lift up my confidence. Hayst.
"So, I'm Dr. Francisco Dela Paz. I'm the hospital's head doctor. and she's Phoemela Gonzaga the head nurse of this hospital", pagpapakilala nila sakin.
"I'm Dr. Adeline San Jose from Polytechnic University of the Philippines. It's nice to meet you" pagpapakilala ko naman.
"Yah alam namin kung san kang school galing. Alam din namin na you're top 13 sa mga pumasa sa board examination", saad ni Dr. Francisco.
Habang nagaganap ang extremely awkward introduce yourself thingy during break. Oo tama break nila nung nag arrive ako sa hospital since I'm still not familiar sa schedule nila.
So going back, may isang doktor na pumasok dahilan ng pagkaalis ng nakakatakot na atensyon at parang gusto ka ng lamunin na mga tingin ng ibang colleagues ko sakin. Ang doktor ay pumasok kasabay ng isang pasyente na nasa stretcher.
"Oh Dr. Lopez, anong nangyari?", tanong ni Dr. Huang.
"Alam ko na off ko ngayon pero may nangyari kasi sa mall, may lalaking binaril yung patient sa binti", saad nya.
He looks familiar... di yung patient yung Dr. Lopez ba yun.
"Dr. Huang, I'll do the operation for the extraction of bullet, Ilang doctors yung available na pwedeng tumulong?", tanong nung Dr. Lopez.
"Nagbebreak pa yung iba then yung iba naman nasa kani-kanilang patients pa", sabi ni Dr. Huang.
"Ako, G ako... I mean p-pwede ako", pagpepresenta ko.
"Good" sabi ni Dr. Huang.
"Tara na, nurse John pa assist naman", sabi nung Dr. Lopez.
So ayun na nga inoperahan namin yung mamang nabaril. Dalawang beses pala sya binaril. Beng beng char pero eto ang masasabi ko. My first operation is a success.
After ng shift ko...
10:00 pm
"Dr. San Jose", may tumawag sakin. Hello? char di sa phone yung tawag hehe.
"Dr. San Jose. Ang galing mo pala magopera no wonder na nasa top 13 ka", sabi nung Dr. Lopez
"How did you know my name?", tanong ko. Sa pagkakaalala ko di ako nakapag introduce sa kanya. Maybe sinabi ni Dr. Huang.
"Welp that's a secret Adeline, Bye", nagmamadali nyang pagpapaalam.
He even knows my first name... weird... pero pamilyar talaga sya eh. It feels like I've met him somewhere. He looks very familiar though.
So ayun, umuwi na ako sa bahay...
"Ate! How's your first day?", guess nyo kung sino nagtanong, syempre si Florentino San Jose Jr. sino pa nga ba eh dalawa lang naman kami palagi sa bahay.
Di kami ulila, both of our parents are still alive kaso busy sila sa iba't ibang work nila.
"Okay lang medyo pagod", sagot ko.
"Ate, nagluto ako oh favorite mo, tinola" saad nya. Aba! napaka weird ng araw na ito. Bat bigla tong bumait.
"Sabihin mo nga Florentino, Bagsak ka na naman sa Math noh?", tanong ko
"Uhmm ate, di.... di lang... sa math... p-pati sa science. Sorry ate", pag amin nya.
"Sus kaya pala bait baitan, di naman ako galit", sabi ko.
"Talaga ate?!" sabi ng epal kong kapatid with matching puppy eyes.
"Mukhang magagalit na ko..." nakakainis na yan puppy eyes ka pa mas lalo ka lang nagmukang aso.
"Eh ate naman ih", sabi ng kapatid ko.
"Kumain ka na nga lang", sabi ko.
"Ate, tingin ko di ka na makikihugot mula ngayon" saad ng kapatid ko.
Ha? Hanu daw? Ha? Hakdog
"Ano?" tanong ko.
"May classmate kasi ako", sabi nya
"Oh tapos? nu naman gagawin ko sa kaklase mo? papakidnap ko sa puting van tas ibebenta laman loob panggawa ng tulay?" pagbibiro ko.
"Eh ate naman ih" reklamo nya
"Ge tuloy", sabi ko
"Remember the guy na naghelp sayo before?" tanong nya.
"Ano namang meron sa guy na yun and what's with your classmate?" tanong ko, ligalig naman aba pati ba naman sa pagkukwento.
"Brother sya ng classmate ko", sabi nya
"He's Dr. Louise Unova Villareal", dagdag pa nya.
"Ha? doktor din?", tanong ko.
"And guess what, same hospital as yours", dadag pa nya.
Eh bakit hindi ko sya nakita kanina? Hindi naman sa gusto ko syang makita... I... I... I just want to thank him.
Ala sya...
"Hoy bata ka!", sabi ko kay kapatid
"Bakit na naman ate?", tanong nito.
"Napakatsismoso mo, kanino ka ba nagmana?", sabi ko.
"Di naman sa tsismoso ate, pinakilala lang sya ng classmate ko sa klase kasi may essay kami about sa 'the best Hero para sayo', that's why I know him", saad nya.
Okay nevermind
"Bakit ang liit ng mundo? pinagtatagpo, pinaglalapit tas 'wag naman sana pinapaasa, kelan kaya kita mamimeet?" (captions) then add pics.
posted hehe~
______________________________________

Sino kaya si Dr. Lopez? and legit bang na yung Dr. Villareal yung lalaking tumulong sa kanya at that day? Sino nga ba talaga ang lalaking yun? Bakit nya alam yung buong pangalan ni Adeline kahit di naman sya nag introduce? At higit sa lahat sino kaya ako? Char hehe ;)

Princesses in Profession  Vol.1 "Nakikihugot"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon