👑 Nakikihugot Chapter 6

1 0 0
                                    

Chapter 6:
"Blue black o light blue?"
______________________________________
"Ate pumili ka na rin ng dress for mommy and you, bibilin ko na rin yung nagustuhan kong damit" sabi ng kapatid ko. Oh diba? Lakas ng loob noh? Palibhasa we own this mall kaya kahit anong gusto nyang kunin makukuha nya. Yes, we own this mall pero it's a secret lang Hehe ayaw ko malaman ng colleagues ko yung about dito kasi baka magpalibre lang sila ng magpalibre. After I pick dress for my mommy, lumabas na sina Dr. Huang at Dr. Lopez from the changing room. Nagulat ako ng lumabas na rin si brother.
"Wow mga kuya, ang gwapo nyo. Pero... Mas gwapo ako syempre, HAHAHAHA!" sabi ng epal kong kapatid. Ggss din walanja.
"Uhmm.... Dr. San Jose?.... What do you think?" Nahihiyang tanong ni Dr. Huang. Ano ba yan mas lalo lang akong nahirapang pumili. Ano kaya? Yung blue black bang suit ni Dr. Huang or yung light blue na suit nung isa pang epal? Hayst. Bat kasi ang galing din nila magdala ih.
"Ate, I think light blue is much better" sabi ng kapatid ko. Okay... Edi yun.
"Yung light blue daw miss" sabi ko sa naga assist samin.
"Ate ikaw di ka ba pipili ng dress para sayo?" Tanong nga kapatid ko.
"You know naman na di ako nagdedress" sabi ko.
"Ngayon lang naman ate, please" sabi ng kapatid ko.
"Okay...pero I don't know kung anong babagay sakin" sabi ko.
"Eto oh" sabay abot sa akin ni Dr. Huang ng isang cute na white dress na mukhang lagpas tuhod.
"Thank you-" sabi ko ng biglang iniabot naman ni Dr. Lopez ang isang black na dress na simple pero above the knee.
"Sukat mo pareho" sabi ni Dr. Lopez.
"K" matipid kong sagot.
Pumunta na ako sa changing room and una kong sinukat yung white dress na pinili ni Dr. Huang then lumabas na ako.
Nagulat ako ng pinagtinginan ako ng mga taong bumibili rin.
"Kapatid, may dumi ba ako sa mukha? Di ba bagay? Bat nila ko tinitignan?" Tanong ko sa kapatid kong tulalang parang nakakita ng multo.
"Wow ate ang ganda mo pala pag nakadress, at least nagmuka kang tao ngayon" sabi nya. Nang asar pa ang yawa.
"What do you think Dr. Huang and Dr. Lopez?" Tanong ko kina Dr. Huang and Dr. Lopez.
"Cute" maikling sabi ni Dr. Huang. Nagblush naman ako dahil sa sinabi nya. Wow, first time ko masabihan ng 'cute'
"Cute nga, komportable ka ba naman?" Tanong ni Dr. Lopez. Wow panira talaga kahit kelan. Pero actually di nga ako komportable. Bukod kasi sa long sleeves sya eh medyo mainit.
"Medyo mainit nga" sabi ko at bumalik na sa changing room. I try the other dress na binigay naman sakin ni Dr. Lopez. It's perfectly fit and mas kita yung curves ng katawan ko. However, mas komportable into kesa sa isa. Lumabas na ako ng changing room. The reaction of those other buyers was still the same.
"A-ayos lang ba?" Tanong ko.
"Perfect" sabay na sabi ni Dr. Lopez at ng kapatid ko.
"Kahit ano pang isuot mo, cute ka pa rin" sabi naman ni Dr. Huang. Oops... Tama na once is enough. Pero cute daw ako!!! Hihihi!
"Miss, yung dalawa pong dress bilin na rin po namin" sabi ng kapatid ko.
After that nagbihis na ako.
"Ate, wala na bang bibilin?" Tanong ng brother ko, akmang iaabot na ang card.
"Actually, meron pa. Tinulungan kasi tayo nina Dr. Huang and Dr. Lopez so treat ko kahit anong damit pumili kayo" sabi ko.
"Okay" sabi ni Dr. Lopez
"Okay pero... You don't need to call us Dr. Huang and Dr. Lopez pag walang duty. Just call us with our first names" sabi ni Dr. Huang ay este Tristan pala.
So ayun pumili na sila and bumili pa kami ng ibang kailangan namin until my brother invited Tristan and Louise to join our welcome home party for mommy and daddy.

Princesses in Profession  Vol.1 "Nakikihugot"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon