Prologue

101 17 9
                                    

☬Hide and Run☬

Genre: Horror, Thriller, mystery, Apocalypse

_______

Third Person𖥔



"A pleasant lovely morning, my dear students!" Maligayang pagbati ng professor sa kaniyang mga estudyante. Bagot na bumati pabalik ang kaniyang mga estudyante.



"Bakit lahat kayo pagod na pagod na? Ang dami na bang mga gawain?" Tanong ng professor.



"Yoko na sir!"

"Mamatay na ata kami una bago maging scientists eh,"

"Kapagod din po pala kapag graduating na 'noh?"



"Noong nasa edad ko pa kayo, nakakapagod talaga. Magpasalamat kayo sa henerasyon na 'yan nakakapag search na kayo sa internet, kami nga noon pupunta pa ng library at magbabasa ng sandamakmak na libro para lang matapos ang takdang aralin. Reklamo pa kayo diyan. Sige dahil diyan may takdang aralin akong ibigay sa inyo," Pagmayabang ng professor.



"Sir naman!"



Lahat ng estudyante ay dismiyadong napaungol dahil sa sagot ng professor nila. Nagturuan na sila ng kamay dahil nagbigay bigla ng takdang aralin ang kanilang professor.



"Joke lang, eto naman oh." Sabi ng professor. Lahat ay napangiti. "Ano muna favorite subject niyo?"



"Eto!"

"Agree! Paborito ko toh na subject dahil maraming experiments!"

"Dissecting po paborito ko!"



"Dahil sinabi niyo 'yan, kailangan nating malaman anong klaseng rare species etong hawak ko ngayon," Pinakita ng professor ang kahong nasa salamin na ang laman ay isang maliit na uod.



"Huh? Wala namang laman,"

"Box lang naman yan eh,"



"Lumapit kayo, tignan niyo ng mabuti." Ani professor.



Nagsilapitan ang lahat para tignan ng maigi ang nasa loob. Doon nila nakita ang isang maliit na uod na kulay itim na may bahid na pulang parang polka dots. Namangha sila sa kakaibang anyo nito.



"Anong gagawin namin, prof?"



"Simple lang naman, katulad ng ginagawa natin palagi sa palaka bubuksan natin ang loob niyan para malaman bakit kakaiba siya sa mga uod na palagi nating nakikita." Paliwanag ng professor.



"Pero isa lang toh at sampo kami, prof, minus one pala kasi wala si Wendy."



First year pa lang sila ay nasa limampung estudyante ang pumasok sa kursong ito, unti-unti ay nababawasan sila dahil sa sobrang hirap na kursong ito.



"Class project 'toh. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para pag-aralan niyo ang uod na 'yan kung ito ay may benepisyo sa kalusugan o baka may masamang epekto 'yan. Kapag wala kayong report sa akin tungkol diyan dos kayo sa akin," Paliwanag ng prof.



"Nice!"

"Nakakaexcite naman."



"Ako na magbubukas nito," Sabi ng Professor. Maingat na binuksan niya ang kahon na ito. "Sa totoo lang, may nagbigay sa akin nitong uod na 'toh. Isa din siyang scientists katulad ko. Noong nalaman niya kung gaano kayong siyam ka husay sa lahat ng experimentong pinabigay sa inyo, na enganyo silang malaman kung paano niyo malalaman ang isang rare species na 'yan."



Hide And RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon