Chapter 3: Finally did it

30 7 0
                                        

Flame's POV


Kumunot ang noo ko sa nakikita ko. Pinagmamasdan ko nang maigi ang lalaking puno ng dugo. May umaagos na dugo sa ilong, mata, at bibig niya, hindi ito humihinto. Hawak niya ang kaniyang mukha para punasan lahat ng dugong umaagos. Parang laway na hindi niya kontrolado ang dugong umaagos sa kaniyang bibig dahil sa lagkit.


Napansin ito ng lahat dahil sa sigaw niya. Lahat ng tao sa cafeteria ay agad na lumayo sa kaniyang table ang iba naman ay umalis na ka agad dahil sa takot. Ang ibang tao ay inilabas ang cellphone para irecord ang nangyayari.


"A-anong nangyayari sa akin?" Halos pumiyok na sabi ng lalaking nagdurugo. Linibot niya ang kaniyang tingin sa lahat na nasa gilid na takot na takot. Humarap siya sa babaeng kasama niya, wala itong paki at patuloy lang sa pagkain.



Kung tumakbo nalang kaya sila pa alis sa cafeteria kaysa manatili dito kung takot na pala sila. Oh yeah, some people wants thrill.



"Hindi na ba sila nasanay sa pakulo ni Fernando?" Tawa ni Eislyn habang nakatingin pa din sa kanila.



"Fernando?" Tanong ko. Tumingin si Eislyn sa akin para magpaliwanag.



"Well, Fernando is Tanya's bully, the girl na walang pake. Siguro sanay na 'yan. Palagi niyang pina-prank si Tanya para makagawa ng masamang bagay para ma expelled siya. He hates her—Actually we all do. Sobrang oa ng babaeng 'yan." Paliwanag ni Eislyn.



"Sigurado ba kayong prank lang 'yan?" Tanong ko.



"Of course, tignan mo nga oh," Tinuro niya si Fernando. "For sure, may kemerot na fake blood yan. Everyday nalang kasing may pakulo 'yan."



"Oo nga, sit nalang Flame, just calm down." Hinawakan ni Tricia ang kamay ko para umupo pero hindi ako sumunod. Nakatingin pa din ako sa lalaking nagdurugo.



"T-tia, a-anong nangyayari s-sa akin?" Para siyang may epilepsy kung gumalaw. Nanginginig na padabog niyang nilagay ang dalawa niyang kamay sa harapan ni Tanya. Sinamaan lamang siya ng tingin nito habang may tinidor sa kaniyang bibig.



"I don't know. Go to the clinic if gusto mo ma know. Look, I'm so pagod na sa mga prank mo to me ah? It's not gumagana to me anymore. Please, get off of your bloody kamay, please?" Tumingin si Tanya sa mga mata niya. This girl is giving me the trying so hard to be conyo vibes.



"Tia.." Aktong hawakan siya nito pero tumayo siya.



"Ano ba! Cut the act Fernando! Stop calling me Tia, my name is Tanya! Ok? At tsaka super gusto mo talaga ng attention 'no? See oh super rami ng people ang nagwawatch sa atin! It's nakakairita!" Sigaw ni Tanya.



Narinig kong tumatawa ng mahina ang mga kaibigan ko.



"Amputa, trying hard talaga 'tong babae na 'to." Natatawang bulong ni Matt.



"Kala mo talaga mayaman eh." Tawa din ni Eislyn.



Huminto si Fernando sa gitna ng maingay na cafeteria, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa kawalan. Biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid, ang mga tawanan at bulungan ay napalitan ng isang nakakabinging katahimikan.  Ang kanyang mga kamay ay nanginginig, at ang kanyang mukha ay namumutla dahil sa dugong nawawala sa kaniya.



Isang malakas na ingay ang umalingawngaw sa buong silid na nagmula sa kanya. Akala mo ay nahulog galing sa itaas kung matumba. Sigurado akong nabali ang tuhod nito. Lahat ng taong andito ay napatahimik, tuon ang pansin nila kay Fernando na may halong takot at pagtataka. Sa loob ng ilang sandali, walang naglakas-loob na kumilos, na para bang natigilan ang oras sa pagbagsak ni Fernando.



Hide And RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon