Zombies
__________
Flame𖥔
Naglalakad ako ngayon patungo sa gate ng school. Suot ko ngayon ay hoodie at ang panloob ay uniform. Nakikinig ako ng music gamit ang headphones ko at nakapamulsa.
Maaga akong nagising kanina kaya maaga akong pumunta ng school. Malapit lang naman ang eskwelahan sa amin kaya naglakad nalang ako. Exercise na din. Paminsan-minsan lang ako nagigising ng maaga kaya pagsamantalahin ko nalang.
Biglang nag ring ang phone ko.
[Kuya Balyena]
Sinagot ko ito at binulsa na ang cellphone.
"Oh?" Sagot ko.
"Saan ka?" Parang kakagising lang ata ni kuya.
"Papunta na sa school," sagot ko.
"Hindi ka nagpaalam sa akin,"
"Di kita magulang. Nagpaalam ako nila mom and dad habang natutulog sila." Bagot kong sabi.
"Sabay tayong papasok eh! Wala din si hangin dito."
"Hindi ko rin siya na abutan kanina. Maaga din atang umalis si Ate Wendy,"
"Malapit ka na sa school?" Tanong niya.
"Oh,"
"Sige na, una ka na. Mamaya 9am na ako papasok, alas diyes pa din naman schedule ko." Sagot ni kuya.
"Ayun naman pala, bakit ka pa sasabay sa akin? 5:30 pa ng umaga,"
"Wala lang hehe. Bawal bang sumabay sa magandang apoy namin?"
"Haha, funny. Alam kong may nililigawan ka. Bye na,"
Kinuha ko ang phone ko at pinatay ang tawag. Binalik ko naman ito. May iilang estudyante ding pumapasok mga sampu pa lang ata? 7:30 pa din naman start ng klase ng lahat kaya maliit lamang ang andito.
Papasok na sana ako ng gate ng may isang lalaki naka black hoodie ang nabangga ko. Hindi ako nakatingin sa daan kaya ko siya nabangga.
"Aray!" Napadaing ako sa sakit ng ilong ko. Nabangga ko ang likod niya na para bang may mabigat na bagay doon.
Napatingin ito sa akin. May sinasabi ito pero hindi ko narinig. Tinanggal ko ang headphones ko.
"Are you ok?" Tanong niya.
Napatingin ako sa kaniyang mga matang kulay berde na sobrang ganda, tila ba nahulog ako sa kalaliman ng karagatan sa bawat pagtingin ko sa mga ito. Ang bawat pilantik ng kanyang mga pilikmata ay parang mga bituin na na nagniningning.