Flame's POV
Nakarating na kami sa eswelahan, patakbo kaming naglalakad ni Kuya. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang tumatakbo kami. Malapit na sana kami sa gate ng biglang may nakabangga sa akin. Halos mawalan ako ng balanse sa lakas ng impact. Napatigil ako pero hindi ata ito napansin ni kuya at hinihila pa rin ako patakbo.
Tumingin ako sa likod ko para makita kung sino ito. Isang lalaking naka uniform at may lalagyan ng gitara sa likod niya. Nakapamulsa itong nakatingin sa akin. Nag bow ako ng ilang beses para magsorry hanggang sa hindi ko na siya mahagip.
Pagkarating namin sa College building kung saan ginaganap ang mga laboratory experiments ng mga med students ay walang katao-tao dito. Siguro ay dahil Saturday ngayon at sabi ni kuya ay nagtetest daw lahat ng estudyante. Naghagdan lang kami papunta sa second floor at doon namin nakita si Kuya Dustine at isang babae? Si Ate Andrea ata 'to na pinipigilan din ang pinto.
Dali-dali kaming pumunta sa kinaroroonan nila.
"Wayne!" Sabay nilang sigaw na nagpipigil pa din sa pintuan na gustong mabuksan kung sino man ang nasa loob. Para bang gustong-gusto nitong sirain ang pinto.
"Oh, hi, Flame." Bati ni Kuya Dustine. Ngayon ko lang napansin na may mga dugong tumalsik sa lab gown nila.
Nabigla ako ng nagmura si kuya. Lumapit na pala si Kuya Wayne sa pintuan para tignan ang nasa loob. May glass sa ibabaw ng pinto kaya agad niya itong nakita. Sumilip din ako at halos masuka sa nakikita.
Hindi ko na namumukhaan kung sino sila. Lalaki ata 'to base sa buhok niya, maraming dugo ang nasa bibig niya at kitang-kita ang ugat sa mukha niya para bang itoy gumagawa ng malakas na bagay. Ang mga mata niya at kulay pula, hindi na nakikita ang iris, para ding umiiyak ito ng dugo.
Eto din yung nakita ko noon.
Ang bilis ng tibok ng puso. Nakatitig na sa akin lahat ng mga halimaw at tila ba sabik na sabik akong lapitan.
"May susi ba kayo sa isang laboratory dito?" Tanong ni Kuya Wayne.
"Bukas 'yan! Diyan sana kami kanina pero lumipat kami kasi may basag na mga gamit." Sabi ni Ate Andrea.
Agad na tumakbo si Kuya Wayne sa isang silid, akala mo ay hinahabol ng kung anong nilalang sa bilis.
"Diba nasa New York ka?" Tanong ni Kuya Dustine. Napatingin ako sa kaniya.
"Umuwi ako para kay Mommy." Tipid kong sagot. Hindi na siya nagsalita pa at tumango. "May nakagat ba sa inyo?"
"I wasn't!"
"Wala,"
