CHAPTER 3

823 12 3
                                    

LEVI P.O.V

Pagkahatid ko kay Akihiro sa bahay nila ay pinaharurot ko agad ang kotse ko habang nagdadrive ay nakaramdam ako lungkot dahil mag isa na naman ako. Nagdrive lang ako ng walang patutungohan at hindi ko namalayang nakarating ako sa isang bar. Hindi ako mahilig magpunta sa lugar na katulad kaya nag alinlangan pa ako kung papasok ba ako o hindi. Pero sa huli ay napag desisyonan kong pumasok. Pagkapasok ko ay sobrang ingay at amoy usok ng sigarilyo naghahalo ang amoy ng alak, sigarilyo at amoy ng pawis. Naghanap ako ng table na wala masyadong tao at dun naupo umorder ako ng isamg bote tequila at chicken wings. Kahit ayoko ang lasa ng alak at sinubukan ko. Naubos ko ang isang bote ng tequila marami rami narin ang tao may mga nagsasayawan at ang iba ay naghahalikan kaya tumayo ako at pumuntang dance floor. Sumayaw na parang walang bukas wala akong lake kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Nang mapagod ako kakasayaw ay pumunta akong cr para umihi. Nang makarating ako ng cr ay agad akong umihi. Lalabas na sana ako ng cr may mabangga akong lalaki dahil sa sobrang hilo ko ay natumba ako inalalayan ako ng lalaki na tumayo pero dahil sobrang lasing ko ay kusang pumikit ang mata ko.

K.I.N.A.U.M.A.G.A.H.A.N

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko umupo ako ng kama ng hindi minumulat ang mata ko.

'aishh bakit ba kasi ako uminom kagabi'

Gising ka na pala dinig kong boses ng lalaki kaya minulat ko ang mata ko. Kinusot kusot ko pa ang mata ko kung tama ba ang nakikita ko sinampal sampal ko pa ang pisngi ko at tumingin ulit sa lalaki.

"Sino ka anong ginagawa mo sa kwarto?" tanong ko sa lalaki

"Hindi mo kwarto to" turo niya sa kabuuan ng kwarto kaya nilibot ko ang mata ko

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang kabuuan ng kwarto hindi pamilyar sa akin.

"Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa lalaki

"Dito ka natulog malamang alangan namang nag swimming ka lang dito" pilosopong sagot niya

"At bakit dito ako natulog?"

"Dahil lasing na lasing ka kagabi?" patanong na sagot niyo

"May nangyari ba satin kagabi" sabi habang kinakabahan baka Kasi may ginawa siya sa akin

"Ha? Anong tingin mo sakin papatol kahit kanino nino lang?" Hindi makapaniwalang sabi Niya

"Awww sayang naman" mahinang sabi ko

"Hahaha gusto pala na may mangyari sa aton?" Nakangiting sabi niya

Natulala ako sa ngiti niya sobrang gwapo niya dun sa ngiti niyang yung. Hindi ko namalayang nakatingin pala ako sa kanya ng matagal. Matangkad siya maputi matangos ang ilong chinito ang mata mukha siyang koreano.

"Bumangon kana diyan at mag almusal na" sabi niya at lumabas ng kwarto

Mabilis naman akong bumangon at sumunod sa kanya palabas at dumeretso sa dining table at umupo.

"Kumain kana diyan at umalis na masyado mo na akong iniistorbo" sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Naiistorbo na pala kita eh sana paggising ko pinaalis mo na ako kaagad" supladong sabi ko

"Edi umalis kana" sabi niya

"Aalis talaga ako" sabi ko sabay tayo at lalabas na sana ng condo niya pero tinawag niya ako

" Teka lang ano palang pangalan mo?" malumanay na tanong niya

"Istorbo na nga ako diba? Tapos tatanongin mo pa ako ng pangalan ko" sabi ko

"I'm Maxwell Kim" pakilala niya sa akin

Bad Romance [ON GOING]Where stories live. Discover now