Bad Romance Chapter 2
Pagkatapos kong kumain ng agahan ay pumasok agad ako sa kwarto ko dahil parang inaantok ulit ako. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay umupo muna ako sa kama ko at tinext si Levi.
To Levi: may ginagawa ka ang boring kasi dito sa bahay eh
From Levi: Geh kita nalang tayo sa mall❤️
Hindi na ako nag reply at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay namili ako ng damit na susuotin ko pero wala akong masyadong bagong damit puro lumang t-shirt lang at lumang jeans ang mga damit ko kaya no choice ako kahit gusto kong magsuot ng medyo pormal na damit ay wala ako nun kaya etong mga luma kong damit nalang ang sinuot ko. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng bahay. Sasakay na sana ako ng jeep kaso na alala ko wala pala akong pera yung sahod ko nung nakaraan ay pinambayad ko sa tuition ko kaya kahit piso walang natira sakin kaya tinext ko nalang si Levi na medyo malelate ako.
Mula sa bahay ay nilakad ko papuntang mall medyo malayo rin ang nilakad ko kaya ng makarating ako ng mall ay mukha na akong basahan. Basa na ng pawis yung damit ko at medyo magulo na rin ang ayos ng buhok ko. Kaya parang pinagsisihan kong mag ayang gumala kay Levi dahil wala naman akong pera nakakahiya namang magpa libre sa kanya ako na nga yung nag aya eh bahala na nga.
Pagkarating ko ng mall ay tinext ko agad si Levi nasa starbucks daw siya dun niya daw ako hihintayin. Pagkadating ko ng starbucks ay agad kong nakita si Levi na nakaupo mag isa at naglalato ng cellphone niya kaya agad ko siyang nilapitan. Pagkakita niya sa akin ay mukha pa siyang nagulat baka nagwapuhan lang sakin.
"Kanina ka pa naghihintay sorry ngayon lang ako"
" Bakit ganyan ang itsura mo nilakad mo lang ba papunta dito basang basa ng pawis ang damit mo eh"
"ahhhh hehe oo eh nakalimutan ko kasi yung pera ko sa bahay" pagsisinungaling ko
"Edi sana sinabihan moko kanina para nasundo kita"
" Okay lang gusto ko ring namang mag exercise"
" Nice gandang exercise yan yung maglakad sa sobrang init ng araw" sarkastikong sabi niya
" Tara maglibot libot muna tayo" pag iiba ko ng usapan
" Mamaya na umupo ka muna oorderan kita ng drinks mukhang uhaw na uhaw kana eh"
"Wag na mamaya nalang"
"Wala ka bang medyong maayos na damit?"
"Hehe" awkward na tawa ko "meron naman bakit?"
"Sana naman yun ang sinuot mo tingnan mo yung sarili mo" sabi niya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa "medyo kupas na ang kulay ng damit mo tapos naglakad ka pa papunta dito" sabi niya
One thing na ayaw ko sa ugali ni Levi masyado siyang straight forward kung mag salita hindi siya mahilig mag sugar coat ng mga sinasabi niya palibhasa mayaman kaya madaming perang pambili ng mga bagong gamit.
"Ahhhh sorry" nasabi ko nalang
"It's okay uubusin ko lang tong iniinom tapos punta tayong game zone medyo stress na din ako dahil ang daming school works na tinapos ko" mahabang sabi niya
"Kaya nga eh di ko pa nga natapos yung project ko kasi naging busy ako this past few weeks alam mo na may work pa ako" sabi ko
"Sabi ko naman sayo eh tumigil ka na jan sa work mo at mag focus ka nalang sa studies mo" sabi ni Levi
"Alam mo naman kung bakit ako nagtatrabaho diba? Para suportahan ang sarili ko"
"Kinuha ka na ng mama mo diba? Siguro naman hindi mo na poproblemahin yung foods mo pang araw araw diba"
YOU ARE READING
Bad Romance [ON GOING]
RomantizmMY HOT HOUSEMATES SPIN OFF This is a gay and a boy story... There's also a spg scene.. It depends on you if you're going to read it or not.