“Hindi ka pa ba nadadala?” tanong ng aking kaibigan na si Diane.
Umiling lamang ako sa kanya dahil focus ako sa pagsusulat ng tula. Ibibigay ko 'to sa isang taong nagugustuhan ko. Kaibigan ko lang siya noon, ngunit ngayon ay iba na.
“Pangatlong lalaki na 'yan, Loraine. Niloloko ka lang niyan.” sambit ni Diane habang nakasimangot.
Tinapik-tapik ko ang balikat niya.
“ 'Wag kang mag-alala, hindi na ako masasaktan.” nakangiti kong sinabi.
Hindi na siya sumagot, kaya't pinagpatuloy ko na ang pagsusulat. Natapos ako ng ilang minuto, saktong pagkatapos ko ay labasan na sa school. Agad akong lumabas at sumalubong sa akin si Jensen.
Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang sinulat kong tula.
Ngumiti naman siya at tinanggap ang binigay ko.
“Lagi ka na lang nagbibigay ng tula sa akin. Tara sa Music Room.” aya niya.
Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Nakasunod din sa amin si Diane.
Pagpasok namin sa Music Room ay agad kaming dumiretso kung saan naka-pwesto ang gitara.
Title: Aking Minamahal
Composed by: Loraine
Simula nang ika'y makita.
Iba na ang aking nadarama.
Paghanga nga lang ba ito?
O ikaw ay minamahal ko?
I looked at him while singing. Ako ang tumutugtog at kumakanta. Siya ay nakatitig lamang sa akin. I can feel my heartbeat, it was pumping so hard.
“You're good at singing.” Jensen said.
Napangiti at namula ako dahil sa sinabi niya.
Dalawang linggo pa lamang kaming magkakilala ngunit mahal ko na siya.
Love at first sight.
Dumaan ang ilang linggo at araw. Mas lalo lang akong nahuhulog kay Jensen.
Ngayon ay kaarawan niya kaya't pumunta ako sa room nila para ibigay ang regalo ko. Ngunit wala daw siya doon. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa likod ng school.
Kasama niya si Diane.
“I like you, Diane. Kaya lang naman ako lumapit kay Loraine, para mapa-lapit sayo.” he said while looking and holding Diane's hand.
Naibagsak ko na lamang ang gitarang hawak ko, kung kaya't nag-likha iyon ng ingay. Napalingon sa akin si Diane at Jensen.
Agad akong tumakbo paalis doon.
“Loraine!” si Diane.
Agad niyang hinawakan ang braso ko. Galit kong iwinaksi ang kamay niya. Siya ang gusto ni Jensen, hindi ako.
“Masaya ka na? Ikaw ang gusto niya. Hindi ako!” umiiyak kong sigaw sa kanya.
Umiling siya sa akin.
“Loraine, hindi ko siya gusto.” mahinahon niyang sabi.
“ 'Wag mo nang lokohin ang sarili mo. Alam kong gusto mo din siya. Kaibigan kita tapos ikaw lang din pala ang mananakit sakin.
Kung hindi siya ang gusto mo. Sino?!”
“Ikaw, Loraine. Ikaw ang gusto ko. Hindi ako ang nanakit sayo, si Jensen. Ni minsan hindi ko ginusto na saktan ka. Lagi naman kitang sinasabihan 'di ba. Lolokohin ka lang nila.
Ako ang laging nandito para sayo. Pero ni minsan, hindi mo napapansin ang pagmamahal ko sayo.” litanya niya.
Napatitig ako sa kanya at natawa.
“You're lying.” iyon lamang ang nasabi ko.
“Kapag ako ang umamin sayo, nagsisinungaling. Kapag sila na mixed signals lang ang pinapakita o pinaparamdam sayo, naniniwala ka kaagad.”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Umalis na ako doon.
Dumaan ang isang buwan at hinayaan ko ang sarili kong mag-moveon. Naging okay kami ni Diane.
Inaalagaan niya ako. Palagi.
Napatitig ako sa natutulog niyang mukha.
Everytime that I will wrote a poem about those guys that I fell inlove, siya ang nandyan. Siya ang tumutulong sa akin. And I didn't know na sa mga linyang isinusulat niya ay ang kahulugan non ay ang pag-ibig niya.
And the song that she wrote with me. It was me. The girl she likes.
“What did I do to deserve you?” bulong ko.
Hindi ko namamalayan na sa pagdaan ng panahon ay nakapagtapos na kami ng pag-aaral.
And now. We build our own house. I am with Diane.
“At aking hindi inaasahan na ako'y muling mahuhulog sa isang kaibigan.”
BINABASA MO ANG
Music and Poem
RomansaBawat tugmaan ng tula. Bawat liriko ng kanta. Sa iyo ay aking iaalay, aking sinta. Write-A-Thon Challenge 2022.