June 5, 2017. Monday. 4:18AM.Mapayapang nagbe-beauty rest ang Prinsesa ninyo ng di ko inaasahan ang mga pangyayari.
PSSSSSHHH .... BOOOOOOOOOOOOOMMM!
Isang malaking pagsabog mula saaming butihing kapitbahay habang ako'y natutulog. Well, ang ganda ng alarm ko huh. Infairness. Papasalamatan ko talaga nangising saakin ng maaga.
"Jusko, si Mang Dindo may dalang Bazooka!" sigaw ng mga kapitbahay namin.
Ay si Mang Dindo pala ung nagwawala. Shinotgun kasi ni Aling Marta ung asawa ni Mang Dindo sa Palengke habang nakikipaglandian ako sa mga tindera. At laking pasalamat ko kay Lord dahil hindi ako natamaan *phew*. Eh paano ba naman, sinamurai nung asawa ni Mang Dindo ung anak ni Aling Marta kasi raw binobosohan nung anak ni Aling Marta ung asawa ni Mang Dindo (kalito xD). Hay jusko at buti naman namatay na si Pervert Guy. Binobosohan ako nun sa school dati eh. Ew! Dinuraan ko tuloy siya nung mga time na binobosohan niya ako. At dapat lang sakanya dahil bastos siya. *taas ng kilay*
"A-anak, pa-paparating na si Di-dindo saatin. Pinasabog na niya ung ba-bahay nila Aling Lerma at ka-kay Mang Mauro. Sa-satin na yung susunod. Papasabugin na niya ung buong bahay natin. Aakyat ako sa se-second floor. Ku-kunin mo ung baril ng papa mo sa cabinet ng kusina. Hindi nating hahayaan na mawasak ang bahay at dito na matatapos ung bu-buhay na-natin. O diyos ko, patawarin niyo po ako." utal-utal na sabi ni mama saakin.
"Papasalamatan ko pa sana siya kaso wag nalang. *sabay punta sa kusina at kinuha ung baril ni papa* Taralets! Bago mahuli ang lahat." sabi ko kay mama.
Mabilis kaming nakarating sa second floor dun malapit sa kwarto ng lola ko dati. Binuksan namin ung bintana at laking gulat ko na nakita namin si Mang Dindo papunta saamin at tama ung sumisigaw kanina. May dala nga siyang Bazooka. Kinuha ni mama ung rifle ni Tito Jude.
Si Tito Jude yung pinaka-astig na tito para saakin. Sakanya ako natuto mag-motor kahit ilang beses na ako sumemplang at sakanya rin ako humihingi ng advice kung paano mag-move on. Halos ata ng sikreto ko alam niya na eh. Nakakalungkot nga lang na wala na siya buhay ko ngayon. Namatay kasi si Tito habang kumukuha kaming dalawa ng foods sa Supermarket dalawang araw na ang nakalipas. Nagpapasalamat ako dahil, he protects me in that store. Kaya nang namatay siya tinadtad ko ng bala ung mga nangbaril sa kanya. Mga leche na yun! Pero mamimiss ko talaga si Tito. Alam kong happy kana dyan sa itaas. Paalam to.
"Ano anak? Handa kana? Kahit anong mangyari, huwag kang kukurap baka hindi mo matamaan si Dindo. Naiintindihan mo ba ako?" paalala saakin ni mama.
"Opo ma. Asintado ata ako noh? Thanks kay papa sa pagturo niya saakin kung paano bumaril ng mga bastard na mangaaway saating pamilya." sagot kay mama.
"Hmmm. I see. Sige anak. PATAYIN NA NATIN YANG PUNYETA NA YAN!" sigaw ni mama. Kanina maiyak-iyak na tapos ngayon naman, nag Super Saiyan na? ABA'Y MALHUPH3T!
At ayun na nga, pinagbabaril namin si Mang Dindo 4AM in the morning. Malalate naako sa school. Pero hindi ko hahayaang papasabugin ni Mang Dindo ung House namin noh. Pinaghirapan nina papa at mama buohin itong bahay tapos sisirain lang nila basta-basta? Nu uh uh. Sorry nalang sila because dis pretty is gonna knock yu down!
BAAAAAANNNNGGGG. Natamaan ko si Mang Dindo sa dibdib at binaril naman ni Mama si Mang Dindo sa ulo.
"Head shot ma ah?" sabi ko.
"HAHAHAHAHA! I KNOW RIGHT! Kapagod but thanks for the help nak. Tara ipagluluto kita ng breakfast. What do you want? Tapsilog or Hotsilog?" masayang sabi saakin ni mama.
Ewan ko dyan kay mama. Tatawa nalang basta-basta.
"Hotsilog nalang ma. Then milk ha? Ihahanda ko lang ung uniform ko for school." sabi ko.
BINABASA MO ANG
trust no one
AdventureKakayanin ba niya ang nangyayari sa bansa? O ang bansang kinatatayuan niya ay magiging libingan niya? Tunghayan ang istorya ng isang babae na may pangalang Sofie sa lugar na puro gera at patayan ang nakapalibot sa kanya.