Heto na naman ako nananaginip ng gising
Kasama ka raw sa isang lugar na ubod ng ningning
Kislap ng iyong mga mata parang mga tala
Kung saan ito raw ang sa aki’y nagpahanga.Ngunit ‘pag ika’y nakikita normal lamang ang nadarama
Isang kamag- aral at kaibigan kung ituring kumbaga
Oo may itsura pero hindi naman ang siyang tipo
Pero bakit ako ganito? Sa’king nararamdaman ako’y nalilito.Nakakatuwang isipin na ikaw ang naaalala
Nang isang tulad ko ‘pag walang magawa
Nakukuha tuloy na magtanong sa sarili
Ano nga ba ikaw sa akin at ako’y nawiwili?Alam kong ito’y hindi PAG- IBIG na kanilang sinasabi
Dahil nagsimula ito ng ikaw ra’y humahanga sa’kin
Ako’y nahihiya at napaisip kung ito nga ba’y totoo
Dahil gusto kong malaman ang katotohanan at ako’y nalilito.KAIBIGAN lamang ‘yan ang aking kagustuhan
Dahil ako’y naniniwala ito ang susi sa magandang samahan
Kaya ninanais ko lamang ay malaman ang totoo
Sa kadahilanang ayaw ko sa nararamdamang ito.
BINABASA MO ANG
Ano nga ba?
PoëzieNaranasan nyo na ba ang magtanong sa inyong mga sarili o mag isip ng isang bagay na kung saan nais nyong malaman ang kasagutan ngunit hindi nyo pa nakukuha? O kaya ang maging FEELER o sadyang inlove ka lang. O kaya naman maikompara ang LOVE sa CRUSH...