Chapter 1
Nagising ako na magaan ang pakiramdam. Ang lambot ng kama, ang sarap damhin ng kumot, parang naka-air condition dahil kahit makapal ang nakapa 'kong kumot ay malamig at napakakomportable ng damit. Napakunot ang noo ko, wala ako ng mga bagay na 'yun kaya paano ako naging komportable?
Minulat ko ang mata ko, unang bumungad sa akin ang mataas at magandang desinyo ng ceiling. Mas lumalim ang gitla ng noo ko. Halos ma-abot lang naman ng kamay ko ang ceiling ng kwarto ko sa bahay, tapos plain white pa 'yun! Walang abubot ang ceiling sa kwarto ko! Anong nangyari? Nakidnap ba ako? O 'di kaya, narape?! Omyghad! Ano nalang ang sasabihin ng future husband ko kapag nalaman niyang wala na ang V-card ko? Matuturn-off yun!
Kinapa ko ang sarili ko, wala namang masakit. Nag-iba ang damit, oo, pero wala namang kakaiba. Baka niligtas na ako ng DSWD sa mga nang-aabuso sakin? Pero naman kasi! Bakit may paganito pa ang DSWD? Bakit ako nakagown? Ano 'to? Ipapasok ba nila ako sa modeling ng mga gown? O baka may kasal tapos invited pala kaming mga naligtas at nakupkop ng DSWD? Hmmm, baka nga.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Napanganga naman ako dahil mas malaki pa ang kwarto na 'to kaysa sa bahay ng mapang-abuso 'kong foster parents! Ang ganda pa ng enterior design, parang yung mga kwarto ng prinsesa sa Medieval Period. Gold with white and red pa ang theme. Wow, magic. Gara naman ng trip ng DSWD. Kung alam ko lang na merong ganito ang DSWD, ede sana, matagal na akong tumawag sa kanila para humingi ng tulong. Ampota, napaka-unfair ng Presidente ng Pilipinas! Haha, charot lang baka ipakulong pa ako, mas gusto ko dito kaysa sa kulungan no!
Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang tatlong babae na---wow! Nakadress na din pala ang mga kawani ng DSWD. Blue with white nga lang ang kanila tapos pangit ang design, 'd gaya ng akin, pink with gold and white, Wooh! Baka bride's maid lang siya sa kasal tapos ako, maid of honor. Nakapusod pa ang buhok nila. Napanguso ako, pangit naman! Ayaw ba nila yung messy para magmukha silang hot man lang? Mas napanguso ako, sila, namake-upan na, tapos ako, wala! Bakit hindi man lang nila ako tinawag?! Dapat ang maid of honor ang unang minake-upan eh! Duga!
"Gising na ang mahal na prinsesa! Tawagin ang mahal na hari, reyna at ang mga prinsepe!" gulat na sigaw ng isang bride's maid. Psh, mahal na prinsesa daw, d ko sila bati! 'D padin ako makamove-on na sila ang unang minake-upan!
Umupo ako sa kama at tiningnan ng maigi ang mukha nila. Mukha pa silang natakot pero nginusuan ko sila. Ang takot ay napalitan ng gulat.
"M-mahal na prinsesa! T-tubig po!" lumapit ang isang bride's maid sa akin at inabutan ako ng tubig. Nginitian ko siya. Muntik pa kumawala ang isang tawa sa akin ng matisod siya paghakbang niya, buti nalang naalala ko ang sabi ni Sister Margareth sa akin noong nasa ampunan na huwag tawanan ang taong nadapa o natalisod.
Ininom ko ang tubig. Ilalagay ko na sana ang baso sa bed-side table pero pumasok ang groom at bride ng kasal. Wala lang, para lang sila yung groom at bride, nakasuot kasi sila ng terno na damit pero panghari at reyna ang style, may korona din! Mas sosyal pa tingnan sa korona ng Reyna ng England! May pumasok ulit, this time, mga lalaki, tatlong lalaki na ang gagwapo at ang kisig tingnan! Kung titingnan sa suot nila, para silang prinsepe, may crown din sila na nakalagay sa ulo. Olalala! Papipiliin ba ako kung sino ang magiging best man sa kasal? Pwede ba silang tatlo nalang? Bali, foursome, pwede?
Nahigit ko ang hininga nang patakbong lumapit ang groom at bride sakin at niyakap ako ng subrang higpit. Natapon pa ang subrang tubig sa baso sa mga damit namin. Yung tatlong parang prinsepe naman ay nakatayo lang sa gilid at may ngiti kaming tinitingnan habang magkayakap. Okay? Anong trip ba ng DSWD at naggaganito sila?
"My daughter! My beloved princess! Thanks God, nothing bad happens to you! I will turn crazy if something bad happens to my unica ija" Kumalas ang groom at bride ng yakap sa akin pero nagpatuloy sa pagsasalita ang bride. "Anong ginawa ng babaeng yun sayo? Please, tell us what happened and we will take actions of it. I won't allow someone to hurt my daughter. Oh, God!" at niyakap na ako ulit, this time, subrang higpit.
YOU ARE READING
Transmigration of the Unwanted
RandomTatanggapin mo ba ang bago 'mong buhay sa ibang mundo, o mananatili ka sa mundo na puro pasakit ang nararamdaman mo? Choose wisely.