Chapter 1.1: P

52 4 0
                                    

----unedited---


"Kara!" Tawag nung kasamahan ko sa trabaho sakin.


"Bakit?"


"Patulong naman, oh."


"Oh sige, total naman, tapos na'ko."


"Thank you, Kara." Nginitian ko lang si Ken at sinimulan ko na ang pagtulong.


Ako nga pala si Kara Lorainne, 24 years old and I'm currently working. I'm working for me to continue living. Wala na ang mga magulang ko. Tapos yung mga salbaheng mga kamag-anak ko naman, naging dahilan ng pagbagsak ng company nila Dad. Haynako.. konting-konti nalang. Magsasawa na talaga ako sa buhay kong ito. Pagod na ako.


Gusto kong maramdaman yung feeling ng pagiging prinsesa. Alam ko namang mahirap ang maging isang prinsesa kaso yun trip ko eh. Walang basagan ng trip. Tapos ko ng tulungan si Ken at naglalakad na ako ngayon pauwi sa bahay na tinitirhan ko.


"Aray!" Naman eh, ba't kailangan ko pang madapa? Jusko ang tanda tanda ko na para madapa. -____- Tumayo na ako at tinignan kung anong nagpadapa sakin. Walangya kang kanal ka. May kanal pala dito?


Ba't di ko alaaaaaam? Tinignan ko ulit yung kanal pero... BA'T NAWALA?! OmypreciousLorainne! Anong kababalaghan ang nangyayari sa aking buhay? Nako naman. Kinikilabutan ako nito eh. Buti hindi pa naggagabi. Nagpatuloy akong maglakad at .. kailan pa nagkaroon ng wishing well sa iskinitang ito? Whatever, baka ngayon ko lang talaga napansin. Di ko kasi tinitignan yung bandang dito.


Nilapitan ko yung wishing well at kumuha ng isang piso. *u*


"Sana maging isang prinsesa ako." Bulong ko at hinulog yung piso sa wishing well. Gusto niyong itanong kung bakit yun yung winish ko? Kakasabi ko lang kanina diba? Gusto kong maging isang prinsesa. As if naman na magkatotoo talaga yun, hihhihi.


Naniniwala ba kayong nagkakatotoo yung mga niwiwish natin sa wishing well? Kasi ako, hindi pero sinusubukan ko lang ngayon. Makauwi na nga lang at magdidilim na. Mahirap na't baka may makasalubong akong mga masasamang tao. Eeeee.


Nandito na ako sa loob ng bahay at nagluluto na ng aking dinner. Pagkatapos nito, s'yempre kakainin ko na lol. Alangan namang hindi ko kainin, para san pa't nagluto ako ng panghapunan kung di ko naman pala kakainin?


Lista ng mga gagawin ko pagkatapos kong kumain:

-Wash the dishes.

-Get ready for sleep.

-Sleep.


Yun lang. Wag kayo, ganun kaboring ang buhay ko.


*riiiiiing*


TINAPAYNANAOVERTOAST! Sino ba tong nanggugulat sakin?! Anong karapatan niya— at...


*Sir Lance calling*


Jusko, yung boss ko lang palang napakabait. Hihhi.


"Hello Kara?"


"Oh, Boss! Napatawag po kayo?"


"Wala lang. Mangangamusta haha"


"Siraulo" nasabi ko lang. O______o Anong sinabi ko?! Siraulo?! Sinabihan ko ng siraulo yung boss ko?! Fudge.


"Ha?" Haaays, buti di narinig. (v^u^)


"Ah wala boss! Sabi ko lang ang gwapo-gwapo mo!"


"Lie."


"Ay alam niyo po palang hindi talaga kayo gwapo?"


"Hahahhhah ang gwapo ko kaya 'no! Grabe ka talaga Kara! Tsaka yung sinasabi kong lie, yung ibig kong sabihin nun, narinig kitang sinabihan ako ng siraulo."


"Ay hehe, gano'n ba boss? Sorry po." Pakitampal ng aking bibig at masyado na itong madaldal.


"Hahhahaha sige. See you tomorrow, Kara. Advance goodnight."


"Sige po. Kayo rin po, boss."


Magawa na nga lang yung mga dapat kong gawin nang makatulog na ako.


Heey, another story posted. Sana magustuhan niyo :]

Don't forget to comment and vote guuuys. It makes me become motivated and inspired. Suggestions are highly appreciated, toooo. 

Ideas and opinions will be loved ♥

Princess: A Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon