Chapter 2: I

16 2 0
                                    

----unedited---


Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana. Ay ang panget, panira ng tulog. Kainis to. Minulat ko yung mga mata ko at napansing wala ako sa sarili kong pamamahay. Shetpepol, ang ganda ng kwartooooo! Malaki yung kwarto at halatang mga mamamahalin lahat ng mga bagay na nakalagay sa kwartong ito. Kahit yung ilaw, obyos, mamahalin talaga. Chandelier pa talaga e, san kapa, dito kana. Hanap, usap, deal.


Napatingin ako sa hinihigaan ko at, "OMG, ang laki at ang lambot ng kama!"


Anong nangyayari?! Ba't andito ako sa isang pangPrinsesang kwarto? Well whatever, Imma enjoy this. Hihihi. Tumalon talon ako sa kama at ineenjoy ang moment. Shosh. I just wanna feel this moment amfeg. Hahahahaha ang gaga ko.


Narinig kong may kumakatok sa pintuan at paglingon ko sa pintuan... "Ba't pati yung pintuan malaki?" Feeling ko, nasa isang mansyon ako. Omygahd, di ko na keri ituuuu! Nagtungo ako sa pintuan at binuksan ito.


Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang matandang babae na may maamong mukha at suot-suot ang isang damit na pangmaid. Yung parang sa Disney lang, ay shosh, Disney ba amfeg ng bahay na 'to? Este mansyon pala.


"Magandang umaga po, Mahal na Prinsesa." At yumuko siya ng parang ginagalang niya ako. Ay teka, diba siya yung mas matanda? Naku naku. Tsaka ano daw?


"Po? Ano kamo?"


"Magandang umaga po, Kamahalan."


"Mahal na Prinsesa? Kamahalan?"


"Opo, Mahal na Prinsesa. Maaari niyo po ba akong samahan papunta sa Mahal na Reyna at kayo po ay hinihintay ng Kamahalan." At kahit naguguluhan pa ako sa nangyayari, tumango nalang ako at sumunod sa kanya.


Prinsesa daw ako? OMG, Prinsesa ako! Yung wish ko, eto na ba yun? OmyGAAAAAAASH, nagkatotoo! Pwede bang gumulong? Kating kati na akong gumulong sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon, anobaaaaaa. At dahil nga kating kati na akong gumulong, gumulong ako.


Nagulat pa nga yung si ano, ano ba tawag sakanya? Sorry, wala akong alam. Haha. Tumayo na ako dahil natataranta na yung mga tao dito dahil sa paggulong ko, ano ba to sila, ang k-kj naman. Kaya sinabihan ko sila ng "Kapag masyadong masaya, pwede namang gumulong hindi ba?" tapos ayon, nagsitanguan nalang sila. Takot atang kumontra XD


Nagsimula kaming maglakad ulit at huminto kami sa tapat ng isang pintuang napakalaki, mas malaki pa dun sa pintuan ng kwartong tinulugan ko. Ay may koreksyon pala ako, hindi lang pala to mansyon, PALASYO pala.


Binuksan ni Manang, Manang nalang itawag natin sakanya, yung pintuan at pumasok kami dito. Teka nga muna, nagtataka ako. Kailan ba nagkaroon ng mga dugong bughaw sa bansa natin? Anak ng! Matagal na ba ito?! Bakit ngayon ko lang nalaman? Atsaka, ako raw prinsesa? Omaygas I'm daing-este-dying.

Princess: A Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon