"Prinsesa Kara, maligayang pagbabalik." Nakatitig lang ako sa matandang babaeng mukhang maharlika dahil sa suot nito at taglay niyang kagandahan. Teka muna, dapat ba talaga maganda at gwapo ang isang maharlika? Eh paano kung nagkamali ang genes at nagging pangit ang isa?! Itatakwil ba ito agad? Kawawa naman! Prinsesa ba ako ngayon dahil may taglay akong kagandahan na pangmaharlika? Wow Kara, mayroon ka talagang mataas na self-confidence at self-esteem! "Iha?" At nagbalik na ang isipan ko sa kasalukuyan.
"Po!" Walang ano-ano e yumuko ako ng yumuko sa matandang-babaeng-mukhang-maharlika.
"Nako po! Mahal na Prinsesa tama na po ang pagyuko ninyo." Sinita ako ni Manang dahil sampung beses na ata akong yumuko. Natawa naman ang matandang-babaeng-mukhang-maharlika.
"Oo nga Prinsesa Kara, h'wag ka nang yumuko sa akin. Hindi na uso ang pagyuko, alam mo naman na moderno na ang oras at mga tao kaya konting beso nalang ang gagawin bilang pagbati." Pagkatapos niyang magsalita ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa magkabila kong pisngi. Wow ang bango naman ni Madam, amoy maharlika talaga. Ngumiti lang ako ng inosente sakanya pagkatapos ng aming beso. "Kumusta ka na iha? Matagal tagal narin nang huli kitang nakita."
"A-ayos lang po ako p-pero kilala niyo po ako?!"
"Abay oo naman, ikaw ang anak ni Lara at Norman, hindi ba?"
"Oo po, bakit niyo po kami kilala?"
"Matagal ng pinagsisilbihan ni Norman ang aking pamilya at bilang pasasalamat sa kanyang serbisyo pinangako ko sakanya na gagawin kitang apo ko balang araw. Ito ay sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib ninyo ng apo kong si Prinsipe Bryce. Kung nagtataka ka na Prinsesa na ang tawag namin sa iyo, iyan ay dahil nakatakda ka ng maging Prinsesa simula noong araw na naipanganak ka kaya mas mabuti na ring masanay ka na." Napatitig nalang ako sa kawalan dahil sa mga narinig ko sakanya. Nakakaloka mga bes, hindi ko inakalang suswerte pa pala ako, daig ko pang nanalo sa lotto!
"Totoo po ba iyang pinagsasabi ninyo po? Nakakaloka naman po yan, nawindang talaga ako at hindi ko inakalang mangyayari to. Akala ko malas na talaga ang buhay ko simula ng mawala ang aking mga magulang. Pero bakit po kami may kompanya noon e ang sabi niyo po ay nagsisilbi si Dad sa pamilya ninyo? Atsaka nakakatakot naman iyong men-in-black niyo po, dinukot ba naman ako. Sa susunod po wag ganun, pero sana wala ng susunod hehe!"
"Oo totoo iha, bukas na bukas ay makikilala mo na si Prinsipe Bryce dahil nasa ibang bansa pa siya ngayon para may asikasuhin. Mayroon kayong kompanya dahil may naipundar rin naman si Norman para makapagpatayo ng kanyang kompanya at nakakalungkot dahil hindi kita natulungan bago magbankrupt ang kompanya ninyo pero h'wag kang mag-alala dahil bubuhayin natin ang kompanya ninyo at aalisin natin ang mga taong dahilan ng pagbagsak nito. Pagpasensyahan mo narin ang mga tauhan ko, baka kasi hindi ka maniwala at hindi ka sumama kapag kinausap ka tungkol dito. Kaya para mas madali, ipinadukot nalang kita. Hindi ka naman siguro nasaktan, di ba?"
"Ah ganoon po ba? Hindi naman po ako nasaktan Mahal na Reyna. Salamat po sa lahat ng nalaman ko. Maaari po ba akong magkaroon ng oras mag-isa? Gusto ko lang po sanang magisip-isip at nawiwindang pa po talaga ako sa lahat ng nalaman ko ngayon. Kung papayagan niyo po sana akong maglakad-lakad muna sa inyong hardin." Anak ka ng! Bakit lumalalim na rin yata ang bokabularyo ko?! Nakakaloka itech, baka makain na rin ako ng sistema! Nakupooo! Pero kailangan ko talaga munang mag-isa dahil nakakaloka naman talaga ang nangyayari. Gusto ko munang idigest lahat lahat para naman maunawaan ako ng kaonti. Diyos ko po, kayo na po ang bahala saakin. Sana'y gabayan niyo po ako.
"Ayos lang naman iha, take your time lang. H'wag ka lang sanang lumayo at baka maligaw ka. Malawak kasi ang lugar kaya mag-ingat ka. Pero h'wag kang magalala dahil may mga tauhan rin naming nakabantay sa iba't ibang parte ng palasyo."
"Salamat po Mahal na Reyna, magpapahangin lang po ako." Yumuko ako bilang paggalang. Tama iyon diba? Nakikita ko kasi iyan sa mga movies ahihihi.
Hmm napagisip-isip ko, ano kayang itsura ng nabanggit na Prinsipe? Hihihihi!
BINABASA MO ANG
Princess: A Dream Come True
HumorPrincess: A Dream Come True -- "Sana maging isang prinsesa ako." Bulong ko at hinulog yung piso sa wishing well. Naniniwala ba kayong nagkakatotoo yung mga niwiwish natin sa wishing well? Kasi ako, hindi pero sinusubukan ko lang ngayon. -- Iyan an...