Pinapatawag kami ngayong ng aming dean.Lahat raw ng 3rd year students ay pumunta raw sa quad.Kaya ano pa bang magahawa namin?Ng nasa quad na kami ay agad kaming pinaupo ng dean at nagsalita agad.Atat neto.
"Guys!We will have a field trip!"excited na sabi ni dean.Parang bata kung magsalita noh?Ganyan talaga yang si dean feeling bata.
"Woohhhh!!!"sigaw ng mga kaklase kong parang si Dora,mahilig maglakwatsa.
"And the best part is bukas na tayo aalis!"sabi ni dean.Mas lumakas ang sigawan ng mga kaklase ko.Pffftt if I know gusto lang nila ng walang pasok.Well,hindi ko rin sila masisi dahil kahit ako ayokong pumasok.Lol.
"So......hala umalis na kayo at maghanda na para bukas!Ay teka lang pala 3 days tayo dun kaya students maghanda na kayo.Papauwiin ko kayo ngayon ng maaga dahil alam kong mageempake pa kayo"sabi ni dean at pinaalis na nga kami.Pero sa tingin ko pinapalayas na kami ni Dean.Hehehe.
Agad akong pinuntahan ng barkada at inakbayan.
"Bro excited na ako?Ikaw excited ka na ba?ako excited na ako!Ang dami sigurong chikababes bukas."excited na sabi ni Van
"Kaya Van,dapat umuwi kana at magpagwapo"sabi ni Alexander kay van sabay akbay sa kanya.
"Eh?bakit?gwapo nanaman ako ha?baka kung nagpagwapo ako ng sobra baka halos lahat ng lalaki maging bakla dahil nakakita sila ng napakagwapong lalaki."Woohh hangin!!
"Ikaw gwapo?Sure ka?eh baboy lang yata ang papatol sayo eh"sabi ni Alexander
"Eh kung bugbugin kaya kita.Atsaka hindi mo ba natandaan na nanalo ako bilang Mr.Handsome 2012?"pagmamayabang ni Van.
"Eh ang papangit kaya ng mga kalaban mo"natatawang sabi ni Alexander.Nagsitawanan naman kami habang si Van naman ay nakasimangot.Napagdesisyunan nalang namin na umuwi muna para makapagempake at pagkatapos ay pumunta nalang rin sa bahay ni Jerome dahil siya ang may pinakamalapit na bahay sa school.Ng makauwi ako ay pumanhik agad ako sa kwarto ko.Ng mabuksan ko ang kwarto ko ay nagulat ako ng may babaeng nakaupo sa kama ko hindi ko nga lang makita dahil nakatalikod siya.Ng maisara ko na ang pinto ay napatingin sa akin ang babae at laking gulat ko dahil para siyang si Sadako.Hindi makikita ang mukha niya dahil sa mga buhok niya.She crawled towards me at ako naman ay agad pumunta sa kama ko at hinablot ang unan ko at tinapon sa kanya ng napakalakas kaya napaatras naman siya.
"Aray naman JD!"sigaw ni Sadako.Teka bat alam niya pangalan ko?
"Bat mo ko kilala?"tanong ko at tinapunan nanaman siya ng unan.
"Tama na!Ano ka ba!Si Shane toh!"sabi niya at hinawi ang mga buhok niyang nakaharang sa mukha niya.Lanjo siya lang pala!
"Ikaw kasi Shane eh!Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko?Umalis ka nga at mageempake pa ako!"sabi ko.
"Maglalayas ka?Isusumbong kita kay Tita!"sigaw niya
"Paano ka magsusubong eh nasa condo ko ikaw?Atsaka hindi ako maglalayas noh!May fieldtrip kami bukas"sabi ko at kinuha ang malaki kong back pack at nagsimula ng magempake.
"Sorry ah?Sorry po.Hindi ko kasi alam eh.Kung sinabi mo agad sa akin hindi na sana ako nagreact ng ganun"sarcastic niyang sabi.Binelatan ko lang siya at nagpatuloy sa pageempake.Wala akong pakealam kung paano ko ito pinapasok sa bag ko.
"Ako na nga diyan JD!Ilagay mo nalang sa tabi ko ang mga dadalhin mo at ako na ang magpapasok!"sabi niya
"Okay.Thanks Shane!"sabi ko at agad agad na inilagay sa tabi niya ang mga kakailanganin ko at pumunta na sa sala at nanood ng basketball.Ilang sandali pa lamang ay nauhaw ako kaya kumuha ako ng maiinom.Sakto at may nakita akong mango juice sa ref.Siguro kay Shane toh.Pshh bahala siya.Sinimulan ko nang inumin ang juice.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
FanfictionIn every laughter and joy there is pain.4 years na ang nakalipas mag mula nung napakasakit na nangyari kay Ella.Makakaya pa kayang balikan ni Ella ang mga nakaraan niya?O tuluyan na talaga niya itong tatalikuran at ibabaon sa limot?