Hipon

169 6 0
                                    

Chapter 2-Hipon

JD's P.O.V.

Aghh ang sakit ng ulo ko.Ano bang nangyari?Ang natatandaan ko lang,hindi ako uminom ng alak.

"Oh.Inumin mo muna yan para mahimasmasan ka"napatingin naman ako sa taong naglahad ng coffee.Si Luke lang pala.Kinuha ko iyon at nagpasalamat.

"Ano bang nangyari?"tanong ko kaya napalaki naman ang mga mata ni Luke at lumabas ng kwarto.

Dahil sa nacu-curious ako,lumabas ako at sinundan si Luke.

"Sumi gumising ka!Tulungan mo kong magpaliwanag kay JD gago ka!"rinig kong sabi ni Luke kay Sumi habang yinuyugyug ito.

"Ma may lindol.Paki sarado naman ng kwarto ko.Pumapasok ang baho ng basura"sabi ni Sumi habang nakapikit parin.Napatawa naman ako ng mahina ng batukan siya ni Luke.

"Gago!Nakapagsipilyo na ako!Colgate!"singhal ni Luke.

"Cool.Nagsasalita na pala ang basura.Magora care ka na rin.Para bumango ka"sabi ni Sumi.

Nakita kong pumasok si Luke sa kitchen at kumuha ng tubig at itinapon kay Sumi.

"laway mo Luke!"sigaw ni Sumi at umupo sa sofa na basang basa.Tawa ng tawa naman si Luke habang tinuturo si Sumi.

"Hindi pala bagay sayo ang wet look Sumi!"sabi ni Luke at tumawa ulit.

"Gago!"nagsimula na silang magwrestling sa sofa ko.Bago pa man sila magpatayan(okay.O.A.) pinigilan ko na sila at pinalayas sa sofa ko.

"Hindi na kayo nahiya sa sofa ko!Bagong ligo toh mga pare!Nag downy pa toh!Kayo"sabay turo sa kanilang dalawa"hindi pa kayo naliligo.Ang babaho niyo na"sabi ko sabay tinakpan ang ilong ko.Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay na binatukan ako.

"Walangya ka pare!Nagbelo ako!Nagbench rin!Etong si Luke siguro,hindi niya kasi afford ang belo,brand x lang ang afford niya.Tignan mo,hindi makinis ang balat niya."nakahakot naman si Sumi ng apat na batok galing kay Luke.

"Hangin mo pre!Mas mabaho ka pa nga sa aso naming si Roger eh"sabi ni Luke.

"Teka,bat ba ako nalasing?"tanong ko sa kanila ng maalala ko kung bakit ko sinundan si Luke.

Nagkatingin naman sila at nagsisikuhan.

"Ikaw na ang magsabi"sabi ni Luke pero umiling naman si Sumi.

"Ayoko.Ikaw na"sabi niya rin kay Luke kay siniko siya ni Luke.

"Idea mo yun eh"sabi ni Luke kaya gumanti naman si Sumi at siniko rin si Luke.

"Ikaw naglagay eh"sabi ni Sumi.

"Ano ba?!Sabihin niyo nalang kaya?"naiirita kong sabi sa kanila.Sorry,mababaho pa hininga nila eh.Baka di makaya ng freshener ko eh.

"Eh kasi habang wala ka,sinabihan ako ni Sumi na lagyan ng hard drink ang inumin mo"panimula ni Luke.

"Pumayak naman si Luke.Siya pa nga ang naginsist na siya na ang maglagay ng hard drink"sabi naman ni Sumi.

"Eh mga bopols pala kayo eh!Nagtuturuan kayong dalawa eh kayong dalawa naman ang may kasalanan"sabi ko sa kanila at binatukan sila

"Tol,sorry na.Gusto lang kasi namin na makalimot ka.Kahit isang Gabi lang"sabi ni Sumi habang nagtatago sa likod ni Luke.Napahilot naman ako sa ulo ko.Tsk.Ayaw ko pa namang nalalasing ako.Kung ano-ano kasi ang sinasabi ko tapos nagiging feeling baby ako.

"May ginagawa ba ako?May napansin ba kayong iba sa akin nung nalasing ako?"tanong ko sa kanila

"Hindi ko alam.Nalasing rin ako eh"sabi ni Sumi habang nakatago parin sa likod ni Luke.Tinignan ko naman si Luke pero umiiling lang siya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon