"My lady, nasa harden po si Binibining Andwena nais niya raw po kayong makausap," sabi ng babaeng tono mula sa likod ng pintuan. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng tagasilbi.
Mula nang magkita kami sa palasyo ay madalas na siyang bumibisita sa mansyon. Hindi ko siya pinupuntahan, palagi ko na lang na sinasabing nagbabasa ako o may ginagawa akong mahalaga. Lahat ng naiisip kong dahilan dinadahilan ko wag lang siyang makita, feeling ko kasi may hidden agenda s'ya o di kaya handa na akong sakmalin o di kaya gilitan ako ng leeg, feeling ko lang naman. Binuksan ko muna ang pintuan saka siya sinabihan.
"Yeah pakisabi sa tagaluto na maghanda ng snack at ihatid roon, pakisabi rin kay Lady Andwena na baba na ako"
"Yes my lady" yumuko muna siya bago lumabas. Tumayo na ako at pumunta sa harapan ng salamin, inayos ko ang sarili ko para magmukha naman akong presentable.
Huminga ako ng malalim bago lumabas, itinaas ko ang hem ng damit ko gamit ang kaliwa kung kamay habang nasa kanan naman ay hawak ko ang isang libro. Maingat akong bumaba sa hagdanan mahirap na baka madulas pa ako at mapahiya. My goodness hindi kakayanin ng puso ko, kahit pa sabihin nating mga katulong lang ang makakakita pero pagtatawanan pa rin nila ako at pagchichismissan. Sigh.
Dumiretso ako sa harden ilang metro lang ay narating ko na ang isang malaking glass cage. Binuksan iyon ng isang butler, agad ko namang nakita ang isang nakaupong babae, tuwid na tuwid siyang umupo habang nakatingin sa mga Rosas na nakapalibot sa salamin.
I smirk. Let's see kung hanggang saan ang kaya ng babaeng ito.
"Lady Andwena" agaran kong tawag habang papalapit ako sa kan'ya. Nag-angat naman siya ng tingin sa'kin, agad siyang napatayo nang makita ako.
She bowed her head tapos ay nakangiting itinaas ang kan'yang ulo. "Lady Amery"
"Napabisita ka ulit? May kailangan ka?" nakapangiting tanong ko pero syempre plastic lang yon gaya ng nasa harapan ko. Umaalingasaw ang amoy ng sunog na plastic eh.
"Of course, para kumustahin ka, ang sabi ni Dr. Marino hindi ka na raw bumibisita sa kan'ya"
Doctor? Aanhin naman iyon ni Amery? May sakit ba siya?
"Ah marami lang akong ginagawa at wala akong oras para sa mga ibang bagay"
"WHAT? NO! YOU NEED TO GO TO HIM!" Napaigtad naman ako sa biglang pagsigaw niya, bigla niya atang na-realize ang pag-burst out niya.
"Ahh I mean, I-I'm just concern. What if sumpuhin ka na naman ng paninikip ng dibdib mo," hindi mapakaling bawi niya.
I smiled politely. "I'm okay as you can see"
"Always remember the doctor's said to you, never be pregnant until you will be cured." Agad na pumintig ang tainga ko dahil sa huli niyang sinabi.
"Lady Andwena, I think your crossing the line, this is my matter and this doesn't concern you at all. It's my own body and it's my own choice. If I bear a little one, so what? Mamatay na kung mamatay"
"And also what's your position to tell me that never be pregnant?" Taas kilay na tanong ko sa kan'ya.
"If wala ka nang sasabihin, bukas ang pintuan para sa pag-alis mo"
"Hmph!" Naiinis niya akong tinalikuran, pinanood ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas. Huminga ako ng malalim bago umupo ulit, maya-maya lang ay pumasok na ang mga tagasilbi bitbit ang dalawang tray na may lamang baso at mga cookies. Pagkatapos nila iyong inilapag sa mesa ay agad rin naman silang umalis.
Binalingan ko na lang ang atensyon ko sa dala kong libro kanina, tapos ay binuksan iyon. Nanatili lang ako roon hanggang sa tanghalian.
"My lady, oras na po para mananghalian," nakayukong saad ng isang katulong. Tumayo naman ako
"Okay, let's go"
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa harden, at muling pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Saka ko lang malayang hapon na pala nang mapasulyap ako sa labas at kulay kahel na ang langit.
Tumayo ako pagkatapos ay naglakad palabas. Pagpasok ko ay dumiretso ako sa kwarto namin at inilapag sa tabi ng lamp ang libro, I begun to remove my accessories while in front of the mirror.
Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan, lumapit ako para buksan iyon. "My lady, handa na po ang paliguan ninyo"
"Sige, susunod na ako." Yumuko lang siya saglit bago umalis, bumalik muna ako sa harapan ng salamin at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ko. Nang magsawa na ako kakasuklay ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa paliguan.
Pagkatapos kong magbihis ay pinulot ko ulit ang libro tapos ay bumaba at umupo sa sofa. I couldn't help to glance at the main door from time to time, it's already dark outside but still he hasn't come home yet. I heave a sigh, ba't ang tagal naman niya 'ata ngayon.
"My lady it's time eat"
"Hintayin muna na'tin si Sevestian" The maid hesitated a bit before bowing her head.
"As you wish my lady" saka siya bumalik sa loob nang dining room.
Ilang oras pa ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin ang Marquess and I'm starting to get anxious. Sinara ko ang libro pagkatapos ay naglakad nang paikot-ikot. Napatigil ako nang makarinig ako nang tunog ng pagtigil ng isang karwahe. Agad kong inayos ang buhok ko at damit saka ako huminga ng malalim, matyaga kong inabangan ang isang taong papasok ng pintuan.
I heard a sound of footsteps, I suddenly stop breathing as a familiar face of someone entered the door. Napatigil pa siya nang makita akong nakatayo gitna.
I smiled sweetly. "Welcome back"
He chuckle in low voice before coming near at my place and lock me in his arms. "Aww my beautiful wife is waiting for me to come home" I couldn't help but to smile. He kissed my temple and whispered, "Your making heart happy"
"Is your work done?"
He brows furrowed. "Why?"
"Um, nothing just asking."
"Nope, I will head north tomorrow to check a land there."
"Hmm, can I come?" I'm starting to get bored here, wala akong ibang ginawa kun'di ang kumain, matulog at umupo.
Dinampian niya muna ng panandaliang halik ang labi ko bago nagwika, "Sure, but in one condition"
"Ah-huh, what is it?" He smiled playfully
"A baby" napanganga ako ng wala sa oras.
"What?"
"I want a baby" pag-uulit niya
"Wow ah, kung makapagsabi ka niyan parang bibilhin mo lang sa tindahan" hindi makapaniwalang bulas ko.
"Pfft, then make love to me tonight, my beautiful wife" The hell he has no shame.
"Tara na nga," tapos ay hinila ko na siya, "Kumain na nga tayo gutom ka lang." Pero hinila niya ako pabalik, agad naman akong napatitig sa mga mata niya, he sneaked both of his hand on my waist and locked his fingers in my back. I bend back a bit, masyado siyang malapit.
"Please," pagpapaawa niya pa and then he starts on pecking on my lips and keeps on whispering 'Please'. Wala akong magawa kundi ang takpan ang bibig niya tapos ay mahinang tumango. Goodness anong gulo itong pinasok ko.
"Fine, fine, just stop and let's eat okay?" pabulong na saad ko ngiting
"Hmm okay" he pecked on my lips again and smiled "sweet"
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS LADY AMERY [NOBLEMEN SERIES #3] (HIATUS)
Random[NOBLEMEN SERIES #3] (On-going) ********************* Trixie Marie is a well-known actress but because of scandal, she ended her life. But by unexpected chance, she woke up above the bed as the cheater wife of Earl Sevestian Senixta. What would she...