Prologue

1.6K 36 1
                                    

Prologue|Met again



"Montes, do you copy?" Napaikot ako ng mata ng marinig ang boses ni Florenza. Kulit.

"Oo, na." Suko ko.

Kasalukuyan ay nasa isang malaking kaso kami, kung saan hinahanap ang mga nawawalang kababaihan. Pasado alas dyes ng gabi, at lahat ng biktima sakto sa oras na yun. Kasalukuyan ay nasa 56 biktima na ang nawawala at kailan lang ay natagpuan ang apat sa ilog malayo sa syudad. At alam kong iisang tao o sindikato ang may gawa non.

Pinipigilan ako ni Florenza na pumasok sa compound kung saan posibleng kuta ng mga sindikato. Nangangati ang kamay ko para sapakin ang mga gagong yun.

"Montes! Ako ang papatay sayo kapag pumasok ka d'yan. Napaka-tigas ng ulo mo!" Sigurado akong namumula na ngayon sa galit si Angelo kung saan si Florenza.

"Hahayaan natin sila? Hindi ako makapag-hintay Florenza." Seryosong wika ko sa woki toki na naka-konekta sa parteng kaliwang dibdib ko.

"Wala tayong warrant of arrest." He pointed. Sumama ang mukha ko sa sinabi nito. Fuck the warrant! Mukha ba kami may panahon? Kapag pinalampas pa namin ang araw na ito sigurado ako madadagdagan ang mga biktima nila.

"Putangina naman Angelo, alam mong hindi ako nag sasayang ng oras." May diing sabi ko, para kaming tangang nag uusap sa woki toki.

"Fucking listen to me Montes! We NEED backup." He hissed. Nangigil kong tinanggal ang woki toki sa na naka-konekta sa damit at inapakan yun para masira. At normal na pinasok ang building. Masasabi kong bar at gambling hall 'to. Hindi ako hinarang ng bouncer.

Sopistikada akong pumasok ro'n para makakuha ng atensyon. At tama ako naroon ang mga suspek na hinahanap ko. Nag papakasasa sa kababaihan sa tabi nito. Nakita ko rin ang mga batong bagay sa mesa mayroon ring pino na puti at inaamoy ng mga kalalakihan dun.

Drugs.

Napaangat ang kilay ko ng makitang nakatingin ito sakin, malagkit. Ang tanda na pero ang harot.  Ngumiti ako rito ng matamis na may halong nakaka-akit.

At umiwas agad ng tingin, palinga-linga ako hanggang nakuha ng atensyon ko ang babaeng naka-kandong sa lalaking may tattoo sa katawan. Nakikita kong parang nanghihina ang babae. Habang hinahalikan ng lalaki.

She's familiar...

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang babae. She's Alana Dela Cruz, isa sa mga nawawalang biktima. Nag lakad ako palapit sa deriksyon nito ngunit may humawak sa bewang ko. Pinigil kong pumiglas. Ayokong mataranta baka makahalata ang mga kalalakihan, lalo na't ako ang pumasok sa teritoryo nila.

Calm down, Koheiya

Tumingin ako sa humawak sakin, lihim ako nag tagis bagang ng makilala ang lalaking may hawak sakin. He's Steve Camion, isa sa mga top drug seller at nasa watch list ng agency namin.  Gwapo pero sayang.

"Pretty..." bulong nito, parang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Cop." Anito, kimi akong ngumiti rito. Alam kong kilala niya ako, halos nag kikita na kami sa mga misyon ko kung saan nahuhuli ko siya pero nakakalabas rin dahil wala raw ako ebidinsya.

"Shut up, drug lord." I hissed, I heard him chuckled. What a man.

"Hmm, feisty I like it." Bulong nito kinagat pa ang tuktok ng tenga ko. Umiwas agad ako, napaka-landi ng lalaking 'to.

"Hindi naman ikaw diba ang may pakana nito?" taray na tanong ko rito. Halos mag krus ang mga landas namin palagi. Kung nag kakataon man ay palagi itong sumusuko pero mga ilang minuto palang ito ay nakakalaya na. Ang dahilan ay 'walang ebedinsya'.

The PossessionWhere stories live. Discover now