Marahan akong napadilat ng makaramdam ng isang kamay na hinahaplos ang aking mga hita. Napalingon ako sa aking katabi at nakita ang lalaking aking mahal na busy sa pagmamaneho papunta sa bahay na aming titirhan pagkatapos naming magpakasal. Inalis ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa labas at napansin ang pagdilim ng kalangitan.
"Mukhang uulan," Wika ko habang patuloy pa rin ang pagtitig sa madilim na langit.
"Huwag kang mag-alala, malapit na tayo." Mabilis akong napalingon sa aking kasama dahil sa bigla niyang pagsasalita. Nadaanan ko ng tingin ang suot kong singsing kaya bumalik ang aking tingin dito at hindi maiwasang maalala ang araw na nag-propose ang lalaking aking kasama.
Simpleng araw lamang iyon. Inaya niya ako sa isang date. Sa loob ng dalawang taon ay lagi naming ginagawa iyon. Sa aming dalawa, siya lang ang may trabaho. Mayaman ang aming pamilya at hindi ako nakaramdam ng pressure mula sa mga magulang ko na kailangan ko ng magtrabaho.
"Maureen, nasaan ka na?" Tanong ni Enzo sa kabilang linya. Bago ko siya sinagot ay tinignan ko muna ang oras sa hawak kong cellphone. Twenty minutes na akong late. Parang hindi naman siya nasanay. Minsan pa nga ay isang oras siyang naghihintay sa akin.
"Kumalma ka, papunta na ako r'yan." Tugon ko sa kaniya at hindi na hinintay ang kaniyang sunod na sasabihin. Bumaba na ako sa aking kwarto at pumunta sa kotse na niregalo ng aking mga magulang. Wala silang dalawa ngayon dahil nasa ibang bansa sila. Bakasyon na hindi ako kasama. Tanging ang kasambahay lang ang kasama ko sa bahay.
Sinimulan kong patakbuhin ang aking sasakyan at sinearch sa waze ang restaurant kung saan kami kakain. Napairap ako ng makitang malapit ito sa beach. Ayoko sa tunog na binibigay ng alon. Ingay na hindi kayang pigilan. Nang makarating sa lugar ay kinuha ko ang aking maliit na bag at hinanap si Enzo. Agad ko siyang nakita dahil konti lang ang tao sa loob ng restaurant. Nakangiti akong naglalakad papunta sa kaniya.
Sinalubong niya ako ng halik sa labi at tinuro ang upuan kung saan ako dapat umupo. Pinatong ko muna ang hawak kong bag bago tuluyang umupo.
"Sorry, kung naghintay ka."Natatawa kong saad habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Hindi maipagkakaila na gwapo si Enzo. Nagkakakilala kami sa isang bar. Birthday ng isa sa mga kaibigan ko na kaibigan ng kaibigan niya. Kinuha niya ang number ko at doon na kami nagkamabutihan.
"Walang bago, maureen." Nakangiti niyang tugon at sumenyas sa waiter. Matapos umorder ng mga pagkain ay sinimulan na namin itong kainin. Paminsan-minsan ay nagtatanungan kaming dalawa. Simple lamang ang relasyon na meron kami. Ganito talaga siguro kapag pareho kayong seryosong tao.
"Kailan uwi ng mga parents mo?" Tanong niya sa akin habang patuloy sa pagkain. Binaba ko ang hawak kong kutsara bago siya sinagot.
"Siguro next week ang uwi nila. May kailangan ka ba sa kanila?" Balik kong tanong sa kaniya upang mas humaba ang usapan na meron kami. Seryoso siyang nakatingin sa akin na tila kinakabahan. Sa dalawang taon naming magkasama, labis ko na siyang kilala.
"Sana umuwi sila ng mas maaga." Tangi niyang nasambit at binalak na sumubo ulit ng pagkain.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Mistress ( On-Going )
عاطفيةWarning: Mature Content Mistress Series 3 Maituturing na perpektong relasyon ang namamagitan kina MAUREEN at ENZO. Sa nalalapit nilang kasal ay maraming katotohanan ang lalabas na magiging dahilan upang masira ito. Hanggang saan ang kayang gawin ni...