Ria
Mga salitang nang-uudyok, mga matang mapanghusga, mga bibig na walang katumbas ang talas, mga taong walang ambag sa buhay kundi ang makialam sa buhay ng iba. Kalungkutan mo’y kasiyahan nila. Mga napagtagumpayan mo’y masasama sa mga mata nila.
Sa lugar na kung saa’y walang ibang trabaho ang mga tao kundi ang manghusga ng kapwa at sa gabi ay ang pumatay para may maihain sa lamesa. Hanap buhay ay ang pumatay at magnakaw.
Hindi batid ng batang si Ria kung ano ang gagawin niya sa buhay pagkatapos mailibing ng kaniyang kinilalang mga magulang. Kanina lamang ito nailibing sa sementeryo at ngayon ay hindi na niya alam paano mamuhay ng mag-isa. Kaya ba ng kaniyang maliit na katawan na labanan ang pang-araw-araw na labanan. Wala siyang ibang kamag-anak na malalapitan dahil ang pamilya nang nag-ampon sa kaniya ay matagal na silang itinakwil dahil sa pagkupkop sakaniya at ang rason na ito ay hindi niya batid na unang pagkakita palang nila sakaniya ay ayaw na ng mga ito sakaniya. Gusto niyang magtanong ngunit wala siyang karapatan sapagkat siya’y kinaawan lamang ng mag-asawa.
Sa sampung taon niya na kasama ang mga kumupkop sakaniya ay hindi siya kinawawa ng mga ito. May kaunting ari-arian ang mga ito na pinagkukuhanan nila ng makakain kaya siya hindi namroblema ngunit ngayon—
“Maria! Maria!!” Sigaw ng nasa labas at halatang maikli lamang ang pasensya nito dahil sa tono ng boses. Agad niya itong nilabas at nagtatakang tiningnan niya ito.
“Bakit ho, Tiya Maricel?” Magalang niyang ani.
Tumaas ang manipis na kilay ng kaniyang tiya at halatang hindi ito totoong kilay dahil wala naman na itong kilay dahil sa sobrang kaartehan sa mukha ‘di naman maganda. “Aba’y sino ka para tawagin akong tiya? Hoy ampon, simula ngayon hindi kana kasali sa pamilya namin at hindi ka na anak nina Marife at Sandro! Ay wala ka naman talagang karapatan simula palang e dahil ampon ka lang kaya lumayas kana sa pamamahay na ito!”
Agad na namuo ang mga luha sa mga mata ni Ria. Alam niyang ganito ang mangyayari sapagkat wala na ang mga magulang na po-protekta sakaniya.
“P-pero po, sa akin nakapangalan ang bahay na ito...” biglang pumiyok ang kaniyang tinig at yumuko na lamang siya ng bigla siyang sampalin nito.
“Aba e sino ka ba? Ako ang kapatid ni Maricel kaya ako ang mas may karapatan sa mga ari-arian nila dahil sila’y wala naman na sa mundong ‘to kaya wala ka ng batbat dito! Umalis kana at huwag na huwag ka ng magpapakita dito sa lugar na ‘to!”
Marahas na pinahid ni Ria ang mga luhang nalalaglag sa kaniyang pisngi at agad nakipagtitigan sakaniyang tiya.
“Wala ka ring karapatan na palayasin ako. Hindi sa’yo naka-pangalan ang bahay na ito. Maawa po kayo sa akin.” Sinubukan niyang makiusap ng mahinahon sapagkat hindi niya talaga alam kung saan siya lilipat kapag umalis siya sa bahay na ito.
“Huh! Maawa?! Lakas naman ng budhi mong magmakaawa e hindi kita kaano-ano. Sino ka ba para kaawaan ko, ha?!” Nameywang ang ginang at tinitigan siya nito gamit ang mapanakit at mapanghusgang mga mata bago magsalitang muli. “At isa pa, dapat ka bang kaawaan? Iyong ina mong walang gusto kundi ang masunod lamang ang pangarap kaya ka iniwan— ” Bigla itong natahimik bago huminga ng malalim at tumalim muli ang mga titig nito sakaniya. “Ay anak nang puta kang bata ka lumayas ka na nga dito bago ko pa tawagin si Berto’t ipakaladkad talaga kita ‘pag ayaw mo pang umalis dito.” dugtong nito.
Biglang nanginig ang katawan ni Ria pagkarinig sa pangalan ng asawa ng kaniyang tiya kahit na nagtataka sa nasabi nito tungkol aa kaniyang totoong ina ngunit mas lumamang ang takot sakaniyang kalooban.
Si Bernadicto Romaldo alyas Berto ay isa sa mga siga sa kanilang lugar kaya naman ay halos lahat ay takot dito at isa na siya roon sapagkat muntik na siya nitong magahasa noong sampung taon pa lamang siya mabuti na lamang at naabutan sila ng kaniyang kinikilalang ama at agad nitong binugbog si Berto at hindi naman ito magawang maipakulong ng kaniyang mga magulang sapagkat labis na nagmakaawa ang kaniyang Tiya Maricel sa kanila. Kaya simula noon ay labis na ang pagpo-protekta ng kaniyang mga magulang sakaniya. Ngunit ngayong wala na ang nga ito ay bumalik muli sa kaniyang alimpatakan ang pangyayaring iyon.
“Pero tiya wala po akong ibang matitirhan...” huling pagmamakaawa niya bago siya kaladkarin ng kaniyang tiya papasok ng bahay at marahas na pinag-impake ng kaniyang mga gamit na kung saa’y wala siyang ibang magawa kundi ang humagulgol na lamang sa pag-iyak dahil kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay hindi siya makakatakas sa mga kamay nito.
“Wala akong pakialam kung saang lupalop ka man tumira! Lumayas ka na rito!” Anito saka siya walang awang itinulak palabas ng pinto kasama ng kaniyang dalawang maleta. Nais pang humagulgol ni Ria ngunit kahit anong gawin niya’y hindi na muna iyon mahalaga.
Dahil kahit anong pagpupumilit niyang ayaw umalis ay nababatid niyang kapag papatagalin pa niya ito ay ang kaniyang Tiyo Berto na ang kaniyang kakaharapin.
Bago niya nilisan ang lugar na iyon, hila-hila sa magkabilang kamay ang kaniyang maleta ay ang huli niyang nasilayan ay ang nakangising Tiya Maricel at wari’y nanalo sa lotto habang walang awang nakatitig sa kaniyang maliit na pigurang papalayo sa lugar na iyon.
Lugar na kung saan siya lumaki at ang lugar na napag-iwanan ng kaniyang mga ala-alang masasaya. Dahil ngayon ay hindi na siya halos makingiti pa.
Mas masakit ang realidad sa labas. Sa mundong napakalaki, mga pinapantasyang kasiyahan ay kabaliktaran ang katotohanan. Isang musmos na bata na hindi alam kung saan ang patutunguhan ay nakasaksi sa hirap ng buhay.
Batang ninais lamang na sumaya ay naging dahilan sa pagtatapos ng kasiyahan ng iba.
Maria Alnexia Mourgan a.k.a ‘The Anonymous Venom’. Mapangahas na tao. Taong traydor. Taong hindi kumikilala ng kapwa tao. Taong hindi naaawa. Taong kapag katabi mo ay hindi mo na napansing nilason ka na ng kamatayan. Taong ayaw gustuhin ng mga nakakakilala sa kaniyang alyas na siya’y mapaharap sa kanilang mga harapan.
Kapag kaharap mo siya, iisa lamang ang ibig sabihin. Kamatayan.
But until he met someone. Someone she needs to protect. For almost 17 years of killing ngayon lamang siya nagkaroon nang ganitong misyon. Ang magprotekta nang tao. Nas madali para sakaniya ang kumitil ng buhay kaysa ang magprotekta ng buhay sapagkat ayaw niya ng obligasyin. She doesn’t know how to protect but she still accept the project. She thinks that maybe it’ll be a big break for her, maybe it can be served as a vacation but little did she know that as being a protectee is not that easy to do.
•••
Sensya na sa ka cringe-han ha, HAHAHAHAHAHAH K BYE.
YOU ARE READING
Life Series 1: Just A Little Time
General FictionSurvival. Maria Alnexia Mourgan, a hopeless lad but trying her best to survive. A life full of cruelty and kindness is unforeseen. A mere 15 year-old girl experiencing a different life dilemma until she's unwavered, until she's no longer the little...