CHAPTER 1

5 1 0
                                    

Agnus Vykalrie Haven a CEO of a big real estate around the world. A young promising bachelor.

“Raising his company independently at the age of 18... Until he decided to widen his business at the age of 20...” Hindi makapaniwalang nakatitig si Ria sa papel na hawak niya. Po-protektahan niya ito pero bakit pa kailangan niyang malaman kung ilang taon siya nagsimulang nagpatakbo ng business.

“Bakit ko pa kailangang malaman ang biography ng taong ‘to? Pati ba naman stats nito tangina ang cringe.” Reklamo niya sa hangin.

Name: Agnus Vykalrie Haven
Age: 30
Civil Status: Married
Height: 185 cm
Weight: 60 kg
......

Hindi napigilan ni Ria na tawagan ang boss niya. After three rings sinagot ito ng kabilang linya.

[Hello, my dear. Wazzup? What ya need? New model of the latest gun you want? Or a knife? Or–]

“Stop talking nakakarindi boses mong pang kargador.” Putol niya sa kaniyang boss. They’re friends, her only friend. The one who offer her a help when she almost...died.

Napaungol naman ang kabila na waring ito’y nasasaktan sa sinabi ni Ria.

[Hoy babae pasalamat ka babae ka kung hindi matagal na kitang niligawan. Mas boses kargador ka pa nga sa’kin aakalain ng mga makakarinig na lalaki ka. Hmp!]

Oo bakla ito hindi man halata pero bakla ito.

“Magtigil ka ngang bakla ka. Anyway–” Hindi natuloy sa pagsasalita si Ria dahil biglang tumili ang bakla.

[Ahhhhh! Oemjiiiiii ano ano ‘yang anyway mo? Alam kong may request ka kaya dali! Bilis!]

“Taena mo. Patapusin mo ako sa pagsasalita bakla ka.”

Minsanan lang siya kung humingi ng request sa kaniyang boss at ang laging sambit niya kapag manghihingi siya ng pabor ay ang nauunang anyway niya.

[E nai-excite ako e. Pandagdag collection ng mga maliliit mong pabor na nakukuha sa akin. Atleast magagamit ko ‘to pang-asar sa’yo.]

“Mananahimik ka o hindi? Papasabugin ko ‘yong bahay mo sa Bohol.”

[Oo na! Hindi ka naman mabiro! Ano ba rason na tumawag ka sa’kin e cats hour  ko ngayon!]

1 a.m - 3 a.m ay ang oras na tinatawag ng kaniyang boss na cats hour. Gawa gawa lamang ito ng kabaklaan niya.

“Bakit ganito ‘tong information ng babantayan ko? Kailangan pati edad, height, at mga ka echosan ay malaman ko? Taena hindi ako gagawa ng research o reaction paper, schedule at location niya sapat na.”

Tumawa bigla ang nasa kabilang linya. [Ngayon ka lang nagreklamo tungkol diyan e palagi ka namang nagbabasa ng mga kaliit liitang mga impormasyon tungkol sa mga target mo tapos ngayon nagr-reklamo ka? ]

“Po-protektahan ko ang buhay nito hindi papatayin at sapat na itong bantayan siya. Maliban nalang kung ipapatay mo siya sa’kin pagkatapos.” Walang emosyong aniya.

[Tss. Just incase of emergency lang ‘yan bhe! Anuba ‘wag kang panira ng mood ha gwapo kaya niyan. Huwag mong papatayin ‘yan ha aakitin ko pa ‘yan!]

“Tss” aniya saka pinutol ang tawag.

What a hassle.

......

I freely drove my black motor without any fear. Swaying, overtake, overturning and put the speed higher so I can arrive at my destination faster than normal people do. This is why I don’t like cars. It’s too burdensome.

Life Series 1:  Just A Little TimeWhere stories live. Discover now