Nang malapit na silang makarating sa medyo tahimik na lugar ay agad siyang nagpaputok. Pinatamaan niya ang mga gulong ng unang kotse na naging dahilan ng muntikan pagkabangga nito. Ang isang kotse na nakasunod ay sinadyang ipinagiwang ang sasakyan upang hindi niya maayos ang pagtama sa mga gulong. Ipinagiwang giwang niya rin ang kaniyang motor at sinubukang makalapit sa sinasakyan ni Agnus upang palitan ang kaniyang baril.
“US rifle caliber 5.56 milimeter M16 A2, two extra magazine with 30 rounds.” Mabilis niyang ani sa tauhan na nasa shotgun seat. Tinanguan siya nito at pagkatapos ng ilang segundo ay inabot na ang rifle na kaniyang hiningi. Hindi na niya pinansin ang titig ni Agnus na pawang nag-aalala sakaniya.
Gamit ang kaliwang kamay ay in-unlock niya ito at pinili ang automatic level. Para mapabilis at hindi siya mahirapang magpaputok habang nagmamaneho.
“Mauna na kayo. Huwag kayong dumeretso sa penthouse. Dalhin niyo siya sa headquarters. Secure his safety no matter what. Kapag may galos ‘yan, alam niyo na kung anong mangyayari sa inyo.” Bilin niya sa mga tauhan pagkatapos ay tinanguan siya ng mga ito. Bago siya lumayo sa sasakyan ay inabutan siya ng mga ito ng isang walkie talkie.
“Mag-ingat ka.” Bilin sakaniya ni Agnus at tango lamang ang kaniyang tugon. Hindi na niya inalala pa ang ekspresyon nito.
Nang makalayo na siya sa sasakyan ay agad niyang iniharang ang kaniyang motor sa sumusunod sakanila. Napahinto ang mga ito at unti unting lumabas sa sinasakyan.
In-on niya ang radyo at nagsalita, “Anonymous Venom. Mission. Code number: 1-001-555. Over.” Huling bilin niya sa taong nakarinig sa kabilang linya.
HALOS hindi mapakali si Agnus pagkatapos nilang maghiwalay ng landas ni Ria. Halos gusto niyang liparing muli ang landas na kanilang iniwanan. Hindi niya mawari ang kaba na kaniyang nararamdaman. Ito ang ikalawang beses na naiwan niya ito sa ganoong sitwasyon.
“Sir, pinapatawag po kayo ni boss.” Ani ng isa sa tauhan na kasama niya kanina. Tinanguan niya ito at sinundan. Hindi na niya nagawang pagmasdan pa ang paligid dahil sa pag-aalala.
Pagkapasok nila sa isang silid na kulay abo ay saka lang siya nagambala laban sa kabang nararamdaman. Halos lahat ng bubong at pader ay wari niya'y puro metal. Na sa tingin niya'y isang metal na kahit bala ay hindi makakalagpas.
Sa loob ay may maraming computer na naka-on at puro mga numero at letra ang meron na tumatakbo pataas. May dalawampu't dalawang upuan na nakapalibot sa isang mahabang mesa na kung saan nakapatong ang mga computer.
Nakita niya ang isang lalaking naka suit na nakatayo at nakatingin sa mga computer habang may kinakausap sa earpiece nito.
“Clear the area. Clear the air way.” Matikas at ma-awtoridad na ani nito sa kausap.
Nagpahalukipkip na lang siya bago inilibot muli ang atensyon sa buong silid. The lights in the room is slightly dimmed and there's curtain at the back of the room.
Pero hindi na niya kayang tignang muli ang buong silid matapos marinig ang sunod na sinabi ng lalaking nasa gitna. “Find her. Make sure everything is doing well on her side. Shut up! She won't die! She can't be dead! Either I kill before you find her or I'll kill you before you could find her!” Sigaw nito na ikinawala ng postura nito.
Mas lalong dumoble ang dagundong ng kanyang dibdib. Sana'y hindi tama ang nasa kaniyang isip. Sana'y hindi si Ria ang tinutukoy nito.
Malakas na sinapak ng lalaki ang lamesa at ilang beses na bumuntong hininga. Pagkaraan ng ilang minuto ay nilingon siya nito. Napatuwid siya ng tayo. Hindi mawari kung ano ang una niyang ramdamin. Ang kaba o ang pag-aalala.
YOU ARE READING
Life Series 1: Just A Little Time
Ficción GeneralSurvival. Maria Alnexia Mourgan, a hopeless lad but trying her best to survive. A life full of cruelty and kindness is unforeseen. A mere 15 year-old girl experiencing a different life dilemma until she's unwavered, until she's no longer the little...