Two: Who am I

9 1 2
                                    




Alas-otso na ng umaga at papunta na kami ni Mama sa dorm. Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin kuinakausap si Mama. Hinatid kami ng nagbabantay sa dorm sa kwarto ko. Kinakabhan ako baka 'di ko maging ka-vibes ang kadorm ko. Medyo marami akong dalang mga luggage, mga tatlo at isang backpack dahil sobrang OA ni Mama. Akala mo naman aalis na ako ng bahay.

"Ito na po ang kwarto Ma'am" binuksan ni Ate ang pinto "Hoy! Umayos ka nga, ito na 'yong bago mong kasama".

Pumasok na kami at laking gulat ko sa makakasama ko sa dorm. It's Samuel.

"Oy! Hi Mr. Actor" bati nito.

I waived my hand. Please stop talking about acting or something.

"What's your name hijo?" tanong ni Mama.

"I'm Samuel Corpuz po, Tita. BS Psych din po ako like Tin" sagot nito.

Tumango si Mama at iniwan na si Sam para tignan ang buong room. Dinampi niya ang daliri sa may bintana at tinignan ito. Suno ay tumingin siya sa kisame at halos di maipinta ang itsura ni Mama.

"Sure ka na ba dito?" pinagkrus ni Mama ang dalawang kamay "I can get you a condo".

Bumalik sa higaan si Sam na nagkukunyaring busy.

Help me Sam

"Yes Ma, at diba napag-usapan na natin ito".

"Ok, just update me" walang emsyong sabi ni Mama "Una na ako at may meeting pa ako. Bye".

"Ingat Ma!"

Pagkalabas ni Mama ay agaran namang tumayo si Sam at lumapit sa'kin.

"Grabe ka naman cutie boy, 'di mo sinabi na ako pala ang kadorm mo" kinuha niya ang dala kong backpack "Medyo masungit si Tita noh?"

"'Ata?"

"Anong ata? 'di mo ba nakita 'yon? Siniyasat niya ang buong kwarto at very intimidating siya, I swear"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Sam kasi totoo.  Nilapag ko na ang mga gamit ko at inayos ito.

"Akin na nga, tulungan na kita" kinuha ni Sam ang isang luggage "Bakit andami mong dala? Pinapalayas ka na ba sa inyo?" inilipat na niya ang mga damit sa cabinet. "Siguro mayaman ka noh? Like base sa kinilos ni tita. Wait, ok lang ba na Tita tawag ko sa Mama mo? Baka ayaw niya. shocks" maarte nitong tinakpan ang bibig.

"Hindi kami mayaman, may kaya lang. And gano'n talaga si Mama, may pagka-OA" sagot ko "And kung masungit siya, for me, 'di naman. Gagawin niya lang 'yong what's best for me"

"Ahh, Senorito"

Hinagis ko ang isang damit sa kaniya "Hindi, ayaw niya lang na matulad ako kay kuya na napabaya kasi masyado nilang ini-spoil, lahat ng gusto binigay at pinayagan".

Habang naliligo si Sam ay dinadalian ko na mag-ayos. Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko na ang uniform ko. Lumapit si Sam sa'kin at inayos ang collar ng polo ko.

"Thanks" I smiled.

Ginulo nito ang buhok ko, "Tinulungan nga ako, ginulo naman buhok ko!"

Pinandilaan ako ni Sam "Dalian mo na diyan. At 20 minutes na lang at may klase na tayo"

Sabay kaming pumunta sa room ni Sam at iba ang tingin ng mga kaklase namin. Parang may malisya sila.

"Calm guys, 'di pa ako nanalo. Dormmates ko lang si Justin" pumunta na siya sa upuan niya "Try Harder guys para may maging hard"

Seriously Sam?

Tumabi na ako kay Sam. And after a while Mr. K arrived.

"For today's class, I want you to write something about yourself. Isulat niyo kung paano niyo kilala ang sarilii niyo" Sabi ni Mr. K "I'll give the whole time of our class just to finish the task".

Mr. K get a chalk and write on the board this question.

Sino ba ako?

"I want you guys to ask yourself na kung 'sino ba ako?'. Who Am I? By asking that to yourself, may masusulat kayo" tumingin sa'kin si sir at ngumiti.

"Sino ba ako?" bulong ko sa sarili.

"Si Justine Kale ka" pilyong sabat ni Sam.

Hinampas ko siya ng pad paper at pinandilaan niya ako. Parang bata!

11:11 AM

Ilang minutes na lang magta-time na. At wala pa akong naisulat ni isang salita sa papel ko maliban sa pangalan ko. Sinusubukan ko isulat ang totoo kong nararamdaman at hindi mga kasinungalingan. Ayoko na magsinungaling pa. Halos maubos na ang ballpen ko dahil kinakagat ko ito habang nag-iisip.

Nagsimula na akong magsulat.

Sino ba ako?

I'm Justin Kale, I'm good at playing piano. I love watching movies.

Napatigil ako sa pagsusulat ng biglang may kumatok sa room. It's a guy, wearing a uniform and a jacket. May hawak itong panyo at pinapaikot ito.

"Mr.K, tawag po kayo ng officers. May meeting daw po kayo" sabi ng lalaki.

Kita ko na tumingin banda sa pwesto ko 'yong lalaki at ngumiti.

Did my heart beats fast??? No, kinakabahan lang ako dahil sa activity.

"Ok, pasabi pupunta na ako" banggit ni sir "Ok class, Kindly pass your paper"

Shocks! Wala pang isang paragraph ang nasusulat ko.

Nagtaas ako ng kamay "Sir, excuse me po. Pwede po ba na ihabol ko na lang po 'yong paper ko?"

"Ok, sa may mini theater, building 2" sagot niya habang inaayos ang mga paper na pinasa ng iba kong classmate.

Nang makalabas na si sir, agad akonh inaya ni Samuel na pumunta sa Canteen. Habang umo-order siya, ako naman ay nagreserve na ng seat para sa'min at nang matapos ko na rin itong activity.

"Ang lalim ng iniisip ah" nilapag ni Sam ang tray.

"Ah wala, 'di pa kasi ako tapos sa activity ko kay Sir K"

"Pabasa nga" Kinuha niya ang papel ko " Seriously? I thought your that kind of person na magaling sa writing like you know what I mean"

"Nakakahiya man pero 'di ko talaga alam ang isusulat ko. I know it's just a simple question but for me, it's really hard to answer it"

Sam pouted his lips "Hmm, What if ilagay mo diyan sa paper mo— kung anong personality mo, dream mo, how you cope up with the struggles of life and more. In that way, may masusulat ka"

Not a bad Idea.

I nodded "Thank you Sam, libre kita next time"

Habang kumakain si Sam, ako naman ay busy magsulat. Ilang beses niya na ako inaya pero 'di talaga ako kumakain. Hanggang siya na lang ang umubos ng pagkain ko kasi sayang daw.

"Done" I exclaimed.

"Let me see" Kinuha ni Sam ang papel ko "My life is mine but I am not the director of it. I'm just the character of the story, who will follow what's the writer/director tell me to do."

"Akin na nga 'yan" pilit kong kinukuha ang papel.

"I wish that my first bow in stage will give me a limelight, to prove to my parents that I can do such things." he continously reading "And my last bow, as I leave this beautiful earth"

"Stop" I said.

"Ok, I'll stop na" binalik na niya ang papel "By the way, sama ako sa pagpapasa niyan"

"Bakit?"

"Ayaw mo no'n may kasama ka" he winked.

Duda.

Naglalakad na kami papuntang Mini theater pero hinarang kami ng Guard. In-explain namin na magpapasa kami pero ayaw kami papasukin. Buti na lang nakita namin 'yong lalaki na tumawag kay Sir K kanina.

"Kuyang nakajacket" sigaw ni Sam.

Napalingon ito at lumapit sa'min "Bakit po?"

"Kuya, baka pwede papasa na lang nito kay sir K" sabi ko "And please, wag niyo po basahin. Thanks"

"Ok, noted" kinuha niya ang papel ko "At, please don't call me kuya anlakas makatanda eh"

"I'm Cielo".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon