Her Angel 10.2

2.1K 59 11
                                    

Continuation [ Sa Her Angel 10.1]

------------------

Si....

si....

Si Ara ba yun??

O.O

Siya nga!

Si Ara yung nakikipaglaro kay quian. Maririnig ko pang naguusap sila kase nasa may gate ako sa gym nakatago upang hindi ako makadistorbo sa kanila. Naguusap eh

"Gusto mo pala ng batman?"

"Opo, kayo po?"

"Idol ko nga yan, tska I'm collecting some of it narin kaya madami akong toys sa bahay niyan"

"Talaga po?! Pwede po bang makita" Halatang nageenjoy si quian sa usapan nila. Natutuwa din akong makita na nakikipaglaro si Ara sa bata, mahilig din pala siya dito

"Sorry baby kaso nasa Pampangga kase yung iilan kong toys kaya hindi mo makikita" At nakita ko namang biglang sumimangot si quian pero nahalata 'to agad ni Ara "But wait, meron akong batman toys sa Dorm ko. Yun pwede mong makita"

"Talaga ate?!" agresibo namang tanong ni quian na parang di makapaniwala at napangiti

"Yup, dadalhin kita dun if ever pwede ka na. Tara na! baka hinahanap ka na dun ni Ate Bang mo magalala pa yun" At hinawakan niya na si quian papasok sa loob ng gym

Nagtago naman ako agad upang hindi ako makita pero nakita parin pala ako "Bulagaaaa! Hehe Hi Tita bang! Ano po ginagawa niya jan?" nagulantang pa ko, panu ba naman ginulat ako

"Sa susunod kase wag mong ipakita yang paa mo kung nagtatago ka" sabi naman ni Ara na kadadating lang

"Hindi kaya!" Pero sa totoo lang hindi ko talaga nausog yung isang paa ko kaya siguro nakita. Bumaling nmn na ako kay quian "At ikaw bata ka magsabi ka kung gusto mong magpunta ng Cr,okay? Tinakot mo ko, baka maligaw ka dito sa school ang laki pa naman"

"Opo tita"

"Kita mo quian, sabi ko sayo diba na baka hanapin ka ng Ate bang tama ako" sabi naman niya sa bata at bumaling sakin "Nahanap ko yan sa labas ng Cr"

"Buti at nakita mo, salamat pala. Pero bakit nasa labas ka? Ano ginagawa mo dito?" I was curious kase Adamson Univ. to tas andito siya

"Kasali ako sa tournament for the neastea beach volleyball eh. Ikaw nga rin ata eh?"

Hindi pa agad nagsisink in yung sinabi niya.. Si-siya? Kasama sa tournament? So it means makakasama ko din siya dun.. What!!?? Lucky me or not? ( ^.^ ay sorry pagkain pala yun.. hahaha tawa naman kayo guys! Support niyo si nyo kase may pinagdadaaanan.. JK! )

Bumalik ako sa katinuan nung may biglang humawak sa kamay ko na napakalambot ng kamay "Tara na Bang, baka hinahap na tayo dun" si Ara pala. Hawak niya si quian sa kabilang kamay na busy pa din kalalaro sa batman niya.

Umupo na ulit kami at siya naman katabi ko na. Hindi ko siya napansin kanina sa signing pero baka nauna din siya kagaya nila Kim at yung ibang student - athlete.

"Hoy parts! Ano yan ha" nguso niya sa kamay ko na hawak pa pala ni Ara.

Wait di ko napansin yun ha! Haha weird

It's You ( BaRa FanFic ) [On HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon