Chapter 6: Young Heart's Cafe

2.4K 45 4
                                    

 Ara’s POV

Kadadating lang naming ni Daks sa dorm galing magmall at magsimba kasama sina Jessey at Riri but I really don’t expect na magkikita din kami ni Bang. And that unexplainable feeling kanina, I don’t even understand myself bakit ko pa siya binigyan ng stuff toy. But I can truly admit… crush ko s’ya, CRUSH KO si Bang. Wala namang masama sa crush dahil humahanga lang din ako sa kanya, sa kagandahan at kabaitan niyang pinapakita lalo na’t magkakasundo kami dahil mahilig din ako sa bata.

Hindi ko napansin na may kumakausap na pala sakin “Hoy Ara! Anu ba? Nakikinig kaba sakin?” sabi ni Cienne sa harap ko at kinakaway pa yung kamay

“Oh anu bay un? Sorry lumilipad na naman isip ko” Totoo naman eh, ng dahil kay… ehem.

“Sabi ko lumabas tayo mamayang gabi, samahan mo kami ni Kambal dun sa favorite coffee shop natin ni Miks. May bagong branch jan daw sa may park at para naman makasama natin tong si Mika na busy kay Kiefer” sabay tingin kay mika na busy na naman sa phone.

“Sige” pagsangayon ko tutal tapos nadin kami magdinner at wala rin akong magawa.

Nang tapos ng magayos ang Kambal at si Mika ay dumiretso na kami dun sa sinabi nilang coffee shop malapit daw sa park. At narealize ko lang kalaunan na eto pala yung park na laging pinupuntahan ko every Saturday.

“Oh Ara, Tara na. Ano tinutungnganga mo jan?” tanong ni Mika.

“Nothing po” sabay lakad papunta sa kanya.

Nang makapasok na kami sa Young Heart's Coffee Shop ay agad na nagorder ang tatlo. Dito kami kadalasang nakatambay kapag gumagawa ng projects or paper works. Eto narin yung nagsisilbing bonding place namin ng bullies kaso nga lang hindi kami kompleto ngayon kase wala si Kimmy ang Carollers.

Habang gumagawa ng paper works ang tatlo ay heto ako nakatungnganga. Kanina pa ako nababagot dito kakainom ng kape habang hinihintay silang matapos. Nang mapagdesisyonan kong maglibot muna sa park.

“Guys lalabas na muna ako, jan lang ako sa park maglilibot”

“Sige” sagot ng Kambal.

“Balik ka dito daks ha” sabi ni Mika na halatang miss agad ako ng daks ko kahit busy kakatype sa laptop niya.

“Opo ma’am” at lumabas na ng Coffee shop.

Habang naglilibot ako ay hindi ko maiwasang mapatingin minsan sa mga taong nasa paligid lalo na yung nagdedate sa gilid. Nakakaingit kase minsan kahit na sinasabi kong hindi ako nagmamadali sa Love eh di kase maiiwasan. Meron akong patience na hintayin ang taong nakatakdang sakin, kahit hindi pa man ngayon. Alam kong dadating din siya sa tamang panahon.

Napadpad ako ulit sa punong lagi kong pinupuntahan. I sit under that tree na nagpakilala sakin  ngayon ng napakamisteryosong tao sa buhay ko. I even don’t know what I’m feeling for her, kung naawa lang ba talaga ako lalo na sa unang pagkikita namin.

Inilibot ko ang tingin sa kalangitan na may makikislap na bituin. At ang buwan na napakaganda. I can always find peace when im here. Matapos kung tignan ang kalangitan ay may isang kapirasong papel na nakakuha ng atensyon ko. Yung papel na nilagay ko dun. Nang makuha ko ay hindi ko inaasahang may ibang nakasulat na pala. I thought pupunta lang siya dito every Saturday pero mali ako.. hehe

“Oh yeah. Thanks for keeping it, I thought nawala ko at sana eh may pagkakataon akong makuha yan para ibalik ko sa fiancé ko. Thanks for being a friend kahit di pa tayo magkakilala and I want you to meet :)) at the right time – Shiela”

It's You ( BaRa FanFic ) [On HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon