Solace

389 11 0
                                    

Nakaupo siya sa isang lumang bankong kahoy, nakatitig sa bughaw na kawalan.

Napakaganda ng lugar. Malapit ito sa isang mababaw na bangin. May isang munting bahay dito na may malawak na bakuran at mayabong na hardin na pumapaligid.

Sa harap nito, sa dakong kanluran ay tanaw mo ang walang hanggang karagatan, at hilera ng bulubudukin at punong evergreen naman sa dakong timog-silangan nito.

Ito ang aking pinapangarap na lugar.

Nakatitig siya sa dagat habang naninigarilyo sa isang pipa. Mukha siyang mas matanda, mas tindig lalaki kaysa sa imaheng nakatatak sa aking memorya.

Doon, sa aking alaala, mistulang labing-tatlong taon gulang lamang siya, mahaba ang buhok na tumatakip sa isang banda ng mata at may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

Ni minsan ay di ko napagtanto na magmumukha siyang ganito katanda, pero kahit ganoon man, may isang di magbago sa kanya, ang mga mata niyang tila may hinahanap at bakas ng kalungkutan.

Ang isang misteryong gusto kong masagot.

Nakatayo ako sa isang tabi, nakatitig sa kanya, pilit na itinatabi sa isang banda ng aking isipan ang mga nakaw na sandali.

Dahil para niyang naramdaman ang aking presensya, dumako ang tingin niya sa aking direksyon. Ngumiti siya sa akin at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Hindi ako nag-alinlangan. Gaano na ba katagal kong hinintay na mapalapit ulit sa kanya?

Umupo ako sa kanyang tabi at dinantay ang ulo ko sa kanyang balikat. Tila wala siyang paki sa aking ginawa at tinuloy ang pag-pipipa.

Isang ngiti ang nabuo sa aking mga labi. Ito talaga ang nais ko noon pa, ang maging mas malapit pa kami.

Sa ilang oras na nagdaan nanatili kaming ganito, pinagmamasdan ang alon ng dagat at ang paggalaw ng ulap sa bughaw na kalangitan. Kung minsan ay nagkakapalitan kami ng buntonghininga pero karaniwan ay nanatili kaming tahimik sa aming pinagsasaluhang kapayapaan.

Noon naman ay biglaan na lamang may ibon na lumipad sa kalangitan. Maaaring isa itong kalapati dahil purong puti ito at may maliit na tuka ngunit mas malaki ito kaysa sa anong kalapati na aking nakita at mataas rin ang lipad nito.

Itinaas ko ang kaliwa kong kamay sa langit, parang nais maabot ang ibon.

"Ang ibon ba ang nais mong makuha o ang langit ang nais mong mahawakan?" Tanong niya sa akin. At kahit di ako lumingon sa kanya at ramdam ko ang ngiti niya sa akin.

"Pareho." Tugon ko ng lumingon ako sa kanya at ngumiti. Isang ngiti na tangin sa kanya ko lamang naibibigay.

Tumayo siya pagkatapos ay inalalayan rin akong tumayo ng hindi iniiwan ang titig namin sa isa't-isa. At parang tumaon naman ay may tumugtog na musika kung saan.

Niyaya niya akong sumayaw at pumayag naman ako. Doon ay sinayaw namin ang waltz, imiindayog ng paikot-ikot, kaliwa't-kanan sa may bakuran habang pawala na ang araw sa aming paligid. At nang tuluyan ng nanakit ang aming mga binti ay bumalik na kami sa aming pagkakaupo.

"Alam mo bang mahal kita?" Sambit ko habang makatingin sa bilugan at malalim niyang mga mata.

Hindi ko malaman kong ano ang nagtulak sa akin para sabihin ito. Maaaring dahil sa sobrang kagalakan na nararamdaman ko pero isa lamang ang natitiyak ko, ang sinambit ko ay totoo.

Nakatitig lamang siya sa akin kaya pinagpatuloy ko ang aking sinasabi.

"Malamang nasabi ko na ito sa iyo noon pero alam kong inisip mo na isa lamang iyon sa mga walang katuturang pag-amin na ginagawa natin mga kabataan noong nasa Sekondarya tayo."

Solace - Tagalog VersionWhere stories live. Discover now