Chapter 03: The Visit

15.4K 470 39
                                    

Chapter 03: The Visit

Hindi na nahanap pa ni Georgia ang dalawa matapos niyang ubusin ang mga pagkain. Siguro'y pumunta na sa sikreto nilang lugar. Ganoon naman talaga ang mga bida sa kwento, nagmomoment pagkatapos umepal ng Empress. Nakakairita, mukha ngang siya ang kontrabida dito.

Fuck, she's just like this. Dinadaan niya lang sa tawa ang lahat pero ang totoo'y nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang magkasama o masaya ang dalawa. Hindi madaling mawala ang feelings, at totoo ang pagmamahal niya sa Emperador kaya pilit niyang iniintindi ang lahat. Pero ang sakit-sakit na, napakasakit.

Gayunpaman, hindi pa siya pwedeng huminto. Hangga't hindi pa gumagana ang kaniyang plano at hangga't napipikon niya ang Emperador ay hindi siya susuko. Hindi nga pwedeng siya lang ang agrabyado, dapat patas lang ang lahat dito. This is when fairness starts. Everybody should feel the same frustration and pain as hers.

Kinabukasan, nagsumbong si Flavio na nasa garden daw ang dalawa. Ito na yata ang pinaka-chismosong noble na nakilala niya. Kaya naman agad siyang pumunta roon upang ano pa ba— sirain ang moment ng dalawa. Ngunit ang araw niya ang nasira nang makitang masayang naglalakad ang dalawa sa gitna ng hardin na namumulaklak. A perfect time for romance, for romantic scene. Pero hindi niya 'yon hahayaang mangyari.

At dahil nga demonyita siya ay lumapit siya sa isang katulong na nagdidilig upang hingiin ang water hose nitong hawak. "It's my time to shine." Bulong niya.

"Hey, give me that." Sabi niya sa isang servant na nagdidilig.

"Po?" Nalilito namang sagot niyong babae. "Kamahalan."

"Dali, ako ang magdidilig." Sabi niya at inagaw ang water hose.

Ngunit nakipag-agawan pa ang ang katulong. "P-pero hindi po kayo pwede! Mapapagalitan po ako."

Pinadilatan niya ito. "Bakit hindi? 'Pag may magalit sa'yo isumbong mo sa'kin. Akin na, bilis!" Sabi niya at muling inagaw ang water hose.

"Kamahalan—" nanginginig na sabi niyong katulong habang nakatingin sa kaniyang likod. Wala siyang pakialam kung sino ang nasa likod, ang gusto niya lang ay magpabida. Magdidilig siya ng mga halaman para makita ng Emperador na kunwari ay masikap siya mga gawain. Ngunit hindi ganoon ang nangyari.

"Akin na sabi!" Sabi niya at agresibong inagaw ang water hose kaya naman tila nag-shower ang tubig nito at kumalat sa hardin. Nabasa siya, ngunit hindi siya ang pinakanabasa— kundi ang taong naglalakad sa kaniyang likuran.

Tumalsik na nga ang tubig at nabasa ang Emperador. Supposedly ang concubine sana pero sinalag ng Emperor kaya ito ang nabasa. Nang lingunin niya ang dalawa ay namumula pa ang concubine habang hawak ng Emperador. Habang ang Emperador naman ay matalim na nakatitig kay Georgia.

"Wow, edi wow." Sabi niya at umirap. "Ang sakit niyo sa mata, deserve niyo 'yan."

Nang dahil pa sa kaniya ay nagka moment ang dalawa. Hanep na buhay nga naman, nakakainis. Tila ba wala namang kabuluhan ang ginagawa niya at palpak lang ang inaabot niya. So this is how villains feels. Ganito pala ang pakiramdam ng mga kontrabida sa pelikula kaya nagagawa nila ang mga bagay na 'di dapat.

"Ops, sorry." Sabi n'ya at ibinaba ang water hose. "My false?"

"What the heck on earth are you doing?" Sigaw ng Emperador. "Kaaga-aga, Georgia."

Taming The Emperor (Dark Noble Trilogy, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon