Chapter 05: Horsebackriding

14.7K 483 46
                                    

Chapter 05: Horsebackriding

Talaga namang mapilit si Georgia dahil walang nagawa ang Emperador sa kaniyang kagustuhan. Paano ba naman ay ipinadala na ni Georgia ang kaniyang kabayo sa Astoria, susunod na lang siya. Pinilit niya iyong concubine na sumama at sa kasamaang palad ay pumayag ito, kaya naman ngayon ay pagod na siyang naglalakad patungo sa field upang sumakay sa kabayo.

Nasa Astoria na sila, ang hometown kuno niyong concubine pero wala namang pumapansin rito. Para nga itong dayo eh, mas nagmukha pa siyang tagaroon dahil sa hindi mahinto niyang pagputak sa mga lalaking guide.

"Sino'ng pinakamagandang kabayo na pwedeng gamitin?" Tanong niya sa isang guide.

"Si Oring po, iyong kabayong itim. Maganda rin 'yong gamitin." Sagot ng lalaking guide.

"Pwede sa concubine? Hindi ba masyadong malikot o agresibo? Kailangan ko 'yong pinakamabait." Sabi niya.

Tumango-tango iyong lalaki. "Opo, kamahalan. Mabait po si Oring, siya ang pinakamabait na kabayo rito."

Pumalakpak pa si Georgia sa tuwa, "perfect!" Bulalas niya.

Napapaganda na ang usapan niya at ng guide nang biglang siyang tinawag ng Emperador.

"Georgia!" Tawag niyo habang nakakunot ang noo. Galit na naman ang impakto. Pinaglihi ba 'to sa ano at palagi na lang salubong ang kilay at mataas ang boses? Hindi ba nito alam ang word na kalma? O sa kaniya lang talaga ito highblood?

"Yes, your majesty?" Nakangiti niyang sagot.

"Your majesty?" Bigla ay tanong nito.

Tuloy ay nalito si Georgia dahil sa reaksyon niyo. Ano ba talagang problema ng isang 'to? Paniguradong puputok ang butsi nito kapag tinawag itong Alaric o Demetrius. Ang dami talaga problema ng Emperador at siya ang number one doon.

Hindi na lamang ito pinansin ni Georgia at sa halip ay itinuon ang atensyon sa concubine. "Ano? Hindi ka pa naman gutom?"

Umiling-iling iyong concubine. "Hindi po, kamahalan."

"Don't worry, nagdala ako ng baon mo saka tubig para 'wag kang magutom." Sabi niya at itinuro ang bag ng kasama niyang katulong. "Sa'yo lahat 'yon, h'wag kang mahihiya."

"Ikaw po?" Nahihiya nitong tanong.

"Ah, 'wag kang mag-alala sa'kin. Kaya ko ang sarili ko." Mayabang niyang sagot at kumindat pa. "Baka ako na 'to."

"I brought foods." Biglang singit ng Emperor.

Georgia rolled her eyes. E 'di wow, magaling. "Good, edi mas lalong hindi kayo magugutom." Sabi niya.

"I brought food for you." Tila napipikon na sabi nito.

Huminga ng malalim si Georgia. Kapag nagsalita pa siya laban sa Emperador paniguradong maglalabas na ito ng espada kaya naman siya na ang nag-adjust.

"Ay, salamat habibi!" Malawak ang ngiti niyang sabi. Hindi na lang siya pinansin ng Emperador at dire-diretso itong naglakad papunta sa silungan ng mga kabayo.

Nang marating nila ang lugar ay hindi nag-aksaya ng panahon si Georgia. Masaya niyang binati ang kaniyang kabayong brown, si Bukirin.

"Bukirin!" Bulalas niya at niyakap ang kabayo. "I missed you! I'm so glad you're safe! Handa ka na ba for this day, Bukirin?" Excited niyang tanong.

Paglingon niya sa Emperador ay ganoon na lamang katalim ang tingin nito sa kaniya. Umirap na lamang siya at walang hirap na sumakay sa kabayo. She's been riding a horse eversince she was a kid, bata pa lamang ay tinuruan na siya at favorite sport niya rin 'to kaya naman excited talaga siya.

Taming The Emperor (Dark Noble Trilogy, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon