Chapter 17: Cuffed

17.6K 517 99
                                    

Chapter 17: Cuffed

She's back, finally. Nakabalik na si Georgia sa Imperyo ng mga Caesar kasama ang dalawa niyang kaibigan. They said they're going to see what they can do to help her. Maaasahan talaga ang dalawang 'to dahil kapag nagkakaproblema noon si Georgia, gaano man kabigat ay hindi nag-aalinlangan ang dalawa upang tulungan siya.

Pagkabalik niya sa Imperyo ay hindi siya sinalubong ng Emperador as usual. Kailan pa ba siya naging mahalaga dito upang pagtapunan ng oras, ni hindi nga siya nito lingunin. He's probably having a good time with the concubine now. Pero legit ba? Kahit na nawalan na ng bisa ang gayuma ay magkasama pa rin ang dalawa? Aba'y nagmamahalan na yata sila kung ganoon, ang sakit naman noon para kay Georgia.

Iwinaksi ni Georgia ang kaisipan na 'yon. Kahit na gusto niya nang makipaghiwalay ay masakit pa rin ito sa kaniya dahil totoong iniibig niya ang Emperador. Nagmahal siya ng maling tao sa maling oras at maling panahon. Everything feels so wrong and this isn't healthy anymore so Georgia is going to escape him now.

Inilibot ni Georgia ang dalawa sa palasyo. The vast palace is totally different from the Amata empire, mas malaki nga ang Caesar empire at nakakapagod maglibot. Kaya naman nang dumating ang takipsilim ay sumuko na si Georgia sa paglilibot. She took her friends to their respective rooms. It's in a different pavilion, mahirap na at baka kung ano'ng isipin ng Emperador kahit na wala itong pakialam sa kaniya.

"It's been a tiring day, both of you should go to sleep." Sabi ni Georgia sa dalawa pagkarating nila sa pavilion kung saan ang mga ito magpapahinga.

"You too, Georgia." Masiglang sagot ni Lord Luthor.

Lord Luthor was about to give her a good night kiss dahil iyon ang nakasanayan nila mula noon pa ngunit huminto ito sa ere nang ma-realize na hindi na sila katulad ng dati.

"I," hindi maipaliwanag ni Georgia ang sasabihin at gagawin. Sa pagkakataon na iyon ay nakaramdam na siya ng kaba, hindi naman iyon natuloy ngunit parang gumagawa siya ng isang malaking kasalanan sa Emperador.

Umatras si Lord Luthor. "Oh sorry, hindi na nga pala tayo tulad ng dati."

"I'm sorry, Lord Luthor." Nakayukong sabi ni Georgia.

Ngumiti na lamang si Lord Luthor. "I'll be going now then. I'll check the emperor tomorrow. Good night."

Ngumiti si Georgia pabalik at tumango. "Good night."

Tumikhim naman si Lord Malca kaya naagaw ang atensyon ni Georgia. "I'll do what I can to realize your divorce, okay? Just hold on for now, I'll do what I can to help you."

"Thank you, my Lord. Good night." Sagot ni Georgia at ngumiti.

"Your majesty," tawag ni Lord Malca.

Huminga ng malalim si Georgia. "Lord Malca, you should go to sleep too!"

"It saddens me too."

"Hm?"

Lord Malca patted her head. "We can't kiss you good night now."

Natigalgal si Georgia, hindi alam kung anong gagawin. Tunay ngang marami nang nagbago at may mga bagay na kahit balikan mo ay hindi mo na dapat pang ulitin.

"Good night, Lord Malca." Sa halip ay paalam ni Georgia.

Ngumiti si Lord Malca. "Good night." Sabi nito at tuluyan nang pumasok sa pavilion upang magpahinga.

Nang masigurong nasa loob na ang dalawa ay bumalik na rin si Georgia sa kaniyang silid upang magpahinga. The atmosphere is not good, para siyang hindi makahinga. It feels like there's a demon strolling around her room and it's suffocating her. Gayong napakatahimik at parang walang tao sa kaniyang pavilion, pakiramdam niya'y may nagmamasid sa kaniya. Who could it be? It's creeping her out.

Taming The Emperor (Dark Noble Trilogy, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon