V

81 13 0
                                    

Dumating na nga ang araw ng Todos Los Santos.
Sa kalsada ng San Diego ay panay nang nagsisilabasan ang mga sepultorerong naghuhukay.
Ihanda na ang mga pala at kalaykay pagkat sasalakay tayo ngayong araw ng mga patay.
Ito na naman si Crisostomo Ibarra na naka itim ang kulay dahil oras na upang dalawin ang kanyang mahal sa buhay.
Ngunit nang malaman ang masamang balita ay bigla na lang tinamlay.
Hindi na tuloy makausap ng malumanay,
Inaalala at hinahanap ang amang kanyang pakay kaya't hindi makapag nilay-nilay.
Walang kamalay-malay na napabayaan na pala ang bangkay.
Kahit maghugas-kamay, ang kurang may sala ay malabong hindi matamaan sa ganitong palagay.

Binabalaan na nga tayo ng bagyo ngunit hindi pa rin tayo nagbabago.
Talagang sa buhay ng tao, kahit gaano pa kabuti ang puso,
Basta't uminit na ang ulo't dugo,
Kabaitan nito'y maglalaho at maguudyok ng puro pagtatalo.
Mapa-padre Garote o sa anumang alyas natin itago, ang sala ni Padre Damaso ay hinding hindi natin malilimot.
Teka, ano na nga bang nangyayari rito?
Ang batas ng mga prayle ang siyang nasusunod subalit sila lamang ay mga dayo.
Samantalang ang mga Pilipino ay nananatiling inaabuso.

Isa sa mga sakit nating hindi mawala-wala ay ang panghuhusga sa kapwa.
Ugaling nakakahawa, yung tipong kapag bumulong ka sa isa ay lalayuan ka na ng iba.
Mas binibigyang pansin ang pananalita kaysa sa tunay na gawa.
Mabuti pa si ibarra, magandang ugali pa rin ang laging pinakikita kahit sa pagkakataong wala na sa kanyang nakakakilala.
Eto na naman tayo sa salitang "pag-galang" na hindi maunawaan ng karamihan.
Kay Pilosopo Tasyo na akala nila'y hindi pangkaraniwan ang isipan.
Pilosopo man o baliw,
Mga pangitain niya'y walang maliw.
Ang iba'y kinakatakutan ang kanyang mga salita habang ang ilan lamang ay naaliw.

Noli Me Tangere ni Jose Rizal (A Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon