Chapter Four

0 0 0
                                    

Those moments kept me awake last nights. The way Prime grey hug me, felt like there's something on it. It felt like he missed or long for someone? or sa akin? Ano ba ang relasyon talaga namin? kung boyfriend ko siya edi sana sinabi niya diba? or dapat nandoon siya nung nagising ako. Kaya nga hinuha ko wala akong boyfriend kasi kung meron edi sana may bumisita o umagapay sa akin nuong panahong litong-lito ako.

"Yellena?" tawag ni mommy ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Are you okay sweetie?" malambing na tanong nito.

"Oh.. yeah, may naisip lang," nakangiti kong namang tugon.

Sumama ako sa Rescue Center niya para tumulong sana at makapagbond kami pero heto ako kung ano-anong pumapasok sa isip.

"You can rest if you're tired na. tatapusin ko lang ang pagpapakain then we'll eat our lunch, nag order na ako," sabi ulit nito na kinukuha ang na scope kong dog food na nakalagay sa iba't-ibang lagayan.

"Nah, I'm fine.. tatapusin ko rin to para makakain na ang mga puppies," tipid akong ngumiti and she thank me before giving me a peck on the cheek.

I'm happy na nagkasama kami ni Mommy. Alam ko kasing puro pag aalala na lang ang naibigay ko sa kanya nitong huling mga linggo. Minsan awkward pa rin ako sa kanya dahil nga sa pagkatanda ko ay hindi naman kami gaano kaclose pero sa tagal ay nasanay na rin ako. Hindi niya rin naman ako pinipilit sa kung anong gusto kong gawin or baka kasi she's also deeming my condition.

Hindi ko alam pero siguro nga at nagmature rin ako, I can feel it on me. Ayoko ko na ng masyadong maingay minsan at nagiging concious na rin ako sa mga kalat ko. Like naalala ko, wala akong pakialam kong hindi ko malagay sa basurahan ang mga basura ko at wala akong pakialam kong saan ko malagay ang mga gamit ko pero ngayon inaayos ko na ito by colors ng hindi ko man lang napapansin at sinisiguradong nakatapon na ang basura ko na hindi pa puno ang trash can. It shock me sometimes, kung may ginagawa ako na taliwas sa naaalala ko.

I focus myself sa paglalagay ng dog food sa mga stainless na kainan. I saw those dogs and cats na nirescue nila ni mom and it broke my heart. Ang iba bali ang paa, and iba naman wala ng mga balahibo dahil sa abusong dinanas nila. May mga kittens din na sobrang payat dahil pinabayaan at tinapon lang sa basurahan. I know that having a pets is a big responsibilities but sadly kunti lang talaga ang nagmamahal ng buo sa mga hayop dito sa pilipinas lalo na ng mga aso. Some just take care of them to be a guard on their house at night. Kung mapakain lang nila at ikadena sa isang maliit na tulugan ay ok na basta may tumahol lang kung may ibang tao. Ang iba naman ay namimili ng aalagaan. They bought thousands worth of different international dog breeds to take care kasi mas cute daw kaysa sa mga local dogs. They treated it more of luxury than pets, mas mahal mas maganda.

Kwento ni mommy this is the reason why she pursue veterinary dahil gusto niyang magpatayo ng center para sa mga domesticated animals na napapabayaan. Our laws about animal welfare ay hindi din talaga masyadong nasusunod kaya nga pati endangered species ay hindi napo-protektahan ng maayos. Kaya nga lang wala kaming alagang hayop sa bahay ay apat talaga kami ni daddy na malala ang alergies sa balahibo or any pollen. To think that mom postponed this dream of hers to take care of us is eating me up with guilt of how I use to rebel against her when I was a teenager.

"Mom?" I called her ng ako na mismo ang naghatid ng mga dog food sa dog shelter kng nasaan siya. She's petting one of the dogs na sobrang payat habang kumakain.

"Yellena! don't come in here, your allergy!" natataranta niyang sabi ng makita ako sa pintuan.

"It's fine, dito lang ako sa pintuan--" at hindi ko na nga napigilang mabahing.

"Go sa office love.. tapos nako hintayin mo ako dun, magbibihis lang ako," sabi nito ng kinuha sa akin ang dalawang kainan ng aso.

Agad naman akong tumalima pagkasabi niya dahil nag aalala na naman ito. Nakakabwisit naman kasi ang allergy na to!

Unforgotten FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon