"Kuya..." Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Khalid na hindi manlang pinansin ang kapatid nya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil parang anumang segundo ay babagsak na ako dahil sa takot at kung paano ang pagkakatitig nya saakin.
"So this is the reason why you're so eager to go home, hmm?" Walang emosyong tanong nya habang hindi inaalis ang titig saakin hanggang sa bumaba ang tingin nya sa batang buhat buhat ko.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha nya at kumunot ang noo. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nya pero guni-guni ko lang siguro iyon. Bakit naman sya masasaktan, diba?
"Kuya, what are you doing here?" Nagulat ako sa pagseseryoso ng boses ni Khaster.
"What are you doing here?" Balik-tanong nya sa kapatid nya. Dahan-dahan akong humakbang para magtago sa likod ni Khaster pero agad na tumigil nang sabay silang tumingin saakin kaya no choice ako kung hindi ang hawakan ang kamay ni Khaster kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.
Naramdaman ko ang mahinang pag-atras ni Khaster dahil sa gulat kaya naman nagmulat ako ng mata. Kahit anong iwas ko sa mata ni Khalid ay ramdam ko ang mariin nyang titig saakin.
Nagtaas ako ng tingin kay Khaster at nanlalaki ang mga mata nya habang nakatitig saakin. Ngumuso ako sakanya na parang pinapahiwatig kong wag na syang umangal at sumakay nalang. Hindi pwedeng malaman ni Khalid ang tungkol kay Khalil. Ayos na 'to para isipin nyang kay Khaster ang anak ko.
"Pakipasok sa kwarto si Khalil..." Bulong ko kay Khaster at wala sa sariling tumango sya at kinuha saakin ang anak ko at naglakad papasok sa kwarto ko.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil kaming dalawa nalang ni Khalid dito at sobrang riin ng pagkakatitig nya sa'kin kaya hindi ko magawang tumingin sakanya.
Tumikhim ako at tinapangan ang sarili tsaka ako tumingin ng deretso sakanya. "Is this the reason why you're so eager to go home?" He emotionless asked me.
"Oo," Matapang na sagot ko sakanya. His fist clenched. Napalunok ako ng maglakad sya palapit saakin. Bawat hakbang nya ay ramdam ko ang bigat no'n.
"You're such a gold digger, huh? My brother, really?" Before I could stop myself, I already slapped him. Tumagilid ang mukha nya at bumakat ang kamay ko roon sa pisngi nyang namumula.
"Wala kang karapatang insultuhin ako. Gold digger? Isaksak mo yang mga kaymanan nyo sa baga mo! Hindi ko kailangan 'yan!" Mariin akong napalunok kasabay ng pamamasa ng mata ko.
"Hindi ako katulad nyang iniisip mo! Hindi ko nilalandi ang kapatid mo! Wala akong pakelam sa pera nyo!" Pinaghahampas ko ang dibdib nya ngunit mabilis nyang nahuli ang mga kamay ko kaya napatigil ako sa paghampas sakanya. "Umalis ka na! Umalis ka na..." Napaluhod ako at napahagulgol nalang sa sakit.
Hindi ko inakalang ganoon ang iniisip nya saakin... Na masasabi nya saakin ang mga bagay na iyon. "Umalis ka na, please..." Pagmamakaawa ko habang umiiyak.
"Kuya, just leave, please," Khaster help me to get up from kneeling. Nanlambot ang mga tuhod ko at babagsak na ulit nang mahawakan agad ni Khaster ang kamay ko at hinapit ang bewang ko.
Bumaba ang tingin ni Khalid sa kamay ng kapatid nya na nasa bewang ko at matalim na tumitig roon at biglang ngumisi.
"I can't believe you have a child with that woman. Just... What the fuck." With that, he glanced at me for the last time before glancing to the door where my room is and left my apartment.
YOU ARE READING
After Contract (La Cordova Series #1)
RomansNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #1 She signed a contract not knowing that it was a marriage contract. One year being marr...