Author's Note:
Naomi's picture on multimedia
Naomi's pov!
"Ms.Reyes ,are you with us?"humalikipkip ako at naiinip na tumingin sakaniya .
" bakit picture lang ba itong nakikita niyo Ma'am?" inosente kong tanong,hindi ko alam na may guro din palang bobo noh?.
"aba't sumasagot ka pang bata ka!" napatawa ako ng mahina ,kahit kaylan talaga si ma'am lagi siyang nag papatawa ,parang pang kinder ang mga tanong niya .namumula na ngayon siya sa inis .
" eh ayoko naman pong maging bastos kasi tinatanong niyo PO ako ma'am syempre sasagot ako " nakangiti kong sagot.
"Argh you get out of my class!"
"wow sure,thank you ma'am panot bye" masaya kong kinuha ang mga gamit ko saka lumabas sa mabahong classroom na iyon .
"Ms.Reyes saan ka pupunta!!" rinig ko pang sigaw niya ,ang matandang iyon nag tuturo pa may edad nadin naman .pinapalabas niya ako sa classroom tapos tatanungin niya kung saan ako pupunta? .
private school panaman ito,matalino panga ako sa mga teacher dito eh .
"saan ka pupunta?hindi pa tapos ang klase ninyo ineng,nag cutting kaba?"
"aba'y hindi po ako nag cutting manong guard ,pinalabas po kasi ako ng teacher ko" nakangiti kong saad .kumunot ang noo niya .
"pwede bang palabasin niyo na ako manong guard?hehe"pilit akong ngumiti ,kainis!nakakangawit kayang ngumiti .
"aba't hindi pwede ang nais mo iha ,baka matanggal pa ako sa traba--"
"k fine!,btw mag kupya ka manong mashadong kumikintab ang ulo mo "
tinalikuran ko siya,hindi naman pala ako papalabasin kung ano ano pa sinasabi .bagsak ang balikat ko habang nag lalakad .napahinto ako ng maalala na may bakod nga pala sa likod ng skwelahan na ito .nakangiti akong nag lakad papunta doon .
*kapag gusto may paraan*
at ang gusto ko ngayon ay ang maka alis sa loob ng paaralan na ito .sayang ang mga ibinabayad ng mga studyante sa tuition fee .kuripot ang may ari nito ni hindi manlang binaguhan ang pintura .mas maganda panga yata ang public school dito eh .
nakararing na ako ,tinantiya ko ang laki nito .pero dahil dyosa ako basic lang saakin ang pag ukyat sa mga bakod .
*isa akong dyosa,dyosang walang arte HAHAHA*
mukang kakaylanganin ko ang ninja moves,mabuti nalang at mahilig akong manood non .atleast may natutunan pa ako diba .
hinagis ko papunta sa labas yung bag ko na wala namang laman .ay meron pala .yung sumbrero ko .
maingat ko itong inukyatan saka tumalon ,inihanda ko ang sarili ko sa pag bagsak .ginawa kong panangga ang kamay ko sa buhangin .
"spiderman style" natawa ako sa sarili ko .medyo may kwenta naman pala ang panonood ko ng spiderman .
umayos ako ng tayo saka pinagpagan ang palda ko ,mabuti nalang pala at naka short ako .hinubad ko ang palda at blouse ko saka inilagay sa loob ng bag .nakasuot naman kasi ako ng t shirt .
sinuoot ko ang sumbrero saka isinakbit sa balikat ang aking bag .
nag lakad na ako paalis .
tumingin ako sa relo ko ,2 :00 p.m palang .mamayang 5:00 p.m pa ang uwian namin at mashado pang maaga para umuwi .
YOU ARE READING
That Crazy Girl in Section Dangerous
Teen FictionI am Naomi Venice Reyes ,The girl who will destroy your happiness Date Started April 01,2022