First aid kit. Nireplayan ko si Donna nang magmensahe siya sa akin ilang minuto pagka-uwi ko ng bahay. Ang kulit ng babae na yun. Agad kong binuksan yung parcel at nakita ko yung complete set ng medicine kit.
Hinipo ko yung sugat ko sa tuhod na tinakpan ko lang ng band-aid. Pinikas ko yung band-aid mula sa sugat ko. Pinalitan ko ito ng malapad na bandage para hindi siya dapunan ng kahit anong insekto na nagdadala ng dumi o di kaya ay panangga mula sa dumi sa labas. Mahilig pa naman akong magsuot ng hanggang tuhod na maong.
Anim na araw kong hinintay ang lalaki sa convenience store. Gusto ko sanang personal na magpasalamat sa kanya para sa binigay niya sa akin. Kung nakonsensya man siya ay salamat nalang at may konsensya pala siya.
Naghintay talaga ako. Pero hindi siya bumisita sa convenience store ng anim na araw na yun. Sa sumunod na araw ay dumalaw na naman ako sa kada Linggo kong trabaho sa mansyon ni Lola Gracia. Wala daw ang matanda sabi ni Aling Lupe dahil may pinuntahan daw ito na kaibigan. Nilinisan ko ang kwarto ni Lola Gracia. Sunod ko na nilinisan ay yung library. Pagpasok ko sa loob ay maraming papel ang nagkalat sa study table. Nagtaka ako dahil dati ay wala naman akong nakitang mga papel na nagkalat sa malapad na lamesa na yun.
Usually kasi ay hindi naman ako palaging naglilinis ng library dahil minsan ay malinis na yun. Nakakapagtaka lang. Kunot-noo akong lumapit sa study table habang may hawak na mop. Yung sahig lang ang lilinisin ko pero dahil may mga papel ay dinampot ko nalang yun at sinalansan isa-isa. Hindi ko lang binasa kung ano ang mga laman ng papel. Pero may nakita akong graphic lines. Hindi ko alam kung para sa'n yun?
May papel na nahulog sa sahig dahil sa hangin ng na nanggaling sa bintana. Dinampot ko yun. Hindi ko nakaligtaan ang isang pamilyar na pangalan na nasa papel. Malaki ang letra na yun at pamilyar siya.
"Phoebian?" Mas lalo akong nagtaka dahil sa mga sumunod na papel na nakasulat ay may pangalan na Phoebian.
Nasa malalim ako ng pagtataka ko na hindi ko namalayan na may humugot yun mula sa kamay ko. Napasinghap ako sa gulat. Umurong ang sigaw mula sa bibig ko dahil sa pagkagulat at hindi ako agad nakapag-react nang mabilis niyang hinuli ang braso ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang maiangat ko ang tingin ko.
"Ikaw?" Bulong ko nang hindi ko mapigilan.
"Ikaw? Why are you here? Siguro magnanakaw ka ano?" Paratang niya sa akin. Mabilis akong umiling. Inosente ako. Kahit ilang salapi o ginto man ang ihain sa harap ko ay hindi ko magagawang angkinin. Hindi ako ganun na tao. Kaya nga marangal na trabaho ang pinili ko dahil ayaw kong maging ayaw ng lipunan.
"H-Hindi po ako magnanakaw. N-Nandito lang naman po ako para magtrabaho." Senseridad kong sagot. Kahit nagtataka ako kung ano ang ginagawa ng lalaki nito sa bahay ni Lola Gracia ay hindi ko nalang iisipin. Ang importante sa akin ay hindi ako paratangan na magnanakaw dahil hindi ko ugaling magnakaw ng hindi akin.
Nag-isang linya ang kanyang kilay. "Work? In our house? Diba nasa convenience store ka? Sorry miss but I'm not going to buy your lies. A lot of thieves are very good on lying so don't —"
"Hindi naman po talaga ako magnanakaw! Nandito lang naman po ako para magtrabaho!"
"—make me believe you're innocent because you're not! At sinisigawan mo ako huh! Nana Lupe! Nana Lupe!" Sigaw niya.
Tinawag pa niya si Aling Lupe. Pilit kong kinakalag ang hawak niya sa akin pero tila bakal ang kanyang kamay. Hindi ko siya mapantayan ng lakas. Hindi ako makatakas mula sa kanya. Nagpumiglas ako.
Dinuro niya ako gamit ang hintuturo niya. "You woman! Stop moving or else I'll call the police!" Pagbabanta niya. Tinabing ko ang hintuturo niya. Siya palang ang gumawa sa akin. Kahit yung tatay ko ay hindi ako pinanduruhan kahit nagkakamali ako. Ang lakas ng loob niyang gawin sa akin yun.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...