10

17.9K 216 4
                                    

KABADO PA rin ako sa sinabi ni James sa 'kin. Bawat segundo yata ay palala nang palala ang pagkakaba ko. Ang aga naman para kasi talagang ipaalam na sa kanila? Tyaka, sasabihin din ba niya na buntis ako?

Shit. I don't want that dream to came true.

"Baby."

Napalingon ako sa kaniya sa gulat, nakalagay ang isang kamay sa dibdib ko at nanlalaki ang mata.

Napatawa siya sa naging reaksyon ko. "Ang o.a. naman ng baby ko, ang rahan na nga ng pagkakatawag, eh. Ano na naman ba iniisip mo? Hmm?"

Yinakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang baba sa balikat ko. Nandito kami ngayon sa balkonahe, sobrang layo kasi ng iniisip ko, kailangan ko ng pampakalma kahit papapaano. Lalo na't hindi lang ang sarili ko ang nasa katawan ko, pati na din ang anak ko.

"Kinakabahan lang ako," i said honestly.

"I told you, didn't i? Huwag kang kabahan dahil wala namang magagalit, walang mawawala sa 'tin. Walang-wala. Isipin mo na lang na para din 'to sa kapakanan ng baby na 'tin, Gaze. Gusto mo bang magtago na lang tayo habangbuhay? Hindi 'di ba? Just trust me, baby, wala kang ibang gagawin kundi ang magtiwala sa 'kin. Just go with the flow and i'll do the rest, hmm?"

Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa magandang tanawin. Bakit ba kasi parang ang dali lang para sa kaniya ang ganitong nangyayari? Sobrang naguguluhan na talaga ako. Gulong-gulo.

We stayed hugging each other while staring at the beautiful scenery in front of us. Maraming puno ng niyog malapit sa dalampasigan, ang hindi kalakasang lakas ng alon, pati na rin ang napakasarap sa pandinig na huni ng mga ibon.

Paradise. Ayan lang ang masasabi ko.

"Jame—"

"Daddy."

"Huh?"

"Call me daddy, baby.."

Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay alam kong nakangisi ito.

Pabiro ko siyang hinampas sa braso niya at humilig sa kaniya. "Sana, ganito kapeaceful ang buhay natin. 'Yung wala bang manggugulo? Simple at payapa lang. Pero, alam ko namang hindi mangyayari 'yon. Napakakumplikado kasi ng lahat, 'di ba? If only i.."

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ng marining itong bumuntong hininga at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Hindi siya nagsasalita pero nararamdaman ko ang pagcomfort nito sa 'kin. Kahit napakaliit na bagay talaga, kayang-kaya niya akong pakalamahin.

"Gusto mong lumabas tayo? Ever since na magstay tayo sa bahay na 'to ay hindi man lang tayo nakakagala."

Tumango ako sa kaniya kaya naman ay hinigit niya ako palabas ng kuwarto namin. Pagbaba namin ng hagdan ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Katahimikan.

Parang may dumaan na anghel sa harap namin dahil sa sobrang tahimik. Wala ni isa mang nagsasalita, pare-parehas nagulat sa nangyayari ngayon.

Tumikhim si James kaya naman nawala ang kakaibang tensyon sa paligid. Napanganga ako ng ngumiti si Tita Lorie sa 'kin! Hindi ito nanglalait o ano pa man, nakakagaan sa pakiramdam ang mga ngiti niya. At nakakapagtaka kung bakit ganito? Parang wala lang?

"This is really.. unexpected. Akala ko mamaya pa kayo dadating. We were about to go somewhere," si James habang nakangiti sa kanila. "But since you two are already here, i-discuss na natin ang kailangan i-discuss."

Nagpatianod ako sa kaniya ng higitin niya ako paupo sa couch sa harap nina Tita Lorie at Luna. Parehas silang malalaki ang ngiti sa 'min, kaya naman nagpilit na din ako ng ngiti sa kanila. Ang gulo-gulo.

Her Bestfriend's Daddy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon