MISSION 17: CAUGHT

31 9 4
                                    

17: Caught

Guine's POV

Kadarating ko lang dito sa lugar na sinabi ni Ainee kung nasaan ang Miyazaki hideout. Nandito ako sa loob ng sasakyan ko at pinagma-masdan ang buong paligid, napaka kalat at ang ibang kabahayan ay sira-sira na animong dinaanan ng bagyo, may mga tao naman pero ang sasama ng aura at halatang mga sanay sa pakikipag laban. Napabuntong hininga ako dahil baka kapag lumabas ako ng sasakyan ko ay walang alinlangan nila akong susugurin.

Napasulyap ako sa binigay na mga litrato ni Ainee. Ang sabi niya ay Ito daw ang mga miyembro ng Miyazaki at kaya ako nandito dahil hihintayin ko silang makaalis, honestly kanina pa akong 8:00 AM dito pero wala pa'rin akong nakikita kahit Isa man lang sa mga miyembro nila.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot. "Hello," aniya ko.

[Any updates?] Tanong ni Ainee mula sa kabilang linya.

"Wala--" sagot ko sana pero naputol iyon nang pamilyar na mukha ang nalingunan ko sa di kalayuan na kakalabas palang ng eskinita. "Ohh! There! I saw the girl named Lhairra, kakaalis lang niya and followed by Akhira." Sabi ko habang nakaturo sa papalayong kotse ng dalawa.

[And?] tanong pa niya.

"And?.. wala na sila palang dalawa ang nakakaalis," sagot ko at sumandal.

[watch them all, see if Akhira comes back and tell us especially Kelsea. Keep an eye on her.] mariing sabi niya bago pinutol ang linya.

And that's the reason why I'm here. Binigyan kami ni Ainee ng utos or should I say 'inutusan niya kami' na bantayan ang mga kilos nila at kaya ako nandito ay dahil kailangan kong manmanan ang bawat galaw ng Kelsea na 'yon. Nakwento kasi ni Ainee na mainit ang mga mata ni Kelsea pagdating sa kanya at pansin niyang halos bantay sarado niya ang mga kilos ni Ainee, iniisip niya na kinikutuban na si Kelsea sa kanya at sa tingin niya ay mas lalong umusbong ang kutob nito dahil sa naging sagutan nila.

Tsk! Kung bakit ba naman kasi hindi niya makontrol ang ugali niya!

Ginawa ko ang inutos niya at nagmasid ako hanggang sa lumabas ang dalawang lalaking may dalang kahon, inilagay nila Ito sa likod ng sasakyan dahil hindi naman kalakihan ang kahon. Pinagmasdan ko rin ang paglayo nila, hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Pinaalam ko kay Ainee ang pag-alis nila pagkatapos ay muling sumandal para mag bantay na naman. Ugh! Nabo-bored na ako pero kailangan ko itong gawin dahil baka magalit na naman yung amazonang iyon. Natatakot kami kapag galit siya because she has this aura that anyone will fear especially when she is angry, she will just look at you and you will definitely tremble with fear and even we who are her friends are afraid of her.

I remember the day our opponent took her cousin Ethan and hostage him, she was blazing with anger and I could see in her blue eyes how sharp it was. That was the first time she could kill and that was also the first time we saw her like that.

Naudlot ang aking pag re-reminisce nang maramdaman ko ang pagkulo ng akin tiyan, tiningnan ko ang relo ko at nakitang malapit ng mag twelve. Ang tagal ko na palang nakatambay dito at hindi pa ako kumakain, I decided to go to a nearby restaurant first to eat lunch because it was hard to work hungry.

I started the engine and was ready to leave when the person I had been waiting for came out of the alley. I rolled my eyes and immediately turned off the engine before watched her closely, she was not alone because she was with a man who I think was Ze_drake. Ohh! What a unique name.

Nagtagal pa sila sa labas ng sasakyan bago tuluyang napagdesisyunang umalis, nang masigurong nakalayo na sila ay kinuha ko agad ang phone ko at dinial ang number ni Ainee. "They've left!" Halos pasigaw na sabi ko sa kanya tapos ay pinatay na niya ang tawag.

Her Secret IdentityWhere stories live. Discover now