chapter one
FIRST ENCOUNTER
*ringggggggggggg*
Napabangon ako, nagising kasi ako kasi ang ingay ng cellphone, kanina pang nagriring (-.-)
sinagot ko yun habang kinukusot ko pa yung mata ko, inaantok pa eh
"he-"
"HOY BABAE! ASAN KA NA??!"
tiningnan ko yung caller at PATAY. it's Ayumi
"hehe" yan lang nasagot ko. aba kabadong kabado kaya ako
"HUWAG MO KONG MAHEHE BABAE! IM GIVING YOU 30 MINUTES TO COME RIGHT HERE AND YOUR TIME STARTS NOW!!" and she end the call
oh myyyyyyy. 30 minutes lang talaga. well may kasalanan talaga ako, hindi na naman kasi ako nagising eh
Binilisan ko nang kumilos kasi siguradong malilintikan ako kapag nalate ako kahit 1 second lang. oo gayan kahigpit bestfriend ko. paano ko ba ito naging bestfriend kasi totally opposite kami. ayaw na ayaw niyang nasasayang oras niya, hindi siya pasensyado. mainitin ang ulo at tahimik na babae. maingay lang iyan kapag galit na siya tulad na lang kanina, hahaha but i find its cute about her kaya nga mahal na mahal ko yung bestfriend ko
tapos na akong maligo at ayusin ang sarili ko, hindi na rin ako kumain kasi malalate na talaga ako.
sumakay na ako sa sasakyan ko, aba marunong akong magdrive pero ngayon lang ako magddrive ulit kasi u know minor pa ako, 16 years old pa lang pero may student licence naman ako. mahirap na baka matraffic pa ako eh di lalong nalintikan na
while nagddrive, ipapakilala ko yung sarili ko sa inyo. Hi, ako si Samara Madison C.(Carter) Campbell, sosyal noh, well sobra ako sa kadaldalan,saan kaya ako pinaglihi, hihi. mayaman naman kami yung kasi ang turing sa amin pati makakapasok ba naman ako sa elites school kung hindi, di ba? hindi ako maarte and hindi spoiled, contented na ako sa meron ako, aba aba sobra sobra pa nga ang meron ako, may super protective brother ako, at kapag suuuppper, umaabot na siya sa pagiging OA kaya nga walang magtangka sa aking manligaw gawa niya(_ _'). meron din akong parents na maalaga kaso laging wala because of the business matters. meron akong masokistang bff, shhh lang ha, magalit yun sa akin pero lab ko yun
yun nga, nagmamadali ako kasi mageenrol kami ni babes (babes ko si bff, yan yung tawagan namin, hihi cute no, pangsyota), hindi kami palaasa sa iba, kaya naman namin gawin to bakit ipapagawa pa sa iba, nangiistorbo lang kami. btw Belford School ang pinapasukan namin ni babes.
mabuti na lang hindi traffic, may 10 minutes pa ako bago matapos ang time limit na binigay sa akin. Go Samara kaya mo yan, FIGHT!.
"lala, lalala, lalala" aba may pahimig himig pa ako, hindi ko alam yung lyrics eh, eh di tono na lang, di ba? para masaya, hahaha
"lala---screeeeeeechhhhh"
WHAT THE??!!!!!
may biglang dumaan na lalaki, my gooooodddd, nabunggo ko ba siya??!!
agad agad akong lumabas ng car ko, at pumunta dun sa lalaki
NO NO!! I HIT HIM!!
"what to do?! what to do?!" sobrang panic na ako. hindi ko alam ang gagawin ko. umupo ako kasi nanghihina ako at para na rin tingnan yung kalagayan nung nabunggo ko
naiiyak na ako, patay ako. kawawa naman siya, wahhhhhh!! buhay pa kaya siya. oo ngat wala namang dugo na tumatagos sa kanya but still, nakahiga siya sa kalsada na parang may something masakit sa kanya. nabalian kaya siya ng buto!! wahhh,what the hell did i do to him?!!
BINABASA MO ANG
There is no END
Novela Juvenilthis is not about moving on its about looking forwand this is not about acceptance its about letting go when it says, past is past, never deny it, never give any doubt because it still part of your life but never lock yourself about it, feel free a...