Chapter 19

182 4 0
                                    


BACHELORS SERIES 1: HAROLD KAZU HIRO SILVEXTRE


CHAPTER NINETEEN


Jezleen's POV


Hindi ako makandaugaga habang naglalakad pabalik sa aking silid dahil grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon. Knowing Harold, he wouldn't dare to joke around like that. Gaya na lamang kanina, akala ko nagbibiro lang siya tungkol sa baril pero halos takasan ako ng hininga nang makita kong may hawak nga itong baril.



"Kasalanan 'to ng Dr. Henderson na 'yon!" nanggigil kong inabot ang baso ng tubig na nasa bedside table ko't inisang lagok iyon.



"Kung hindi sana niya ako tinawag na sweetheart edi sana masayang dalaga pa ako bukas! Anong gagawin ko ngayon?" nanghihina akong napaupo sa sahig. Hindi pa man ako nakakapagsimulang mag drama sa buhay nang may narinig akong sunod-sunod na pagkatok.



"Sino 'yan?"



"Jezleen Megan, buksan mo ang pinto ngayon din!"



Boses iyon ni Daddy, nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ang pinto dahil pakiramdam ko may hawak nanaman itong palayok na mauling pa ang pwet.



"Jezleen Megan, I swear on this frying pan-"



Kaagad na akong kumilos at pinihit ang seredura ng pinto. "Hi, Daddy..."



"Don't hi daddy, hi daddy me, Jezleen Megan! Ano itong sinasabi ng unggoy mong kasintahan na magpapakasal kayo ngayon?!" galit na galit nga ang tatay ko pero ang cute parin niya tignan kaya naman hindi ko na naitago ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.



"Dad, bakit ba palagi niyong dala 'yang palayok na 'yan? Nakakahiya naman-"



Iwinasiwas nito ang palayok sa ere, "Wala akong pakealam! Tell me, did you scare him para ayain ka niyang magpakasal?"



"Po?! Dad, naman parang hindi mo ako anak oh... hindi ba pwedeng sobrang ganda lang kasi ng prinsesa niyo kaya inaya na kaagad akong magpakasal ng prince charming ko?" nakangiti kong saad kay Daddy saka ko siya niyakap ng mahigpit.



"Mahal mo ba?" biglang tanong ni Daddy.


Bachelors Series 1: Harold Kazu Hiro SilvextreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon