Chap3: The Bond

43 3 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, nabungadan ko sa kusina sina mama at Kuya Alex na naghahanda na ng pang-agahan.

"Oh Sky, tamang-tama malapit ng maluto itong paborito niyong sinigang na liempo", sabi ni mama sa akin habang hawak sa ere ang sandok.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

"Good morning to the most beautiful girl in the whole wide world!"

Kinurot muna niya ako bago halikan din sa pisngi na parang paslit at niyakap ako nang isang kamay.

"Teka bat si Sky lang ang may kiss ako din ma". Ungot ni Kuya Alex at nakiyakap na din sa amin.

"Ang bango-bango talaga ni "Helen of Troy".

"Kayo talagang mga bata kayo oh. Ako naman ang napagtripan niyo ."

"Ma totoo naman ang sinasabi namin ni Kuya. Peksman Batman Superman IronMan." sabi ko sabay gaya ng mga famous poses nila.

"Tama! Kasi ikaw ang pinaka-wonderful na wonder woman para sa amin!". Sugunda naman ni Kuya.

"Nako hindi naman ako basket ball pero binobola niyo na naman ako."

"Naks! Bumabanat na si Mama! Magpakalbo ka na Sky!". Sabi ni Kuya.

"Sige mauna ka susunod ako." Sabay labi.

"Kayo talaga. Sige na bago dumanak ang dugo dito, mauna na kayo sa kumidor at susunod ko na lang ito."

"Yes Ma!" Korus namin ni Kuya.

Habang papunta sa hapagkainan.

"Sky nag txt sakin si Coach may last practice daw kayo mamayang hapon bago tuluyang magpahinga para sa Sabado."

"Ganun ba sige pupunta ako."

"Yung ticket niyo pala nina mama ako na ang kumuha. Evening flight kayo para naman makita mo ang Tokyo Lights for the first time"

"Thanks Kuya! Ah siya nga pala, Kuya may contact ka pa ba kay Ate Cali? May itatanong lang sana ako kung pano ayusin ang nasirang bow--

"She's not here in the Philippines right now but you can leave her a message in her shop downtown regarding what you need". Parang yelong sagot sakin ni Kuya na ikinagulat ko.

Ate Cali is my brother's college sweetheart and five-year girlfriend. Dahil athlete si Kuya noon at team captain ng Archery Club , na isinalin na sakin ngayon, at sports journalist si Ate kaya madaling nagkipagpalagayan ng loob at naging magkaibigan na sa kalaunan ay nagka-ibigan. Kuya love Ate Cali very much. Despite the responsibilities put on my brother's shoulders in running our business in a very young age when dad died eight years ago while flying back home from Shanghai, plus his studies and sport, he still manage to love her to the best he can do. Whenver we're talking about Ate Cali there is always warmth and fondness in my brother's voice. But now its different and I wonder why.

"Ah ganon ba. Sige dadaanan ko nalang ang shop mamaya papuntang Center. " Nakayuko lamang si kuya na parang tutunawin ang plato.

"Kuya ok lang ba kayo ni Ate--

"Breakfast is serve!" Bungad ni mama mula sa kusina na may dalang humahalimuyak na sinigang.

"Oh ayan wag nakayong mag asaran at magbigay pugay sa grasya"

My brother's face lighten up from grimmy and cold.

"Wow! The best ka talaga ma! Oh contest tayo Sky kung sino ang makakarami ng kanin. Game?"

I was taken a back with what he said that I stuttered upon muttering.

"Si-si--sige ba."

"Ang talo bibili ng ice cream at di kakainin." At nagsimula nang kumain si Kuya.

BISCUITFUL LOVE SERIES: Skyflakes' Perfect ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon