Nangangalahati na kami ni mama sa pagkain ng ice cream nang mapagpasyahan naming bigyan din si Kuya dahil sa pang aasar niya samin ni mama. At pinagpasalamat kong mula ng bumalik siya galing tindahan gumaan na ang aura niya.
Mayamaya nagpaalam na akong tutuloy ng practice. Hindi ko nalamang binanggit ulit kay Kuya na dadaan ako sa shop nina Ate Cali.
Paglabas ko ng bahay ay tiningnan kung muli ang pendant ni ms. Baby china na nahulog niya kanina. Her lovely pissed off face cross my mind again and I cant help myself but to smile like an idiot in the middle of the street when I suddenly realize something.
"Anak ng pitong kalabaw. Pano kami magkikita esti isasauli ito kung pangalan nga niya di ko alam." Sinipat ko uli ang pendant. Nagbabakasakaling may contact no. O di kaya ay address man niya. Pero kasamaang palad ay initial lang.
"T-A-A-L" . Sambit ko sa apat na letrang nakatatak sa pendant.
"Taal? Huwag mong sabihing pupunta pa ako ng Tagaytay para ibigay to? Hindi naman siguro sa bunganga ng bulkan ang bahay niyo? Baka naman initials lang ng pangalan. Eh bakit--"
Nabitin sa ere ang kung ano pang sasabihin ko nang mapansin kong pinagtitiningan na ako ng mga dumaraan.
Tumikhim na lamang ako at itinago ang pendant na kanina ko pa pala kinakausap. Inadjust ko ang bull cap ko at si Cons.
"Kakahiya talaga ito sa lahi naming nga macho. Lupa bumuka ka at kainin sila. Joke lang" Mahinang sabit ko sa sarili.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papuntang training center na nakayuko. Pagdating sa entrance ay kinuha ko ulit yung pendant.
"Kailangan na kitang isauli sa amo mo pero ang malaking problema hindi ko alam kung paano?"
"Sky!"
Naputol ang pag brabrainstorming ko nang tawagin ako ni Coach.
"Morning Coach!" Nawaglit na sa aking isipan ang problema ko sa pendant ng mapansin ko ang tatlong kalalakihang kasama niya.
"Oh Sky parang nakakita ka ng multo?" Tanong ng lalaking naka business suit sa loon ng sports center. Mas nag mature ng limang taon ang itsura niya dahil sa ayos nito.
"Dewy!" Sigaw ko na nakapagpangiwi sa kanya.
"Naka americana at lahat na ako tapos ganyan pa din ang tawag mo sakin. Nakakawala ng kamachohan naman yan Sky"
Natatawang lumapit ako sa kanila. Standing 6'3 ft. Heigh with white icy hair blue eyes right hand on the pocket like a matured business man is no other than Andrew "Dew" Watson. Siya ang pinaka bata sa pito saming magkakagrupo pero kung umasta ay parang pinakamatanda.
(P/N: Abangan ang kwento ng biscuit na perfectly bake outside esti lalaking tila in control of everything pero may tinatagong tamis at kwela sa loob ^^)
"Its ok Dew--wyy, hindi babagsak ang economiya ng Pilipinas dahil sa endearment namin sayo". Pang aasar ko pa sa kanya.
"Nako huwag mong sagadin ang pasensya ni Future CEO Sky baka di niya sponsoran ang team". Sabi ng lalaking na ka salamin at may dala dalang lappy.
"Apat na mata!". Nagbatian kami ng kamay. "Long time no see mamen. Kamusta ang pakikibaka kay pareng Trojan?"
Graham Winslow. Di ko alam kung kamag anak siya ni Graham Belle pero masasabi kong di sila na lalayo sa IQ.
He is the techsavvy in the group. Son of the renowned inventor Gray Winslow and programmer Aphro Tilman. No wonder he got his parents genes.
"Matagal na kaming naka pag move on men. May bago naman akong sinusuyo." Pakikisabay niya sa biro ko.
"Kung may roll call man, mauuna na ako. Kamusta na Sky ako ito ang macho gwapitong si Cristofita Atyenza. Dinalhan pala kita ng lunch." Sabay bigay sakin ng lunch box.
"Naks lakas ko talaga sayo men" At inamoy amoy pa ito.
"Ang sabihin mo nagpapalakas yan sayo para makakuha ng libreng entrance sa laro mo." Pang bibisto ni Dew kay Fita.
"Hindi kaya. Gusto ko lang talagang tikman ni Sky ang niluto ko. Its a propose special addition to our menu. Kay need ko ang feedback niya. Pero kung bibigyan mo ako ng librenh entrance why not coconut". Nakangising sabi ni Fita.
"Mahilig ka talaga sa libre. Kawawa naman ng magiging girlfriend mo ubod ka ng kuripot." Sabi ni Gray.
"Sa ibang bagay lang naman ako kuripot pero sa pagkain - give it all baby".
"Sige na. Sige na. Huwag na kayong mag away. Talaga namang bibigyan ko kayo ng free entrance-- Naghilyawan ang mga kumag. "Except Dewy. May pera ka naman ng pambili." Sabay tawa.
"No problem. Basta ba ipanalo mo ang laro na sa tingin ko ay talagang mangyayari. At kapag nauwi mo na ang ginto, ikaw na ang kukunin naming endorser ng bago naming clothing line for athletes. FOR FREE."
"Hanep ka talaga men. Nautakan mo kami dun ah. Business minded ka talaga". Napapailing na sabi ko.
"Ah makikisingit mga kababayan ko. Pero kailangan na naming mag prac nina Sky kasi pag di siya na nanalo sa kakakukit niyo, iiwan ko kayong lahat sa Tokyo at patatapon sa bunganga ng Mt. Fuji." Sabi ni Coach na nakapagpasindak sa tatlo.
"Ah sige Sky prac ka muna. You know prac makes perfect but then again you shoot perfect so why prac? Biro lang". Nakapeace sign na sabi ni Fita.
"Sige Coach Sky una na kami dadaan pa namin sina Creamou at Johnny." Sabi ni Gray.
"Ill send my gifts for the team fri night then. Thanks for having us here Coach keep up the good work." At nakipagkamay pa talaga si Dew.
Mayamaya ay umalis na ang tatlong makukulit.
"Kakaiba talaga kayong magkakaibigan. Ganyan ba talaga kayo psg nagkikita?" Natatawang sabi ni Coach.
"Nako Coach normal mode pa lang po yan wala kulang pa po kasi kami. Hehehe".
"Kung sabagay. Mababait naman kayong mga bata. May sayad nga lang minsan."
"Coach naman sinama pa ako."
"Syempre diba nga sabi ko sayo, "Birds of the same feather think together". Kuros naming dalawa.
"Oh siya mag warm up ka na ang mag insayo. Naihanda ko na ang final simulation niyo. At pagkatapos nito, magpahinga muna kayo at lilipad na tayo sa Sabado".
"Yes Coach!"
Habang naghahanda para mag ensayo. Itinabi ko muna ang pendant ni ms. Baby china.
Makalipas ang tatlong oras na shooting practice ng lunch break muna kami.
"Matikman nga ang inihanda ni Fita". Inaamoy amoy ko pa talaga. Pagkabukas ko ng lunch box bumungad sa akin ang nakakatakam na mga pagkain.
"The best talaga!" Fita do really have the gift in cooking. Nakakapangalahati na ako ng mapansin kong may kung anong nakaipit sa lalagyan ng lunch box.
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang gift check para sa isang spa for two. May nakalakip din itong note.
"To Sky, mamen pagkatapos mong magprac magrelaxtion ka muna sa spa namin alam mo na publicity din yun plus malapit ng mag expire ang promo date. Love, Dew"
"Tsk. Tsk. Tsk. Negosyanteng negosyante talaga. Teka ano to?"
Nakita kung may parang portable chip o usb na kasama sa envelope.
"Sky, Men nandito sa flashdrive ang mga basic info videos at laro ng mga makakalaban mo. You can study them para sureball ang panalo. Nagmamahal, Gray"
At bilang cue tumunog ang phone ko. Si Dewy ang caller.
"Hello"
"Men! Nakita mo na ba ang mga freebies namin? Sabi ko na kasi kay Gray sa balikbayan box nalang namin ilagay baka kasi di ko makita sa kakakain ng dala ni Fita"
"Adik din pala kayong tatlong no. May kung ano ano pa kayonh pakulo. Syempre nakita ko. Hehehe. Mula sa three biscuiters naging three fairy godmother ko na kayo ngayon? Hahaha. Pero thanks mamen. I do appreciate them". Nakangiti kong sabi sa kanila.
BINABASA MO ANG
BISCUITFUL LOVE SERIES: Skyflakes' Perfect Shot
FanfictionLove is a battle field. . For love is sacrifice. Hatred.. Love.. Two completely opposite emotions.. Two people both victims of sudden actions.. He loves her.. She loves him.. And fate have something for them.. That will change everything They're ab...