Panula(t) 01

2 3 0
                                    

©novaaagirlwriter
   
   
Panula(t)
   
 
Storya at tulang gawa
Aking mula sa pusong obra
Ngunit di ko maipagmalaki
Dahil may kulang na di ko mawari
  
 
Kamay na puno ng sining
Tila ngayo'y wala ng ningning
Imahenasyo'y nasaan na?
Hindi na alam, siguro'y naligaw na
  
  
Unang bersa'y nais muling isulat
Tanong saang pahina ba ilalapat?
Wala pa sa dulo'y nasa umpisa nanaman
Interes ko sa pag-sulat saan ba naiwan?
 
  
Sumusulat na hindi na buo
Dahil kulang, may kulang sa mga ito
Iniisip, hinahanap ang inspirasyong panulat
Dahil maging ako tuldok sa dulo'y nais ng ilapat.
 

-End-
  
  


   
Ry
   

I wrote this on the date of January 31, 2022 because that day I felt emptiness. Di ako nagyayabang na marunong akong sumulat ng tula at storya, pero di ko rin pinagmamalaki. Masaya ako sa kung anong kaya at hindi ko kaya, pinapatunayan nun sakin na I have flaws too. I am proud of myself pero di sa paraang nagyayabang. Pero nung araw na to, natanong ko sa sarili ko na 'sumusulat ako para saan? Para ba talaga ako dito?' Ito yung talent ko na sa tingin ko maipagmalaki ko pero nung araw na yun parang na question ko yung sarili ko na, 'talaga lang ah?' I felt ashamed and insecure. There's so many writers out there na sobrang ganda ng mga gawang tula or story. Nakakapanghina syempre. But this is me. No one can dictate me what to do, what to write and what to think. I love writing. I love reading others masterpiece. I love cheering them up to write, to bleed more, to show what they got to the world. So bakit ako maiinggit? Like me, mahal din nila ang pagsusulat. I should support them, be my inspiration to strive more, to achieve more and to write more. Di ko dapat kina-iinggitan yun. I love my works. I know I am not that good but who cares? This is MY works, I satisfy no one. Just myself. So if you feel the same way too, don't stop.
  
"Write until your hands can't write any letters anymore."

  
  

   
 
   
  

Panula(t)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon