©mnovaa
Panula(t) 02
Hawak kong panulat
Puro pasakit ang inilalahad
Emosyong di na mapigilan
Kaya sa pagsulat nalang ilalaan
Sama ng loob nais ng isumbat
Ngunit boses ko'y di mahagilap
Salitang nais ng sabihin
Sa isip nalang ihahabilin
Ngunit ngayong ako'y may panulat na
Sakit ay di na kikimkimin pa
Ilalandas na ang aking mga luha
Wala nang pakialam pa sa makakakita
Pasakit na kay tagal nang dala-dala
Ilang landas lang ng kamay ay nawala na
Isip ay di na magugulo pa
Dahil pasakit ko'y isusulat na
-End-
Ry
Write your pain. Let your pen bleed for you.
BINABASA MO ANG
Panula(t)
PoetryA poem compilation about my writing experiences like; struggles satisfactions expectations happiness and many more. Ps: my own kind of diary