Chapter 1

111 4 0
                                    

M.S.

Hoy. Wala ka ba talagang pakielam sa akin?

So ganun na lang yun? Lahat ginawa ko para sayo. Lahat lahat. Ito na yata ang tingin mo sa akin, noh? Pero siguro, ito yung nararapat sa akin. Sino ba naman ang hindi makakarma sa ginawa ko, diba? Ha. Eh, sa ganito na yun eh. Wala na tayong magagawa. Sira na ang lahat. Gulo na ang lahat.

Hoy.

May balita ako sayo na siyang ikakatuwa mo.

Alam mo ba? Mawawala na ako. Hindi ba, yun yung ninanais-nais mo? Ang mawala na ako sa paningin mo. Ang mawala na ako sa buhay mo. Ang mawala na ako sa mundo mo. Sigurado ako, pag nabasa mo to, magtatatalon ka sa tuwa.

Mamamatay na ako. Tapos ang kaluluwa ko, ikukulong sa impyerno. Grabe. Natawa nga ako nang nalaman ko 'to. May kaluluwa pala ako. Hindi ko na feel. Ok lang naman. Siguro parusa to sa mga ginawa ko. Parusa ito sa lahat-lahat ng kasalanan ko.

Pasensya na ha. Nadamay pa kayo sa kagagahan ko.

Pasensya kung nauto ako ng demonyo.

Likas na ata tong kagagahan ko eh. Pasensya!

Umibig lang naman ako eh.

Ba't ganto? Mali ba ang umibig? Puchaa! Wala na akong ginawang tama! Lahat, mali lahat! Pati umibig, mali. 'tamo nag kagulo. Pati ba naman mabuhay, mali? Yan. Papatayin nga ako, diba?

Mahal kita eh. Kaya ko nagawa ang lahat nang 'to. Sinubukan ko namang mag paliwanang pero di mo ko pinakikinggan.

Oo. Tama ang chismis.

Hindi ako tao. Tama ang nalaman mo.

Alam mo ba ang Nemans? Neman ako. Isa akong Neman. Pinatapon nila ako dito dahil sabi nila, lugar daw 'to ng mga makasalanan kaya bagay daw ako dito.

Ha. Shet. Para akong tangang nagpapaliwanag. Hindi mo naman maiintindihan. Kasi wala kang alam. Siguro mabuti na lang 'to, yung wala kang alam. Para hindi na rin maging mahirap para sayo ang pagkawala ko. Kung mahihirapan ka nga. Baka nga magdiwang ka pa. Gago--

"Oh? Yan na naman ang binabasa mo? Grabe ka. Halos araw-araw mo na yang binabasa ah!"

Lumingon ako sa babaeng tumabi sa akin sa pagkakahiga. Ah, mambwibwiset na naman to. Umagang-umaga eh nangengealam.

"Pakelam mo ba?"

Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Ba't ang sungit mo? Meron ka ba? Kalalaki mong tao tinalo mo pa si aleng tindera sa canteen niyo na nasa 99.9 degree na ang menopausal stage. Ba't ba kasi curious na curious ka dyan sa sulat na yan, ha? Eh parang hindi naman ata totoo yan eh. Alam mo Mark, bakla ka ba? Eh echoserang bakla lang yata ang maniniwala dyan. At ito pa ang malala, hinahanap mo ang may-ari niyan at isinama mo talaga ako diyan sa kahibangan mo. Alam mo, umuwi nalang tayo. Please."

"Alam mo Ally, kanal ka ba?" sabi ko sabay tayo mula sa pagkakahiga.

"Huh?" sabi niya with w-t-f-are-you-saying face.

"Ang baho ng hininga mo. Amoy kanal. Dami mong sinasabi. Bumangon ka na nga at hahanapin pa natin tong amis na 'to."

Inamoy niya ang hininga niya.

"Siraulo ka! Hindi naman mabaho ah!" sabi niya sabay hampas sa balikat ko. "Teka, teka. Sinong Amis? Sabay agaw niya ng papel sa akin at binaliktad-baliktad ito. "Oh, asan ang Amis dito?"

Hinablot ko ang papel at saka iningudngod ko sa mukha niya ang Amis na nakasulat. "Oh, ayan. Ang taas ng ilong mo!"

"Aray ko naman! Eh parang patay na yata ang may-ari niyan eh! 'tamo yung sulat. Punit-punit, sunog. Tapos ang papel na ginamit, panahon pa yata ng kanununununuan natin yan ah! Tapos hindi mo naman nabasa ang buong sulat nang dahil nga sa sunog, so why bother finding someone na hindi naman ata nage-exist? Alam mo, sinasayang mo lang ang effort. Sinasayang mo lang ang energy. Sinasayang mo lang ang pagkain. Sinasayang mo lang ang tubig. Sinasayang mo lang lahat! Hindi ka ba naaawa kay mother Earth? Umuwi na lang tayo. Tumingin ka nga sa paligid. We are in the middle of nowhere!"

"Alam mo, ang OA mo. Kailangan kong mahanap ang may-ari nito. Hindi ka ba nacu-curious sa laman ng sulat? Hindi ka ba nacu-curious kung sino ang nagsulat nito?" umiling lang siya bilang sagot. "Alam mo, parang ang saklap ng pinagdaanan niya. Hindi mo ba nafe-feel? Feeling ko, siya ang makakasagot sa mga nangyayari ngayon. Feeling ko, siya lang ang makakatulong sa atin. Feeling ko--"

"Feelingero ka! Grabe kang makiramdam! Nagbasa ka lang nang sulat, nafeel mo na agad lahat? Ewan ko sayo! Mapupunta lang naman sa wala tong debate na to. Ikaw lang din naman ang mananalo eh. So why bother wasting laway, diba? Ohsya! Tara na at hahanapin pa natin yang ilusyon mo. Dalii!" sabi niya sabay labas sa tent. Tumawa na lang ako. Ba't ko pa kasi sinama 'to?

Hoy. Mark Saliente pala. Professor sa isang prestihiyosong Unibersidad. 19 palang ako. Ganito na ngayong 3010. 16 years old palang, graduate na at pwede nang makapagtrabaho. At yung babaeng maingay na yun, Ally Fieras. 18 years old at isa siyang chef. At sa kasamaang palad, kaibigan ko siya since 3000. Biruin mo, nakaya ko yung ganon katagal kasama ang isang palaka. Ohsya! We are here in the middle of nowhere. Gutom, pagod, uhaw, puyat at nilalangaw para sa isang mission. Para malaman ang kasagutan sa aming mga katanungan. Para matahimik na si Curiousity at matahimik na din tong kasama ko.

Para hanapin si Amis at halungkatin ang kanyang misteryo.

___________________________________________________________________

Amis

2015

Nasaan ako?

Ano to? Madilim ang paligid. Hindi ko maigalaw ang aking katawan.

Bagamat nagtataka ay hindi ko magawang maimulat ang aking mga mata.

Nasaan ako?

Maingay. Nakakabinging ingay ang bumabalot sa paligid. Walang humpay na sigawan ang umaapaw.

Nasaan ako?!

Unti-unting sumikip ang aking dibdib.

Teka, hindi ako makahinga.

Hindi ako makahinga!

Hoy! Tulungan niyo ko!

Hindi ako makahinga! Tulungan niyo ko!

Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko magawa.

Patuloy parin na ingay ang aking nadidinig.

Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso.

Nauubusan na ako ng hangin.

Tulong! Tulungan niyo ko!

"TULUNGAN NIYO KO!" hingal kong sigaw sabay ng pagmulat ng aking mga mata.

___________________________________________________________________

Hoyaa!

Oh. Maikli lang tong chapter na to nang dahil sa tinatamad ako.
Introduction pa lang naman to so don't worry. Okay?
Bawi nalang ako sa mga susunod na chapters.
Tsaka maganda na rin to, yung nabibitin kayo.
Wahahaha!
Basta, maghintay nalang kayo ng updates. Adios!

-donradomilaso

If Amis FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon