Chapter 2

40 2 0
                                    

AMIS

"TULUNGAN NIYO KO!" hingal kong sigaw sabay ng pagmulat ng aking mga mata.

Nakadilat na ang aking mga mata ngunit karimlan pa rin ang aking nakikita.

Sinubukan kong tumayo mula sa aking kinauupuan ngunit ako'y nabigo.

Hindi ako makagalaw. Nakatali ako.

"Hoy! Ano to? Pakawalan niyo ko!" nakiramdam ako sa paligid at puro sigawan at hiyawan ang bumabalot sa paligid.

Malalim ang bawat hangin na aking inilalabas. Bahagyang hinahabol ang aking hininga nang biglang bumukas ang bawat sulok ng aking kinaroroonan. Sinag ng araw ang sumilaw sa aking mga mata.

Lumingon ako sa bawat paligid. Maraming Nemans ang nakapalibot at takot na nagsisigawan habang masama ang mga titig sa akin.

Lumingon ako sa aking kaliwa at doon ko natagpuan ang isa pang malaking kahon tulad ng aking kinasisidlan.

Magulo man ang isip ay sinubukan kong tandaan ang dahilan ng lahat ng ito.

Hinalungkat ko ang bawat sulok ng aking isipan ngunit wala akong maalala.

Tubig sa gilid ng aking mga mata ang unti-unting namumuo. Kasabay nito ang pag kirot ng aking puso. Matatalim na mga titig na wari'y tutusukin ang bawat parte ng iyong katawan.

Hindi ko maintindihan. Wala ako ni isang maintindihan.

Nasa kalagitnaan ang aking isip sa kaguluhan nang bumukas ang malaking kahon sa aking kaliwa. Ako ay napalingon dito.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang taong walang malay at nakatali rin doon.

Hindi.

Hindi maaari.

Sa isang iglap ay pumasok sa aking isipan ang lahat ng kasagutan sa aking mga katanungan.

Galit ay unti-unting namuo sa akin kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.

Pagmulat ko ay siyang paggising din ng babae.

"HAYOP! Buhay ka pang hayop ka?"

Napatalon ako sa gulat nang sumigaw yung babae.

Malalim ang bawat hininga at galit ang namumuo sa kanyang mukha. Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha nang nagpumiglas siya sa kanyang pagkakatali.

Tiningnan ko siya sa mata at apoy ang aking nakikita.

Gumalaw ang platapormang aming kinatatalian at pinaglapit kami sa gitna.

Matinding kaba ang aking nadarama.

"Hindi", mabilis ang tibok ng aking puso "H-hindi. Hayaan mo akong magpaliwanag-"

"Anong paliwanag? Ha! Paliwanag na naman! Kasinungalingan na naman! Pwede ba Amis. Tama na. Wala ka nang dapat ipaliwanag pa." pagpuputol nito sa'kin.

"Hi-hindi... Kira makinig ka. Wala akong kasalanan. Wala akong masamang ginawa-"

"Hindi Amis. Tumahimik ka! Napakalaking sinungaling mo. Napakasama mong tao. Hindi ko lubos maisip na magagawa mo to sa'kin. Sa'kin na siyang natatanging Neman na tinanggap ka, inintindi ka at kinaibigan ka kasi wala ni isang Neman ang may gustong kaibiganin ka ni kausapin ka, ultimo mismo pamilya mo, itinakwil ka. Alam mo kung bakit? Kasi PLASTIK ka! Ang sama ng kaibuturan mo! Alam mo kung ano ang nararapat sayo? Mamatay! Kasi tama nga ang sinasabi nila. Tama ang chismis na Salot ka! Demonyo! Mamatay ka na!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Amis FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon