CHAPTER ONE

5 2 14
                                    

Chapter One

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay namin, bumungad sakin ang magulong bahay. Nagkalat sa kung saan-saan ang mga bote ng alak, magulo ang pagkakaayos ng mga upuan, sa gilid ay nakahiga ang isang may katabaang babae.

Nakasuot ito ng gusot-gusot at maruming damit, magulo ang buhok at may kayakap pang bote ng Red Horse.

Napabuntong-hininga ako. Ang babaeng yon ay walang iba kundi ang lasenggo kong nanay na wala nang ibang ginawa kundi ang uminom ng uminom at maglustay ng pera buong araw na akala mo pinanganak bilang prinsesa.

Wala syang pakialam kahit wala na kaming makain basta makainom lang sya at makapagsugal.

Nagtagis ang bagang ko at pinaikot ang mga mata. 'Bwesit. Pagod na nga ako galing eskwelahan, ganito pa yong maabutan ko. Puny*tang buhay to, oh.'

Dumukwang ako at isa-isang pinulot ang mga bote. Napailing na lang ako nang makitang may nabasag pang isa at nagkalat na ang lamang alak sa sahig.

Kailan ba matatapos tong paghihirap na to? Sawang-sawa na ako sa buhay ko, pati na rin sa bahay na to at sa mga taong nakatira rito. Paulit-ulit na lang ang lahat, wala nang nagbago.

Pagkatapos pulutin ang mga kalat, tinapon ko na sa basurahan ang mga yon at dumiretso na ako sa kwarto ko. Pabagsak na humilata ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Hindi na ako nag-abalang magbihis.

Pagkahigang-pagkahiga ko, kusa nang naglakbay ang imahinasyon ko sa kung saan-saan.

Natatanaw ko ang sarili kong nakasuot ng mamahaling damit, suot ang mga mamahaling kwentas na talo pa ang bituin kapag kuminang. Nakatayo sa balkonahe ng isang mala-palasyong bahay, pinagsisilbihan ng mga maids na para bang isa akong reyna. Nakukuha lahat ng gusto mapa-materyal man o hindi.

Ganon ang gusto kong buhay, hindi ganito. Magulo, nakakapagod at nakakasawa. Ganon ang pangarap kong buhay para sa sarili ko, at gagawin ko ang lahat-lahat makuha lang yon. Kahit kapalit pa non ang lahat ng meron ako ngayon.

I ain't being ambitious at maluho or something. Nangangarap lang ako para sa sarili ko and there is nothing wrong with that. Kung may pagkakamali man dito, yon ay ang nagkaron ako ng ganitong klase ng buhay. Ang ipanganak sa ganitong klase ng pamilya.

"Joan! Ano na naman ba to?! Palagi na lang bang ganito ang dadatnan ko?!" Mabilis na napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Papa. "Palagi na lang ganito! Kailan ka ba magtitino, hah?!"

Bigla akong nakarinig ng nabasag. "Pwede ba?! Wag mo akong pakialaman! Wag mo akong sermunan! Gagawin ko lahat ng gusto kong gawin at wala ka nang pakialam don!" Sigaw ni Mama.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tumitig ulit sa kisame. Sa tagal ng panahong nangyayari ang mga ganito, sobrang dali na lang saking balewalain at kunwari ay isarado ang tenga ko sa mga ingay na hindi ko gusto.

Kinuha ko ang unan at pinatong sa muka ko. 'Hay, kailan ko kaya makukuha ang buhay na gusto ko?'

Sa sobrang pag-iisip tungkol sa buhay ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang biglang humilab ang tyan ko sa gutom.

Minulat ko ng mga mata ko at tumingin sa lumang orasan na nakasabit sa pader. Pasado alas otso na pala ng gabi. Sobrang tahimik din ng buong bahay.

Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa aparador para kumuha ng damit na masusuot. Kukuha na sana ako nang wala sa sariling napatitig ako sa mga damit na nakalagay doon.

Sozhalet' Series 2: Lost In Temptation (On-hold)Where stories live. Discover now