CHAPTER TWO

5 0 0
                                    

Chapter Two

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkatapos ko maligo at magbihis, kaagad na akong lumabas ng kwarto ko dala ang bag ko at pumunta sa kusina.

Tiningnan ko ang mesa pati na ang kusina pero walang kahit konting pagkain don. Kahit biscuit man lang o tinapay, wala. Kahit gatas o kaya ay milo, wala!

I tsked. “Ano pa bang aasahan ko? Lagi namang ganito, tch." Inis na pinaikot ko ang mga mata at padabog na lumabas ng bahay. Nakakabuwesit talaga.

Bakit ba kasi hindi pa ako masanay-sanay? Lagi naman nang ganito ang nangyayari mapa umaga man, tanghali, o gabi pero sobrang naiinis parin ako.

Yong tatay ko, hindi man lang nag-abalang isipin ang kakainin namin— o kahit ako na lang, wag na si mama tutal mukang hindi naman kumakain yon at puro alak na lang laman ng tyan — at diretso alis na papunta sa trabaho nyang hindi ko alam kung may kwenta pa ba.

Yong nanay ko naman, ewan ko na don. Wala na yatang pag-asang tumino pa yon. Pinanganak na yong lasengga at sugarol, mamamatay syang lasengga at sugarol. Nagtataka nga ako ba't buhay pa yon hanggang ngayon eh, sa kakainom non malamang sira na bituka non.

Tsk. Kung pwede lang talagang magpalit ng pamilya, matagal ko nang ginawa.

Kapag ako talaga, nakahanap ng mayamang mapapangasawa, ha, iiwan ko na ang buhay na to. Tutal, wala din namang kakwenta-kwenta to.

Pagkarating ko sa high way, pumara ako ng jeep at sumakay. Pagkaraan ng ilang minuto, pumara ako sa harap ng 7/11 malapit lang sa skwelahan namin.

Pagpasok ko sa loob, kaagad akong bumili ng cup noodles at nanghingi ng mainit na tubig. Mamayang tanghali na lang ako kakain ng kanin, okay na rin naman tong cup noodles pang-agahan.

Pagkaupo ko sa isa sa mga upuan dito sa loob, kaagad kong nilantakan ng tahimik ang noodles ko.

"Oh, it's you!" Muntik ko nang maibuga ang sabaw ng noodles ko dahil sa gulat nang biglang may umupo sa harapan ko.

Tiningnan ko sya para sana sungitan pero napatigil ako nang makilala ko kung sino yon.

Isang lalaking sobrang gwapo, nakangisi habang nakatitig sakin. Medyo basa pa ang buhok nya, makasuot din sya ng itim na varsity jacket na nakabukas kaya kita ang suot nyang school uniform.

Napaawang ang labi ko, hindi ako makapaniwala. Nakita ko sya ulit! Omg.

Gusto ko biglang matawa. Pagkakataon nga naman, oh. Sa lahat ng lugar, dito pa talaga. At sa lahat ng oras, ngayon pa talaga.

Gosh, pakiramdam ko ay kumpleto na kaagad ang araw ko.

"Hi. Charms, right?" Nakangiti nyang tanong.

Napalunok ako at dahan-dahang tumango habang parang tangang nakatitig sa kanya.

Shet. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay masisira na yon anytime soon.

"Y-yes. . ." Utal kong sagot.

Tumango-tango sya. "Of all places, dito pa pala tayo magkikita ulit."

Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga sabay kagat sa pang-ibabang labi ko. "Uh, b-bakit ka nga pala nandito? Taga kabilang school ka naman," tanong ko.

Pinagkrus nya ang dalawang braso at tinukod yon sa mesa habang nanatiling nakatitig sakin.

"Oh, well, I was just visiting a friend of mine." Naalala ko bigla yong huli naming pagkikita don sa karendirya, malapit lang dito.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nag-uusap kami. Gustuhin ko man kasing wag ituloy yon, kumakalam na ang sikmura ko sa gutom.

Pagkatapos kong kumain, nag-volunteer syang ihatid ako sa eskwelahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sozhalet' Series 2: Lost In Temptation (On-hold)Where stories live. Discover now