C H A P T E R 2

0 0 0
                                    

J O V A N' S    P O V

"Okay so, before we start our topic for today, I want you to meet your new classmate." Sabi ng teacher at sinenyasan niya akong pumasok na.

"Introduce yourself to your classmates hijo." Ngiting sabi ng gurong lalaking ito.

"Goodmorning everyone! I'm Adrielle Jovan Lopez, 18 years old, your new classmate. Hoping that we can get along well in the future and for our future." Kabadong pakilala ko at pagkatapos niyon ay pumalakpak na sila.

"You may sit next to Mr. Sarmiento." Turo sa'kin ng guro bago ako maglakad palayo. Pumunta na ako sa kinaroroonan ni Kendrix na sinasabi ng guro na Mr. "Sarmiento". Excited na inayos naman ni Kendrix ang upuan na nasa tabi niya.

Nang makaupo na ako ay humarap na ako sa guro naming hindi ko pa kilala na nasa front.

"Okay, para naman sa mga hindi pa nakakakilala sa'kin, I'm Sir Herbert Lopez, your teacher in Practical Research and also your class adviser. You may call me Mr. Herbie."

Lopez? Kaano-ano ko ba ang taong 'to?

Pero maraming Lopez sa buong mundo. Baka kaapelyido ko lang at nagkataon lang.

Napansin kong may panay sulyap ang iba sa mga kaklase ko at alam ko iyon kung bakit. Kuryoso ang mga isip nila kung bakit magkaapelyido kami ni Sir Herbie.

"Okay, Adrielle...Jovan, right?" Tawag sa'kin ni Sir Herbie na pilit kinakabisado ang pangalan ko na tumama naman.

"A-Ah yes Sir Herbie?"

"It's a coincidence that our last name are the same. Nakakalito kung tawagin kitang Mr. Lopez. May I call you Jovan na lang?" Aniya

"Not a problem Sir." Sabi ko.

"So since you're new here, at wala ka pang libro para sa subject natin, you may share with your seatmate na lang muna. Okay lang ba?" Sabi niya habang nakangiti.

Nasa middle 40s na ang itsura ni Sir Herbie. Hindi magkalayo ang edad nila ni Papa. Pero kapag ngumingiti si Sir Herbie, nakikita ko sa kanya si Papa. Pati boses niya. Yung singkit niyang mata.

Pero imposibleng kadugo namin 'to. Si Sir Herbie na mismo ang nagsabi na coincidence lang ito na magkaapelyido kami dahil hindi nga kami magkadugo.

"Okay sir." Sagot ko.

"Okay, so turn your books to page 15."

Instruct niya na sinunod naming lahat.

Sinimulan na ni Sir Herbie ang discussion habang ang iba ay seryosong nakikinig sa kanya habang ang iba naman ay inaantok, bored, at walang pakialam. Pero ako, nakakasunod naman ako bawat litanyang sinasambit niya. Madali kong naiintindihan at nakukuha ang ibig niyang ipakahulugan. I like the way he discusses every meanings with details of the topic.

Lumipas ang isang oras na hindi ako dinalaw ng katamaran. Ganado ako sa buong oras ng subject na ito.

"Okay, that's all for today. Be ready for a long quiz for tomorrow. Goodbye class!" Masiglang bati at anunsyo sa amin ni Sir Herbie.

"Goodbye, Sir Herbie! Thank you and God bless you!" Paalam naming lahat sa kanya.

Pagkalabas at pagkalayo na ni Sir Herbie ay nagstart na namang mag ingat ang buong klase.

"Ano daw? Long quiz?! Shete! Wala pa naman akong natutunan kahit man lang sinlaki ng langgam walang-wala!"

"Ako nga, hindi ko maintindihan ang discussion. Wala naman kasi akong kahilig-hilig sa politics eh."

"Sinabi mo pa."

"Ganito na lang, guys! Gawa tayo ng cheating plan! Hehe."

Pag uusap usap ng mga kaklase ko at ang huling nagsalita ang nakapagpatigil sa'kin at saka ko kinalabit si Kendrix.

"AT IYAN ANG HUWAG NA HUWAG NIYONG GAGAWIN!"

"Bakit naman Pres.? Eh sa wala nga kaming naintindihan. Gusto mo bang magkaroon kami ng mga zeroes score?" Litanya ng isang babae na maganda nga, makapal naman ang makeup.

"Hindi niyo kasi iniintindi ang mga sinasabi ni Sir Herbie kaya, wala talaga kayong maiintindihan. Yung iba sa inyo kanina, bored, inaantok, at walang pakialam. Akala niyo hindi iyon alam ni Sir Herbie? Kaya nga siya nagbigay ng pa long quiz dahil sa mga behavior niyo kanina. Kung nakinig lang kayo ng mabuti kanina sa kanya, it wouldn't turn this way." Sermon ni Kendrix.

"At heto na naman po tayo."

"Dinaig pa si lola sa panenermon eh."

"Haysst parang hindi lalaki. Ang daldal."

"Kayo kasi eh."

"Oh, ba't kami? Eh kasali ka rin naman?"

"Even now, I can't even have your respect. I am your President here at nagsasalita ako dito, pero hindi naman kayo nakikinig. Iyang ganyang behavior na iyan ang ginawa niyo kanina kay Sir Herbie kaya hindi ko masisisi si Sir Herbie kung bakit siya magpapalong quiz. Now, if you really don't want to get zeroes in your scores, imbes na gumawa kayo ng cheating plans and whatsoever, why don't we make a group study? Or much better, a whole class study. Mamayang vacant?"

"Good idea!" Sabat nung babaeng makapal yung make-up.

HALOS magtatatakbo na si Eunissa dahil sa bilis ng mga hakbang nito. Late na kasi ito ng 30 minutes dahil nagpunta pa siya sa kabilang building para kunin ang librong hiniram ng bestfriend niya sa kanya kaya ito't parang hinahabol siya ng kung sino kung maglakad. Kada baitang na kanyang tinatapakan sa mga hagdan ay tinatakbo na niya. 5th floor pa naman klase niya at nasa dulo pa ito ng building nila.

"HƏll, lagot na naman ako kay Heneral Luna nito." Bulalas niya sa sarili na ang tinutukoy ay ang propesor nitong mala Heneral Luna ang ugali dahil sa kastriktuhan nito. Luna ang apelyido ng kanyang propesor sa oras ng klase na iyon pero Alfredo ang totoong pangalan nito, binansagan niya lang ito na "Heneral Luna".

Nasa fourth floor na siya at isang hagdan na lang ang aakyatin na para umabot na siya sa fifth floor nang bigla ay may nakabangga siyang lalaki dahilan para magkalat ang lahat ng mga bitbit niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo nila at masira rin ng bonggang-bongga ang araw niya.

'What the hell!'

Nasa isip ng dalaga dahil sa inis.

Isa-isa na lamang niyang pinulot ang mga gamit na nagkalat. Ang buong akala niya'y iiwan na siya ng nakabunggo sa kanya subalit nagkamali siya. Tinulungan siya nitong pulutin paisa-isa ang lahat ng mga gamit niya. Pagkatapos niyon ay tumayo na silang dalawa. Magsasalita pa sana ang lalaki at alam niyang hihingi ito ng tawad subalit inunahan na niya ito.

"Thank you and sorry. I gotta go now." Seryosong sabi niya na may pagmamadaling mahihimigan. Sarkasmo rin ang dating ng kanyang pananalita subalit hindi niya alam kung nahimigan ba ito ng lalaki. Iyon lang at tuluyan na siyang umakyat at iniwan ang lalaki.

Wala na siyang pakialam kung may naiwan pa siyang gamit, ang mahalaga'y maabutan pa niya si Heneral Luna. Sa subject pa naman nito nanganganib ang grades niya dahil major subject niya ito at nakakuha siya ng tres sa midterms niya.

Pagkarating niya ng room ay anong panlulumo niya nang maabutang naghahanda na ang propesor para makaalis. Bagamat naabutan pa niya ito ay palabas na ito ng room.

"Magandang umaga, Binibining Eunissa! Ika'y napakaaga para sa susunod na klase." Sarkastikong sambit ng propesor at saka lumabas ng room dala ang mga gamit nito.

Napapikit na lamang siya dahil sa pagkapahiya. Nagpunta na siya sa kanyang upuan para maupo.

Habang nakaupo at naghihintay sa sunod niyang klase ay nagmumuni-muni siya kung gaanong kamalas malasan at nasira na mas sinira pa ng lalaking nakabunggo niya ang araw niya.

Pero 'ika nga, "It's just a bad day, not a bad life." Pero pati nga yata life niya ay considerable ding "bad". Hays.

Hindi na niya alam kung hanggang kailan at saan pa siya lulugar.

Naputol ang pagmumuni niya nang dumating na ang sumunod na propesor.

Pangarap Lang KitaWhere stories live. Discover now