C H A P T E R 3

0 0 0
                                    

"WOI! Kanina ka pa tulala riyan. May problema ba?" Siko ng kaibigan niyang si Kendrix habang siya'y nakatunghay sa kawalan.

"A-ah? W-wala! Wala naman. Hehe." He answered while forcing a smile.

"Weeh? Anong wala eh kanina pa kita kinakausap ni hindi ka man lang sumasagot. Hindi ko nga alam kung alam mo ba yung pinag uusapan natin o kung nakikinig ka ba."

"Nakikinig ako." Depensa niya.

"Sige nga kung nakikinig ka, ano nga ulit 'yung huling sinabi ko?" Hamong tanong nito.

"Sinabi mo kanina na--na...na ano...ah...ehhh", utal-utal niyang sagot dahil sa walang maapuhap na sagot.

"Kitam? Kulang na lang ubusin mo lahat ng mga patinig eh. Ano bang nangyari? Ba't ka tulala?" His friend asked filled with curiosity.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung paano kaya ako makakasurvive dito."

'Sinungaling!' bulong ng kasuluk-sulokang bahagi ng isip niya.

'I'm just reminiscing how beautiful that girl  is.'

Huh?

"Gutom na'ko." Nasabi na lang niya bago pa makapagsalita ang mokong niyang kaibigan.

"S-sige. Let's go, my treat!"

"Hindi na! Binigyan naman na ako nila nanay ng perang pambili. Okay na'ko."

"Sagot ko na ngaaa!" Pagmamaktol at pangungulit nito sa kanya.

Hays.

Hinayaan na lamang niya ito hanggang sa nakarating na sila sa canteen o mas tamang sabihing cafeteria na hanggang fourth floor and taas at malawak pa. Napaawang ang mga labi niya sa nakikita niya ngayon. Hindi niya inaasahang may ganitong klaseng cafeteria na mala restaurant ang ambiance at napaka vintage tingnan.

Pagpasok na pagpasok nila ay inaasahan niyang maraming mga estudyante ang mga naririto. Wearing uniforms, having chitchats, drinking coffee, studying, laughing together with the love of their life.

'Argh.'

Ngunit may isang table ang nakaagaw ng kanyang atensyon. Nag iisa lamang itong nakaupo at nakasuot ng earphones habang abala sa laptop nito at humihigop ng iced coffee. May nakita pa siyang sliced cake sa kabilang side nito.

'That lady. Why is she unbelievably beautiful?'

Mula ulo hanggang paa, ang ganda nito. Walang bahid ng make up ang makikita sa mukha nito. Ang ganda ganda nito kahit bare faced lang ito.

Kung ikukumpara sa mga babaeng nakikita at nakakasalubong niya mula pa kanina magpahanggang ngayon, mas nangingibabaw ang ganda nito.

'Kaya lang, mukhang masungit'.

Ito yung babaeng nakabunggo niya kani-kanina lang sa hagdan. Mukhang siya yata ang nakasira sa araw nito dahil dun.

He wants to approach her to express his sincerest apology again and again. Hawak niya pa man din ang isang susi together with the keychain na alam niyang pag-aari nito.

Dahil sa pagmamadali kaya hindi na nito inalintana kung naipasok na ba nito lahat ng mga gamit nitong nagkalat kanina sa hagdan.

"Are you staring at Eunissa?" Biglang singit ng mukha ni Kendrix sa tinitignan niyang 'view'.

'Patay'.

Patay malisya siyang sumagot sa dito,

"You're imagining things. Tinitignan ko lang yung kabuuan nitong canteen na'to tsaka sino bang Eunissa'ng pinagsasabi mo riyan?" Kunwaring iritable niyang sagot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pangarap Lang KitaWhere stories live. Discover now